Chapter 22: Blood

897 47 1
                                        

JEWEL DEMI-LEIGH's POV

NAKARATING na kami sa canteen. Pumunta na ako agad sa isang vacant table habang yung dalawa ay dumiretso sa counter para kumuha ng aming kakainin.

Habang nakaupo ako dito mag-isa, hindi parin mawala sa isip ko ang pagtataka sa mga nangyari.

Ilang beses ko man ito subukan na wag isipin, di ko parin magawa lalo't na ngayong may kakaiba ng nangyayari sa paaralan na ito.

Hayss! Nakakasakit ng ulo!

Ilang minuto lang ang nagtagal ay dumating na ang dalawa habang dala ang mga pagkain na kakainin namin.

"Hey sister! Nandito na ang pagkain natin." nakangiting wika ni Gaps sabay lapag ng mga pagkain sa table

"Ahh oo." tanging sambit ko dito.

"Sige na kumain na tayo." aniya ni Shain.

At nagsimula na kaming kumain. Actually, wala akong ganang kumain at napipilitan lang talaga ako.

"Hoy sister! Tahimik ka jan huh." bulyaw sakin ni Gaps.

"Oo nga. Okay ka lang ba sis?" nag-aalalang tanong ni Shain.

"A-ah Oo naman." nakangiting wika ko sa mga ito. Kahit na hindi ako okay.

Balak ko sanang magtanong sa kanila tungkol sa mga nagyayaring kakaiba ngayon dito.

Pero wag nalang, dahil alam kong hindi naman nila ako masasagot.

"Sure ka?" paninigurado ni Gaps.

"Ano ka ba! Syempre naman." nakangiting wika ko ulit dito.

"Mabuti naman. Oh sya bilisan na natin dahil may susunod na klase pa." aniya ni Shain.

Tumango nalang ako at saka ipinagpatuloy ang pagkain...

I need to do this. Para naman di sila mag-alala sakin.

KAKATAPOS lang namin sa canteen at patungo na kami ngayon sa aming classroom.

Bigla ko naman naisipan na pumunta sa office ng H.A dahil hindi ko na day off at trabaho ko nanaman ang paglikuran siya bilang assistant niya.

Hay buhay! Makikita ko nanaman siya.

Agad naman ako nagpaalam kina Gaps at Shain. Pumayag naman sila agad dahil yun ang trabaho ko eh at naiintindihan nila.

At heto na ako ngayong patungo sa office ng H.A at nang makarating ako ay agad akong pumasok dito. Pero walang Jeonjey ang nadatnan ko.

Where is he?

I'm serching him everywhere in this room. Pero wala akong makita na Jeonjey.

San ba nagpunta yun?

Napabuntong hininga nalang ako. Akmang uupo na ako sa may couch na bigla nalang bumukas ang pinto at ikinagulat ko.

"Naku naman Jeonjey, papatayin mo ako sa gulat." gulat na wika ko dito.

Matagal pa siyang natahimik habang nakatitig sakin bago siya magsalita...

"Oh really? Sorry." cold na wika niya sabay lakad papuntang swivel chair niya at umupo dun.

Okay!

"Amm may ipapagawa or i-uutos po ba kayo sakin ngayon?" tanong ko dito.

"Hmm... Yeah!" sagot niya.

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now