EPILOGUE

121 9 2
                                    

SUNNY's POV

IN the edge of veranda here in this old and corrupt quaters that only moonlight served as a night light here, ako ay nakaupo na animoy ay model dahil sa style ng aking pagkakaupo.

"Aughh!" biglang daing ni Rainy na nasa may tabi habang hawak ang kanyang mahiwagang telescope.

"Oh, na panu ikaw?" taas kilay na tanong ko dito.

Umayos muna siya ng tayo sabay baba ng telescope na hawak niya. Kanina pa kasi kami dito at kanina pa siyang panay ang suri sa buong kapaligiran gamit ang telescope niya.

Padabog siyang lumakad patungo sakin at umupo sa may tabi ko. Kamuntikan pa siyang mahulog...

"Ayy bwesit!"

"Eh bat ba kasi nagdadabog ka jan eh?"

"Eh sa naiinis na talaga ako sa Operation thing na ito! Parang walang patutunguhan. Nakakabwesit!"

Napailing nalang ako sa attitude nga taong ito. Madali kasing mainip at mainis eh...

"Geez. Hayaan muna, kahit walang patutunguhan 'to atleast we do our best naman para lang magawa ng maayos ang mission natin sa P.O.N na ito."

"Tsk! Dami kasi nilang alam. May pa operation-operation pang nalalaman."

Di nalang ako sumagot pa at itinuon ang aking paningin sa kalangitan. Ang daming mga nagni-ningning na mga bituin at ang buwan ang sobrang liwanag. Naisip ko tuloy na, sana balang araw mahawakan ko sila. Geez! Nababaliw nanaman ako. Sino na ba namang tanga ang papangarapin yun. Napaka impossible kaya.

"BITCHHHH!!!"

HALOS malaglag ako sa kinakaupuan ko kung di lang ako naging alesto. Agad ko naman tiningnan si Rainy ng death look...

"Bat ka ba naninigaw huh, bitch!?"

"Eh panu ako di sisigaw kung nasa outer space nanaman yang utak mo Kanina pa ako tawag ng tawag sayo dito!"

Agad naman ako nahimasmasan dahil sa sinabi niyang yun. Ganun na ba talaga ako kalutang para di ko namalayan na kanina pa niya ako tinatawag? Geez. Isa talaga ito sa mga pinakamalaking problemang dala ko. Ang pagiging "Lutang Girl" huhu.

"Haha! Sensya na bitch."

"Tsk! Patawa-tawa pa..."

"So, bat mo nga pala ako tinatawag?"

"Haist! Tatanungin ko sana sayo kung nasaan si Winny The Bitch. Kaso lutang na lutang ka. Lumilipad na naman yang isip mo sa kung saang planeta!"

Agad naman ako natigilan sa sinabi niya. Tumingin ako sa kaliwa saka sa katan at di pa ako nakuntento, linibut ko pa sa kapaligiran ang aking paningin pero di ko mahagilap ng mata ko si Winny. Nasaan na yun? Magkakasama lang kaming tatlo kanina dito huh. At bakit ngayon lang siya pumasok sa isip ko? Geez. Anyway, BITCH is our Endearment.

Tumingin ulit ako kay Rainy ng tingin na may pagtataka, gayun din siya...

"Aba, ewan ko! Diba kayo ang magkatabi na jan kanina"

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now