RED's POV
KAKATAPOS lang namin sa ipinatakdang pagpupulong ni Bossing at kaka-alis lang niya ngayon.
Kaya kaming mga tanging natitirang membro ng Legendary Savage Gang nalang ang naiwan ngayon dito sa hideout namin.
Isang tagong lugar dito sa loob ng V.U.
Kasama ko ngayon dito sa may living room ang tatlong gago na ito, nakaupo kami sa tig-isang black couch...
"Hoy dude! Mukhang malalim iniisip natin huh. Babae siguro yan." -Si Black, ang daking casanova sa amin.
Hays! May lahing manghuhula talaga ang isang 'to.
"Siguro iniisip yan kung paano mapapantayan ang kagwapuhan ko. Well, sad to say na di mo mapapantayan ang kagwapuhan kahit anong gawin mo." -Si Gray, ang dakilang mahangin sa amin.
Hays! Ang hangin talaga ng isang 'to.
"Ang hangin naman dito. Naglalaban kaya sina Guko at Vegita ngayon." -Si Blue naman ang may pagka-Psycho sa amin.
Wagas kung maka dragon ball Z eh.
Ako lang talaga ang matino sa amin lahat. Pero kahit ganyan kami, walang inaatrasan pagdating sa labanan.
Whatever it takes!
"Aba't sasabat pa ang isang 'to huh. Hoy gago ka! Sinasabi ko sayo na kahit ubusin pa ni Red ang isang factory ng master facial wash, hindi yan gugwapo kagaya ko." wika ni Gray at di ko nalang binigyan pansin yun.
"Huh? May sinasabi ka, Gray?" patay malisyang tanong ni Blue.
"Oo nga dude, may sinasabi ka?" tanong naman ni Black.
Wala na, napagtulungan na siya. Kawawang Gray.
"Mga gago! Ang sabihin niyo gwapo talaga ako." bulyaw sa kanila ni Gray habang ako ay tahimik lang dito na nakikinig sa mga kalokohan nila.
"Ano na kaya ang ginagawa nina Guko at Vegita ngayon." wika ni Blue na kunwaring walang naririnig.
"Ayy may bagyo yata, makalabas na nga lang. Bye guys! Hahanap pa ako ng babae. Ingat nalang kayo sa bagyo dito sa loob." wika naman ni Black sabay alis.
Haha! Iba rin trip nun.
"Tsk! Insecure talaga sa kagwapuhan ko. Jan na nga kayo." wika ni Gray at nag walk-out na. Nakarinig nalang kami ng pagbukas at malakas na pagsara ng pinto.
Madaling talagang mapikon kasi ang isang yun.
"Pffftt! Pikunin talaga ang gago! Hahaha!" halalhak ni Blue.
Napailing-iling nalang ako sa kalokohan ng mga gagong ito...
At bigla naman pumasok sa isip ko ang mga eksena sa night of ball party. Ang gabi na mahirap kalimutan.
* FLASHBACK *
NAGLALAKAD-LAKAD lang kami ni Kressley dito sa isang lugar na maraming usok na ito.
YOU ARE READING
THE PANDEMONIUM WORLD (Completed)
Mystery / ThrillerIn this PANDEMONIUM WORLD, so many questions that finding the answers can kill you. EVERYTHING WAS DIFFERENT. It's a different time, different place Love is right. But... In the same time, the same place, A heart full Of love, Can't be hidden. ••• V...