Chapter 18: Night Party

1.1K 38 5
                                    

VIEY STEVELER's POV

NANG matapos ang seremonya, sinimulan na ang night party kung saan ang lahat ay masayang nagsasayawan sa disco floor.

Habang kami naman ay nandito sa isang table...

Kasama ko ngayon si Shain at Jewel habang si Kressley at Gaps ay iwan ko kung nasaan. May sariling buhay kasi ang mga yun kapag may ganitong event

But now, I can't stop smiling.

Dahil labis akong nagulat kanina nung oras ng opening ceremony songs.

Because the songs that may dedicated to my special someone sa buhay ko ay siya pa mismo ang kasama kong kumanta.

Kaya sa mga oras na yun ay parang gusto magdiwang ng puso ko dahil sa sobrang saya.

At laking pasasalamat ko na hindi dumating si Shain kanina. At ewan ko kung ano ang nangyari sa kanya.

"Hoy Viey!" tawag sakin na ikinabalik ko sa reyalidad.

It's my Jewel.

"Are you listening?" iritang tanong niya.

Bakit? May sinasabi ba siya kanina.

"Ahh ano yun? Hindi ko kasi narinig dahil maingay ehh." palusot ko nalang.

"Anong maingay ka jan. Eh wala na ngang music ehh." takang wika nito sakin.

"Kami ba'y niloloko mo huh Viey?" singit ni Shain.

Naku naman, magpapalusot nalang palpak pa. Naman!

"Ah ehh pasensya na. Ang totoo kasi may iniisip ako kanina hihi. So, ano pala yun sinabi niyo sakin kanina?" wika ko sa mga ito.

Bigla naman nagbago ang mga expression nila pagkasabi ko nun. Anyare?

Teka! Mukhang alam ko ang mga titig na yan huh. Shit!

"Ikaw huh. Sino nanaman ang iniisip mo huh." nakangiting tanong ni Jewel.

"Siguro yung, special somemone mo no?" nakangiting wika ni Shain.

"Hoy! H-hindi ahh!" palusot ko dito.

Damn! Damn! Damn! Ayokong makahalata sila. This is not a right time ehh.

"AYIEEEEEE!" sabay na sambit ng dalawa.

"Luma-lovelife na amg Viey natin." wika ni Jewel sabay tapik ng kanang balikat ni Shain.

"Tama ka sis." wika naman ni Shain.

"HAHAHAHA!" tawa nilang dalawa.

Hindi ako umimik sa halip ay tiningnan ko sila ng tiger look ko...

Ito na naman kasi sila, nang-aasar nanaman. Haist!

"Ewan ko sa inyo. Jan na nga kayo! Psh!" asar na wika ko sa mga ito. Sabay alis.

"WHAHAHAHA!" rinig kong pang halakhak nila.

Mas mabuting mag walk out muna dahil di ako titigilan ng mga yun ehh. Kaasar talaga.








JEWEL DEMI-LEIGH's POV

Halos mahimatay na kami dito ni Shain sa kakatawa dahil sa pang-aasar namin kay Viey.

Ang sarap niya kasing Asarin. Haha!

Nandito parin kami sa loob ng BHR. Tapos na ang ceremony at party time na.

THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)Where stories live. Discover now