Chapter 24:Falling In Love

972 43 7
                                    

JEWEL DEMI-LEIGHT's POV


SUMIKAT nanaman ang panibagong umaga para sakin. At mas lalong nadadagdagan ang mga katanungan sa aking isip.

Kaya, I decide to investigate it. Dahil panahon na siguro para kumilos.

Iisa-isahin kong alamin ang lahat-lahat.

Pero dapat walang makaalam nito dahil ayoko masira ang plano ko.

NANDITO ako ngayon sa loob ng klase nakatingin lang kay professor Rapmon na may hawak na idang paper at binaba ito, habang yun mga kaklase ko naman ay busy sa pagsusulat ng lesson na nasa blackboard board.

Kanina pa ako nagdududa sa kanya dahil sa bawat sandali na mapapatingin siya sakin ay ngumingisi siya.

Ngising parang may ipinapahiwatig. Pero di ko matuklasa-tuklasan kung ano.

Daily routine na yata niya ang ngisihan ako sa oras ng klase niya samin.

Bunutin ko kaya ngipin niya! Psh.

At ewan ko lang huh, ewan ko lang talaga kung ako lang ang nakakapansin sa kanya.

Ibinalig ko nalang sa notebook ko ang aking patingin at nagkunwaring nagsusulat.

Pero sa mga sandaling ito may isa sa mga pinagtataka ko ang pumasok sa isip ko.

Kahit naman siguro isa sya sa mga officer dito ay magpakita man lang siya samin dito sa classroom or everywhere dito sa campus.

Hindi ko na talaga siya nakikita simula ng matapos ang Induction Party na yun.

At yun ay walang iba kundi si Viey. I miss him so much.

Ewan ko ba kung bakit, pero para sakin importante na sya sa buhay ko. Kagaya lang nina Daisy, Gaps at Shain. They important to me now.

"Oh sige huh, mauna na ako sa inyo. Bye!" paalam ko sa mga kaibigan ko.

KAKATAPOS lang ng klase namin. At lumabas agad kami ng makaalis na si Professor Rapmon.

"Okay sister. Ingat ka." nakangiting wika ni Gaps.

"Ingat sis." nakangiting wika naman ni Shain.

Tumango at ngumiti nalang ako sa mga ito saka tuluyan ng umalis.

PATUNGO na ako ngayon sa Head Administrator Office.

"Goodmorning sayo!" bati ko kay Jeonjey pagkapasok ko sa loob ng office niya.

"Likewise!" tanging tugon nito with sa cold voice.

Nakaupo ito sa swivel chair niya at busy sa ginagawa niya.

Napabuntong hininga nalang ako bago lumapit dito.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nakatingin sa papers na hawak niya.

"Checking the documents." cold na sagot nito.

Nasanay na ako sa pagiging pabago-bago niya ng mood.

Lalo na sa pagiging seryoso at malamig na pakikipag-usap sakin.

Tapos minsan naman kinakausap ako ng hindi binibigyan ng tingin at isama mo pa yung pagyakap niya sakin ng pabigla-bigla.

Haist! Sa tingin ko ganun na talaga yata ang hilig niya.

Napailing nalang ako. "Ahh ganun ba." tanging sambit ko dito.

"Yup. Anyway, I need your help." wika nito ng lumayo ako ng kunti sa kanya.

"Okay. Ano yun?" tanong ko dito.

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now