29

482 71 17
                                    

Plan...

Kunot noong hinawakan ni Piper ang kamay ng nobyo kaya naman mapait itong napangiti sakanya.

"what' going on love?"

"everything was a plan, things are going smoothly until you guys met again, and then the accident happened. Do'n na nagsimulang nagkagulo-gulo ang plano, do'n na din ako nagsimulang magtanong kung itutuloy ko pa ba o titigil na." mahina pero malinaw na sabi ni Gian na kahit pa napakadaling intindihin ay hindi nya makuha ang ibig sabihin.

" love, what are you talking about? Ano ba to?" she helplessly looked at Kiefer na parang humihingi dito ng tulong pero nakakunot noo lang din itong nakatingin kay Gian na parang dahan-dahang iniintindi ang mga salitang sinasabi nito.

"matagal na kitang mahal Piper, mga bata palang tayo. I fell in love with you the very moment i first set eyes on you pero kahit hindi mo pa alam no'n, alam ko na hindi mo ako mapapansin dahil si Kiefer ang gusto mo." hinawakan na nito ang kamay ng dalaga.

"nakuntento na ako na panoorin ka sa malayo, kasi naisip ko na baka mawala din iyon pero nagkamali ako dahil habang tumatagal, habang ginugusto ko na mawala na yung nararamdaman ko lalo lang lumalala, lalo lang lumalalim." gumagaralgal na ang boses ni Gian, samantalang sya ay walang kakurapkurap na nakatitig lang dito.

"until one day, i told myself that maybe i could try. Maybe, kung lalapit ako sayo at malalaman mong nageexist ako baka may chance but that is also the same day that i found out na kayo na ni Kiefer." sinulyapan nito ang binata na ngayon ay nakasandal at magkakrus ang brasong nakatitig din kay Gian.

"it felt like dying that time, sobrang sakit. Sinisisi ko sarili ko kung bakit nangyari yun, sabi ko kung sigurong naglakas loob ako baka may laban naman. I was devastated that time, but I can't do anything because as much as i love you and want you to be mine Kiefer is my cousin and he is like a brother to me as well. That's why i decided to just let you guys be at lumipad nalang ako paibang bansa hoping by doing that makamove on na ako."

"i was fine, or so i thought i was. Dahil no'ng nalaman ko na naghiwalay na kayo hindi ko alam pero may kung anong boses ang nagtulak sakin na umuwi dito, seeing you the first time after a long time brought back all the feelings that i have for you na akala ko nawala na. Kaya sabi ko sa sarili ko i wouldn't let this chance pass without giving a fight, i watched you from a far waiting for the right time to come. And that's when I met Analeigh. "

Napabitaw si Gian sa pagkakahawak sa kamay nya at nasapo ang mukha, at sa pag-angat nya ng tingin sakanilang dalawa ni Kiefer tila bombang sumabog sa tenga nya ang sinabi nito habang puno ng luha ang mga mata.

"Analeigh is head over heals in love with Kiefer, we planned everything to keep you guys apart."

"WHAT?!" narinig nya ang malakas na boses ni Kiefer, samantalang sya ay parang estatwang napako lang sa kinauupuan at hindi malaman ang sasabihin.

"from letting Kiefer believed that you already have a boyfriend... Kaya kailangan na nyang magmove on at kalimutan ka. To making Kiefer fell in love with Analeigh. It was all well thought of by us. Kahit ang paglapit ko sayo no'ng nagbakasyon ka kasama sa plano yun, it was the perfect timing para tuluyan ka ng mafall out kay Kiefer. I did everything I could to make you love me, as much as I love you. But the accident happened. At don narealize ko nanaman na sya pa din, na kahit na anong gawin ko sakanya ka padin. Si Kiefer pa din."

"nagbulag bulagan ako, ipinakita kong okay lang kahit pa ang totoo para akong unti-unting pinapatay sa tuwing alam ko na andun ka para bantayan at alagaan sya. F*ck!" umiiyak na si Gian, pero bigla itong napatingala at mapaklang napatawa.

"it even came to the point na nasabi ko na sana hindi na sya magising."

Malakas ang kalabog ng tumayo si Kiefer at nakita nalang nya si Gian na nakaupo na sa sahig sapo ang panga.

"HOW DARE YOU?!!! G*GO KA!!!" malakas na bulyaw nito sa pinsan saka kinwelyuhan, nataranta naman ang mga tao sa paligid nila at kaagad na may gustong umawat.

"ANONG GINAWA KO SAYONG T*NG NA KA PARA GAWIN MO SAMIN TO?!!!" isang suntok nanaman ang pinakawalan nito. Kaya dalawang lalaki na ang humila dito palayo kay Gian.

"Kiefer!" sigaw ni Piper na naguumpisa ng magunahan ang luha.

"i'm sorry... i'm so sorry kung umasa ako na pwede kong palitan ka sa buhay nya..." humahagulgol na sabi ni Gian.

"i--ikaw... ikaw..." pasalampak na napaupo na din si Kiefer sa sahig na tila hapong hapo na tinuro pa si Gian samantalang sya ni hindi nya magawang magsalita sa sobrang sakit na nararamdaman nya ngayon sa dibdib nya.

Ang mga tao naman sa paligid nila ay tila mga hindi malaman kung ano ang gagawin na nakatingin sakanila at parang naghihintay kung ano ang susunod na mangyayari.

"parang kapatid na kita!! Alam mo kung gano ko sya kamahal... Yung mga plano ko para saming dalawa sayo ko sinasabi, nakita mo din kung gaano ako nadurog nong malaman kong may iba na sya. Lahat yon alam mo! Lahat yon nakita mo! You were there!! T*ng na tol!!!" pulang pula na ang mata ni Kiefer, mababakas sa bawat pagbigkas nito ng salita ang sobrang sakit na nararamdaman nito ngayon.

Hindi na kinakaya ni Piper ang mga nalaman at nasasaksihan, gusto nyang tumakbo papunta sa malayong malayo kung saan hindi sya maabutan ng sakit.

Dahan dahan syang naglakad paatras, at akma ng tatalikod para umalis, para makatakas ng maramdaman nya ang mahigpit na yakap mula sa likod at marinig ang hagulgol ni Gian.

"i love you. i love you so much... I know... This is all my fault... I am so sorry love, I am so sorry." siniksik pa ito ang mukha sa leeg nya at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap sakanya.

Humugot muna sya ng malalim na buntong hininga bago dahan-dahan na kinalas sa pagkakayakap sakanya si Gian, at humarap dito.

"your sorry won't fix this now Gian." mahina at madiin nyang sabi sabay turo sa dibdib nya saka akma na ulit maglalakad pero hinawakan sya ulit nito kaya hindi sinasadyang nasampal na nya ito bago tuloy tuloy na nagtatakbo palabas ng restaurant. Wala ng pakialam kung may makabangga man sya sa dinaraanan nya.

Kaagad syang pumara ng taxi, kailangan nyang makalayo sa lugar na iyon. Malayong malayo sa lahat ng sakit at kasinungalingan.

Tuluyan na syang napahagulgol ng makasakay sya ng taxi, alam nyang pasimple syang tinitignan ng driver pero wala na syang pakialam.

Pinaglaruan sya! Pinagkaisahan! Niloko! Ng taong akala nyang bubuo na sa durog nyang puso.









-

Sabi ko saturday and sunday pa update, pero bigyan ko na kayo ng patikim.

Sorry na mga be.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon