"di ibig sabihin na nasaktan ka noon ay masasaktan ka din ngayon? Di ibig sabihing iniwan ka noon ay iiwan ka din ngayon. Why don't you give it a try? Why don't you give yourself a chance?" titig na titig sya sa akin habang sinasabi nya yun.
"natatakot ako, kung nagawa nga nya sa akin yun paano pa kaya yung iba di ba? Di mo maiintindihan kasi di mo naman napagdaanan." sagot ko sakanya na sinusubukang di magtagpo ang mga mata namin. Narinig ko pa syang bumuntong hininga.
"hindi talaga kita maiintindihan, dahil ayaw mo namang maiintindihan kita. Ayaw mo kong papasukin sa buhay mo, sa puso mo. I tried everything that I can to make you see your worth pero wala pa din. Maybe it's about time that you do it yourself." doon palang ako nag angat ng tingin sakanya.
"you're leaving me?" i asked him.
"i'm not leaving you, i'm just giving you time. Baka masyado na kitang pinipilit na makita ang mga bagay na nakita ko sayo. Baka masyado ko ng pinipilit ang pag mamahal ko sayo kaya lalong di mo makita yun."
"pero..."
"magpapahinga din muna ako," sabi nya saka mapait na ngumiti.
"nakakapagod din palang mahalin ang isang taong di makita kung gaano sya kamahal mahal. Hopefully when I get back, nakita at alam na nya yun." sinabi nya ang mga salitang yun habang nakatingin ng deretso sa akin. Hinalikan nya ako sa noo saka na naglakad palayo.
Gusto ko syang pigilan, gusto ko syang habulin. Pero alam ko na wala namang magbabago kahit na gawin ko pa yun, masasaktan ko lang sya lalo. Dahil ako pa din to, the lost girl he has found before who hasn't found herself yet.
-
May bago. Mas heavy to kesa sa dalawang MayWard stories na nauna.
Every now and then ang update ko dito since may dalawang story pa akong tinatapos.
Thank You!
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."