VIEY STEVELER's POV
NANDITO ako ngayon sa hideout namin kung saan patago dito sa lugar ng university na ito.
Kaharap ko ngayon sa isang meeting table itong apat na kulay na ito.
"Hey! Bossing. Sa tagal nang panahon saka mo kami naisipan ipatawag huh." wika ni Gray.
"Siguro namiss mo kami no?" nakangiting wika ni Blue.
"Anong nakain mo bossing?" singit naman ni Red.
"Pahenge naman kami---aray!" wika ni black na agad kong binatukan.
"Gago! Puro kayo kalokohan!" madiin na wika na ikinatahimik naman nila agad.
Mga lokong unggoy talaga. Walang pagbabago. Psh!
Silang apat ang naging tapat kong alagad simula ng bumuo ako nang isang grupo na kung tawagin ay Legendary Savage Gang.
Pero, pinatigil at winasak ko muna ito ng limang taon at ngayon at bubuohin ko nanaman ulit.
"So bakit mo nga ba kami pinatawag bossing?" tanong ni Gray.
Ang daldal talaga ng isang 'to.
Nagrerelax pa ako dito, tanong ng tanong! Kaya naman binigyan ko ito ng isang matulis na titig dahilan upang matiklop ang bunganga niyang sing laki ng earth.
"Try mo kayang itiklop yang bunganga mo ng malaman mo!" cold na wika ko dito.
Pansin ko naman ang pagpigil ng tawa ng ni Blue at Red dahil sa pambabara ko sa unggoy na si Gray na 'to.
"Atat ka naman kasi dude pfft hintayin nalang natin magsalita si bossing." bulyaw ni Blue sa kanya na pigil sa tawa.
"At saka manahimik ka nalang muna pfft baka kasi imbes na meeting ang pinunta natin dito ay maging hunting." wika naman ni Red sa kanya na pigil din sa tawa.
"Oo nga naman dude. May point sila dun. Atsaka isa pa pala..." wika naman ni Black sabay akbay sa balikat ni Gray saka inilapit ang bibig sa tenga nito.
"Mag tootbrush ka muna bago ka magsalita. Kasi mukhang di nagustuhan ni bossing ang baho na hininga mo eh-aray huh!" dagdag nito na pabulong ngunit dinig na dinig naman namin.
Loko-loko talaga ang isang 'to.
Kaya naman yung pinigilang tawa kanina ng dalawa ay sumabog na ngayon.
"WHAHAHAHA!" halakhak ni Blue at Red na nakahawak pa sa mga tiyan nila.
"Ako ba'y ginagalit mo bakulaw ka!?" sigaw ni Gray kay Black sabay hawak sa colar ng damit nito.
"Ito naman, hindi na mabiro. Atsaka nagbibigay lang naman ako ng advice sayo. Atsaka nasasakal ak--!" wika naman ni Black ngunit pinutol ni Gray dahil sa galit.
Madali kasing mapikon ang isang 'to at madaldal pa.
"Aba't ginagalit mo talaga ako huh bakulaw ka!" galit na wika nito.
Akmang bibigyan na ni Gray ng suntok si Black ng bigla akong sumigaw...
"Tama na yan!" madiin na wika ko sa mga ito.
"Ito naman si bossing ohh ang epal."
"Oo nga. Ang ganda na ng eksena."
Dinig kong satsat ng dalawa, na si Blue at Red...

YOU ARE READING
THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)
Tajemnica / ThrillerIn this PANDEMONIUM WORLD, so many questions that finding the answers can kill you. EVERYTHING WAS DIFFERENT. It's a different time, different place Love is right. But... In the same time, the same place, A heart full Of love, Can't be hidden. ••• V...