Acceptance..."she's pretty. no wonder na inlove na inlove ka sakanya before." pabirong sabi ni Analeigh sa fiance, na ikinakunot ng noo ni Kiefer.
"that was before Ana, years ago." hinawakan nya ang kamay ng kasintahan at hinalikan iyon, alam na kasi nya na kapag ganito ang asta nya ay nagseselos na ito.
"you have my heart now, magpapakasal na tayo di ba? Stop over thinking baby. I still care for her, yes, but only as a friend. That's all." sinulyapan nya ito na ngayon ay nakangiti nang nakatingin sakanya.
"i love you"
"love you too."
Napahinga nalang ng malalim si Kiefer, saka napaisip. Pagkahatid nya kay Analeigh sa bahay ng mga ito ay dumeretso na sya sa kanyang opisina dahil may mga kailangan pa syang tapusin.
Sinalubong naman sya agad ng kanyang secretary. Sinenyasan nya ito kaya sumunod ito papasok ng kanyang opisina.
"what happened?" agad na bungad sakanya ni Efren bago pa man sya makaupo. Natitigilan nya itong tinignan bago sumagot.
"it all went fine. Medyo nagseselos lang yata si Ana"
"can you blame her? After all Piper is your first love." natatawang sagot naman sakanya ng secretary na matalik din nyang kaibigan.
"yes she is, but that was years ago. I'm marrying Ana now."
"but that doesn't mean you no longer love Piper." napasimangot sya sa sinabi nito at umiiling na inumpisahan ng pirmahan ang mga papeles sakanyang harapan.
"you can fool everyone even me, but you cannot fool yourself Kiefer. Alam mo sa sarili mo na you never stopped loving the woman."
"gabi-gabi mo pa ngang pinapanuod doon sa bahay nya hindi ba?" pagpapatuloy pa ni Efren na nakapag patigil nanaman sakanya.
"i love Analeigh." may pinalidad na sabi nya rito.
"of course, you love Analeigh. Yan ang sinasabi ng utak mo hindi ba? What about your heart sir Kiefer? What does it says?" tinapunan syang muli ng nakakalokong tingin ni Efren bago ito lumabas ng opisina at bumalik sakanyang table.
Napahilot naman sakanyang sentido si Kiefer pagkalabas ni Efren sabay kuha ng isang envelope sa loob ng kanyang vault.
Naroon lahat ng pictures ni Piper na kuha ng kanyang private investigator. Pinahanap nya ito, pinaimbestigahan, pinababantayan, he has to make sure that she's okay.
Malayong malayo na ang dalagang minahal sa dating Piper na kilala nya. She has grown into a strong, and independent woman. Naging napaka successful na rin nito sa kanyang propesyon. And he's so proud of her. Wala na ang Piper na punong puno ng self-doubt at insecurities.
Tama naman si Efren, I still care for her, I still love her, I don't think I could still stop loving her, how can you unlove someone you've loved for the longest time?
Hinaplos nya ang litrato nito na masayang nakangiti habang kausap ang isang babae na tila kaibigan nito.
"i love you Pip and I will always do, but I have to let it go to keep Ana. I love her too."
Napapikit nalang sya at doon na pumatak ang ilang butil ng luha na kanina pa namumuo sakanyang mga mata.
---
Hindi nakapasok si Piper sa trabaho ngayong araw dahil sa ginawa nyang paginom kagabi, naparami ata sya kaya naman grabi ang hangover nya kaninang pag gising nya. Tinawagan nalang sya si Andrea na ito na muna ang bahala sa schedule nya. Wala naman syang appointment ngayong araw.
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."