31

655 60 21
                                    

3 years...

"isn't too early for a renewal of vows?" kunot noong nagpapalit palit ng tingin si Kiefer sakanyang mga magulang na ngayon ay akala mo mga teenager na humihingi ng basbas nya para ikasal.

"it's never too early for that son. And besides i want to give the best things for your mom." daddy nya ang sumagot na hindi mabura ang ngiti sa labi.

"bu-----"

"ahp! just give this to us son, anniversary naman namin eh." nagpapaawang pigil ng kanyang mommy sa kung ano mang sasabihin nya. Sumusukong nagpaalam nalang sya sa mga ito saka naglakad palabas ng kanilang bahay.

Time flies so fast, isip isip ng binata habang binabagtas ang trapik sa edsa pauwi ng sariling bahay. It has been what? 3 years. Marami ng nagbago, napatawad na nya ang pinsan sa ginawa nito hindi na nga lang katulad ng dati ang samahan nila but they're civil. And that's what is important.

Napatigil sya sa pagpasok ng bahay at napatitig sa katabing bahay nya. Ang tagal na simula ng makita nya ang dalaga, he knows where she is but not even once did he tried to communicate with her. Sinuway na nga nya ang bilin nito na wag syang hanapin, gusto naman nyang ibigay dito ang panahon na kailangan nito para makalimot at para hilumin ang mga sugat na dala ng mga pangyayaring pareho nilang hindi ginusto.

Isang malalim na buntong hininga muna ang kangang pinakawalan bago tuloy tuloy na pumasok na ng kanyang bahay.

_____________

"sigurado ka na ba sa desisyon mo iha?" malambing at may pagaalalang tanong sakanya ng ginang, hinaplos nya ang mga kamay nito at ngumiti ng matamis.

"opo nay, sigurado na po. Matagal na din po akong nawala, panahon na po para harapin at balikan ang mga bagay na tinalikuran ko noon." desidido na sya sakanyang pagbabalik pero hindi nya maiwasang malungkot sa pagalis dahil sa mga panahong durog na durog sya ang mga taong nakasama nya dito ang tumulong at nakasama nya upang mabuong muli ang sarili.

Tatlong taon na ang nakakaraan ng umalis sya at nagpasyang iwanan ang lahat ng sakit. Sa siargao nya naisipang dumeretso at dito tinanggap sya ng mga tao at namuhay ng simple malayo sa kumplekasyon ng buhay na mayroon sya. Dito unti-unti ginamot nya ang sarili at binuong muli at ngayon nga'y handa na syang bumalik, handa na syang harapin ang totoong buhay na kay tagal din nyang tinalikuran.

"magiingat ka don at wag mo sana kaming kalimutan." napabalik sya sa realidad ng marinig muli ang malungkot na boses ng ginang.

"si nanay ester imposibleng makalimutan ko ho kayo. Nakatatak na po kayo sa puso ko nay. Maraming maraming salamat po sa lahat." yinakap nya ito ng mahigpit at saka pinakawalan ang mga luhang kanina pa nya pinipigilan.

Dahan-dahan syang bumitaw dito ng matanaw ang pamilyar na mukha ng matalik na kaibigang matagal din nyang hindi nakita.

"PIPER! BAKIT MO KO TINIIS NG GANUN KATAGAL?!" patakbo syang sinugod ni Simeona saka yinakap ng mahigpit.

"i'm sorry sim." tanging nasabi nalang nya. alam kasi nya na malaki talaga ang tampo nitong kaibigan nya. At kailangan nyang pakinggan lahat ng sasabihin nito kaya laking gulat nya ng ngumiti ito sakanya ng matamis at yinakap syang muli.

"you don't need to say sorry. I am just so happy to finally see you again."

Hindi nya namalayan ang byahe, kakaibang pakiramdam ang nangingibabaw sakanya ngayong nakatapak na muli ang mga paa nya sa Maynila. Hindi maipaliwanag na damdamin ang naglalaro sa dibdib nya ngayon.

Hindi muna sila dumeretso sa bahay at tumuloy muna sa condo ni Simeona, nagiinarte kasi ang kaibigan at nagdrama pa na pambawi nalang daw nya ito sa mga panahong hindi sya dito nagparamdam.

Puno ng kwentuhan ang nangyari sakanilang dalawang magkaibigan, kinwento nya dito ang mga ginawa nya habang nasa Siargao pati na din ang pagbili nya don ng isang isla at pagpapatayo ng isang bahay bakasyunan. Buong sigla din naman na nagkwento si Simeona sa mga pangyayari dito sa nakalipas na tatlong taon, laking pasasalamat nalang din nya dahil nagkaron sya ng tunay at mapagkakatiwalaang kaibigan na napagiwanan nya ng kanyang negosyo. Sa dami ng naikwento ng kaibigan wala itong nabanggit tungkol kay Kiefer o sa kahit na kaninong may kinalaman dito. Hindi nya alam kung sinadya ito ni Simeona o talagang wala lang itong balita sa binata. Hindi na lamang din sya nagtanong.

________________

Maaga syang bumangon kinaumagahan at hindi na nya hinintay na magising ang kaibigan alam naman kasi nyang tanghali na ito magigising dahil madaling araw na sila nakatulog. Marami pa syang kailangan asikasuhin ngayon nagbalik syudad na sya kaya kailangan na nyang umuwi ng bahay.

Habang sa daan ay hindi nya maiwasang mapansin kung gaano kalaki ang pinagbago ng mga nadadaanan nya, may mga shop na wala naman noong umalis sya. Ganon na ba talaga sya katagal nawala?

Pagdating sa tapat ng bahay ay hindi sya agad bumaba, ilang minuto din syang nakatingin lang sa kawalan at inaalala ang mga pangayayari sa nakaraan. Bumalik lang sya sa realidad ng marinig nya ang malakas na pagtunog ng kanyang cellphone. Napangiti sya sa nabasang message galing kay Simeona

"wala man lang paalam o thank you man lang? Nakakaloka ka Piper! Anyway, you have a meeting at 10am. Sa coffee shop malapit sa opisina mo. Magtrabaho kana."

Dahil don nagdesisyon na syang bumaba para makapag-ayos na din, tama si Simeona kailangan na nyang asikasuhin ang negosyo.

Alas nuebe palang ay nagdrive na sya papunta sa meeting nya, ayaw nyang malate at hindi sya sure kung gaano na kalala ang traffic ngayon kaya mas maganda ng maaga sya kesa naman sa paghintayin nya ang kameeting.

10mins before 10am sya dumating sa coffee shop kaya umorder na sya ng kape habang inaayos ang mga iprepresent nya sa kliyente. Naisend na rin kasi ni Simeona ang information tungkol sa event na ito, natutuwang binasa nya ang mga iyon dahil renewal of vows ito para sa isang 30th wedding anniversary.

Busy sya sa mga binabasa ng may maglapag sa harap nya ng isang blueberry cheesecake, nagangat sya ng tingin para sabihin na hindi nya iyon order para lang matigilan ng magtagpo ang mga mata nila ng lalaking naging laman ng isip nya sa pagbabalik. Matamis itong nakangiti sakanya habang nakalahad ang kamay.

"nice to see you again Piper, long time no see."





-
I AM BACCCCCKKK!

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon