JEWEL DEMI-LEIGH's POV
ONE week had passed. Balik eskwuela at balik work nanaman.
Matapos kasi ng Induction Party na yun ay ipinagpasyahan ng Head Administrator Jeonjey na wala munang pasok one week at day off ko daw muna.
One week narin simula nung nangyari ang moment namin sa may rooftop na yun.
One week narin na lagi nalang si Jeonjey ang laman ng isip ko at di ko malaman-laman kong bakit.
One week narin na hindi kami magkakasama ng mga kaibigan ko. Kaya miss na miss ko na sila.
At one week narin na parang may kakaiba nang nangyayari dito sa paaralan na ito.
May mga naririnig akong parang mga nagkakagulo at minsan may mga nararamdaman akong mga tao jan sa labas gabi-gabi.
Balak ko sanang lumabas at tignan, pero lagi akong pinipigilan ni Daisy. Full moon na daw kasi at delikado na sa labas kapag gabi.
Samantalang wala na si Grim Reaper sa trabaho niyang maglibot tuwing gabi dahil isa na siyang ganap na officer, at ganun din si Scheduler.
Magiging busy na sila sa iba nilang trabaho bilang officers. Kaya anong delikado dun?
Ang hirap intindihin. Promise!
Napabalik narin ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Daisy.
Kaya napalingon ako agad sa kanya...
"Una na ako huh?" wika niya sakin.
"Ahh oo. Ingat ka." nakangiting wika ko sa kanya.
"Sige." nakangiting wika niya sakin kasabay ng pag-alis niya.
Tapos nun ay tumayo na ako sa pagkakahiga ko sa aking kama at pumunta sa bathroom para gawin ang morning rituals ko.
Matapos nun ay lumabas na ako ng naka bathrobe nalang at pumunta na sa kusina.
Toasted bread at Jam lang ang kakainin ko sa breakfast ngayon, tamad ako magluto lalo't na mag-isa ko lang ang kakain.
Naging busy na kasi si Daisy simula nang naging officer na siya at wala kaming masyadong oras na magkasama sa lunch, dinner at breakfast.
At sabi pa niya, di na daw siguro kami makakapagsabay na pumasok sa school, kaya lagi na daw siyang mauuna sakin. Nakakapanibago nga lang. Pero I understand.
Magiging busy na nga talaga siya.
Matapos kong mag breakfast. Nagbihis na ako at sinuot na ang aking uniform.
Saka ako nagtungo na sa school. Nang makarating ako sa tapat ng classroom namin, binuksan ko lang ng kunti ang pinto saka sumilip at saktong wala pa ang first period teacher namin kaya pumasok na ako sa loob.
Agad naman ako sinalubong ng yakap nang dalawa kong kaibigan na sina Gaps at Shain.
"Hi sister. Kamusta ka na?" bati agad ni Gaps sakin.
"Namiss ka namin sis!" wika naman ni Shain.
Makikita mo talaga sa mga itsura nila ang pagkasabik na makita ako muli.
Napangiti nalang ako sa kanila. Namiss ko kasi ang mga ito eh.
"Hihi. I'm fine. Namiss ko rin kayo mga loka." nakangiting wika ko sa mga ito.
Tapos nun ay sabay na kami nagtungo sa kanya-kanya naming armchair. Nang makaupo ako ay napansin kong wala pa sina Viey at Kressley.
Bakit kaya? Eh samantalang laging maaga pumapasok ang dalawang yun. Nakakapagtaka.
YOU ARE READING
THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)
Misterio / SuspensoIn this PANDEMONIUM WORLD, so many questions that finding the answers can kill you. EVERYTHING WAS DIFFERENT. It's a different time, different place Love is right. But... In the same time, the same place, A heart full Of love, Can't be hidden. ••• V...