Chapter 35: Psycho Persons

699 34 2
                                        

GRAY's POV

KNOWING your individual mission validates your life and releases you from the pernicious habit of comparing yourself to others.

"Dude? Kailangan ba talaga natin sundan yang babaeng anghel mula sa langit?" tanong ni Black sakin.

Nandito kami ngayon sa isang sulok na nagtatago at lihim sinusundan ang babaeng tinutukoy ni bossing na bantayan namin.

Nagmumukhang stalker na tuloy ako, ang gwapo ko pa namang nilalang.

At isa pa, di pa ako nakakapagpahinga matapos ng training namin kagabi dahil sa gaganapin na fight mamayang gabi.

"Oo dude! Kinakailangan talaga! Kaya manahimik ka nalang jan at wag kanang magtanong pa. Naiinis sayo ang gwapo kong mukha." sagot ko dito at buti naman ay hindi na siya umimik pa.

Lintik nga lang, dapat mag-isa nalang si black ang gumawa nito. Dahil hindi talaga bagay sa isang gwapong tulad ko ang gawain na 'to.

* FLASHBACK *

Narito kami ngayon sa isang sulok malapit sa classroom ng Section Maximum.

"Whoaahh dude! Ang sexing anghel na mula sa langit." bulyaw sakin ni Black.

"Oo dude! Alam kong gwapo ako pero di mo kailangan na gulatin ako." wika ko dito.

Tumingin naman agad ako sa ditection kung saan siya nakatingin. Isang babae na kakalabas lang sa Section Maximum. At di ko maiwasan na mamangha sa aking nakita.

A beautiful women wearing a red beaded two-piece homecoming dress. She had a nice skin and body. Whatta a gorgeous women.

And we already know her, but not her name. Una namin siya nakita sa Induction Party as a Emcee at sobrang mangha kami nun ng marinig namin ang ganda ng boses niyang kumanta.

At sinabi samin ni bossing na matalik daw na kaibigan nina Gaps at Shain ang babae. Kaya kaibigan niya narin daw at ngayon pinababantayan niya samin na di namin malaman ang dahilan.

"Dude? Alam kong sexy siya pero yung laway mo punasan mo muna." wika ni Black.

I give him death look "Dude? Wala sa lahi ng mga gwapong tulad ko ang naglalaway kapag nakakakita ng ganyan. Mark that men!" I said.

"Talaga lang huh. Eh ano yang tumutulo sa bunganga mo?" mapang-asar na wika nito.

"Dude? Kung nai-insecure ka lang sa kagwapuhan ko, sabihin mo lang at tuturuan kita kung paano maging gwapo kagaya ko." confindent na wika ko dito.

Yinugyog naman ako nito sa balikat "Dude!? Dude!? Gumising ka. Nanaginip ka yata." wika nito na.

"Anak ng takte! Tara na nga, at sundan na--- huh? Saan na nagpunta yun?" wika ko ng mawala sa paningin ko ang babae.

"Baka nagpunta yata sa locker room base sa daang tinatahak niya." wika niya.

"Oh sya tara na sundan na natin siya. Nang di tayo malintikan kay bossing. Ayoko pang masayang ang kagwapuhan ko no."

Nandito naman kami ngayon sa isang sulok na malapit sa locker room.

"Dude? Sigurado ka ba na dito sa nagpunta?" tanong ko kay Black.

"Maybe." tipid na sagot niya.

"Anak ng takte!" bulyaw ko "Alam kong gwapo ako dude? Pero hindi mo ako mapapaikot." wika ko.

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now