JEWEL DEMI-LEIGH's POV
MATAPOS ng pag-uusap namin kanina ni Kressley sa taas ng rooftop, napag-pasyahan ko nang umuwi ng aming condo at ngayon ko lang namalayan na halos mag-gagabi na.
Nang makapasok ako sa aming condo, nadatnan kong tulog na si Daisy. Dala na siguro ng pagod niya sa kung anuman ang ginagawa niya.
Oh my Unnie.
Dumiretso ako sa kusina dahil nakaramdam ako ng gutom. Hindi na ako nag-aksaya na gisingin si Daisy, dahil simula ng naging busy siya always busog nalang siya palagi.
AFTER an hour, natapos na akong kumain at pumunta na ako ng bathroom para mag half bath lang. Nang matapos na akong mag half bath at syempre magbihis ay pumunta na ako sa aking kama at humiga.
Nakatitig lang ako ngayon sa kisame at iniisip ang lahat ng sinabi ni Kressley...
Ang tungkol sa sinabi niyang nanganganib ang University na ito. Ang tungkol sa kung ano mang mission na ginagawa nilang mga Officers. At tungkol sa malaking problema ng Head Administrator ngayon.
Bigla nalang nag-flashback sa aking isipan ang scene ng madaliang pakikipaghiwalay niya sakin. Kaya imposible na isa ako sa mga pino-problema niya ngayon.
At hindi ako hahayaan yun, kaya gagawa ako ng sarili kong hakbang para lang matulungan siya at sila sa kung anumang pinagdadaraanan nila ngayon. But, I'll make my own moves in a secret way. Yung ako lang ang tanging nakakaalam.
As a secret agent, I'm expert about it.
Saka ko na iisipin ang aking mission kung bakit ako ipinadala dito. Isasalba ko muna yun sa dahilan na kailangan kong tumulong dahil mahahalaga sakin ang iba sa kanila na namomoblema ngayon.
Lalo na si Jeonjey.
Sa gitna ng aking pagmumuni-muni, nakaramdam na ako ng antok hanggang sa kainin na ako nito.
DAISY NEL-PETERS's POV
NAGISING ako ng parang may gumising sa diwa ko at ng tumingin ako alarn clock sa beside table ng bed ko, doon ko napagtanto na gabi na pala.
Kaya nagmadali akong bumangon and then I saw Jewel na mahimbing nang natutulog sa kanyang kama. Then I walk towards her para kumutan siya at napatitig ako sa mukha niya.
She's sleeping peaceful.
Pero alam kong may matindi siyang pinagdadaanan ngayon tungkol sa kanyang minamahal at sana magpakatatag siya at wag mawawalan ng pag-asa dahil sinisigurado ko na pagnatapos ang problemang gulo na ito, magiging masaya din ulit siya or should I say silang dalawa.
"Be strong, Jewel." I whispered.
Hinaplos ko saglit ang pisnge niya saka ako umalis at nilisan ang aming condo...
NANDITO ako ngayon sa school main building na nagpapatrol sa oras ng hatinggabi. This is my task that I need to do very well.
Pagala-gala lang ako dito sa pinakakababa nitong main building kakagaling ko lang 3rd at 2nd floor...
Sa gitna ng aking paglalakad-lakad nakaramdam ako bigla ng pagod kaya napagpasyahan kong magpahinga muna. Umupo ako sa may terrace dito ngunit di pa ako nakapagpahinga ng matagal nang biglang may nag echo sa aking isip kaya agad ako napatayo.
YOU ARE READING
THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)
Mystery / ThrillerIn this PANDEMONIUM WORLD, so many questions that finding the answers can kill you. EVERYTHING WAS DIFFERENT. It's a different time, different place Love is right. But... In the same time, the same place, A heart full Of love, Can't be hidden. ••• V...