Heartbeat...
She feels exhausted kauuwi lang nya galing hospital at talaga namang pagod sya, pabagsak syang humiga sa kama ng nakapikit. Masyadong mabigat ang mga nangyayari, hindi pa din maabsorb ng isip nya ang kinahinatnan ni Kiefer at Analeigh.
Kiefer's still in coma, hindi masabi ng mga doctor ang mga pwedeng kumplikasyon na mangyari but they were told to expect the worst. And as if it's not yet enough galit ang pamilya ni Analeigh dito, sya ang sinisisi ng mga ito sa maagang pagkawala ng anak nila.
Bumalik isip nya ang hitsura ng binata na tulog pa rin sa hospital, he looks so helpless sumasakit ang puso nya para dito. Kiefer is great person he does not deserve to be in this kind of situation.
Napabangon sya at kinuha ang cellphone hindi na nya iyon natignan mula kaninang pagdating nya sa hospital. Kumunot ang noo nya ng makitang may sampung miscalls at limang messages na galing lahat kay Gian, hindi pa nya ito nasabihan na nasa Manila na sya. Kaagad nyang dinial ang number ng binata at sa pangalawang ring palang ay sinagot na nito.
"hello Gian!" nakangiting sabi nya na parang nakikita sya ng kausap.
"My God Cheska! Where have you been? Why aren't you answering my calls? Akala ko nagpakalunod ka na." lumapad lalo ang ngiti nya sa tinuran ng kaibigan, may pagka-OA din talaga ito minsan.
"I have good news."
"okay..."
"nandito na ako sa Manila." narinig nya ang pagtawa nito mula sa kabilang linya.
"my, my, my, did you miss me that fast para mapauwi di---" pinutol nya na ang sasabihin pa sana nito.
"Kiefer's in coma, Analeigh's dead." katahimikan ang naging sagot ni Gian sa sinabi nya.
"Gian? Are you still there?" hinintay nya itong sumagot pero puro buntong hininga lang ang naririnig nya.
"Cheska, I'll call you again later okay? Bye." pinagbabaan na sya nito ng tawag ni hindi na hinintay ang sagot nya.
Lumabas nalang sya sa veranda para magpahangin, at katulad ng lagi nyang ginagawa pag nandito sya tuwing gabi tumingala sya sa mga bituin ang pinagkaibahan lang ngayon ay wala ni isang bituin syang makita sa langit. Mukhang uulan pa dahil sa makakapal na ulap na nakatabing din sa buwan.
"nakikisimpatya maging ang langit sa pinagdadaanan mo Kif. Sana gumising kana."
She slept uneasily that night, panay ang bigla nyang pagkagising mula sa panaginip ng nakaraan nila ni Kiefer.
Nagulat sya ng magring ang phone nyang nasa bedside table, kaagad nya iyong sinagot ng makitang mommy ni Kiefer ang tumatawag.
"hello tita?"
"p----pi---per... S--- kifff." hindi nya maintindihan ang sinasabi ng ginang dahil sa pagiyak nito.
"tita calm down, ano pong nangyari?" puro hagulgol nalang ang narinig nya.
"tita papunta na ako. Wait for me okay?"
Nagmamadali na nyang kinuha ang susi ng kotse, hindi na nya nagawang magbihis buti nalang at naka loose tshirt sya at pajama. Halos paliparin na nya ang sasakyan para makarating sya agad sa hospital madaling araw na din kaya naman malinis na ang daan. Tumatakbo syang umakyat papunta ICU at naabutan ang mommy ni Kiefer na yakap yakap at pilit na pinatatahan ng asawa.
"tita, tito, ano pong nangyari?" mukhang nagulat pa ang daddy ni Kiefer na makita sya doon dahil pinanlakihan ito ng mata, agad namang yumakap sakanya ang mommy ng binata.
"we almost lost him Pip, nag flat line sya kanina. Muntik ng mawala sakin ang anak ko..." hinayaan nya lang na humagulgol ng iyak sakanya ang ginang.

BINABASA MO ANG
Lost & Found
عاطفية"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."