23

517 50 11
                                    

Breaking...

Piper couldn't help but to worry about Gian, wala pa din kasi syang natatanggap na tawag o text man lang galing sa binata. Ineexpect pa naman nya na may mesaage na ito o kahit misscall lang pag gising nya pero wala, hindi tuloy sya makapagfocus ng maayos sa trabaho. Hindi naman sya galit, tampo at nagaalala lang dahil this is the first time na nangyari ito.

She tried to finish her work til lunch time dahil napagdesiyunan nyang puntahan sa opisina nito ang nobyo. Nagbilin nalang sya kay Andrea na tawagan agad sya if ever na kailangan sya sa opisina.

Dumaan muna sya sa isang kainan para ibili ang nobyo ng lunch saka nagdrive papunta dito. Hindi naman sya nahirapan na makapasok, his secretary was even too enthusiastic to assist her ng magpakilala sya na girlfriend ng amo nito. Sa isang condo ang opisina ng binata, inoukupa nito ang buong 12th floor.

She was told by his secretary na hindi pa daw lumalabas ng opisina si Gian mula ng dumating ito, she felt kinda hesitant hindi kasi nya alam kung ano ang magiging reaction ng binaya pag nakita sya. Malalim na buntong hininga muna ang pinawalan nya bago kumatok, sa pangatlong katok ay narinig na nya ang boses ng nobyo. Bahagya muna syang sumilip bago tuluyang buksan ang pinto.

"hi hon." mahina nyang tawag dito, at tila naman hindi makapaniwalang napatitig pa sakanya si Gian.

"ahmm. Naistorbo ba kita?" mahina pa din nyang sabi dahil wala pa din naman syang nakukuhang reaksyon man lang dito.

"ah... Hon, what are you doing here?" tila natatauhan na saad na nito na tumayo na at sinalubong sya ng yakap at halik sa pisngi. Bigla naman sumibol ang tampo nya para dito dahil sa tanong nito pero hindi nya iyon ipinihalata.

"ahmm nagalala lang ako sayo. Akala ko napano kana. We were suppose to have dinner last night di ba?" nakita naman nya ang pagdaan ng guilt sa mga mata ng binata. He really has expressive eyes kaya wala itong maitatago sakanya pagdating sa nararamdaman nito, his eyes tell it all.

" ahh yes, hon. Sorry kung hindi ako nakatawag kagabi, ahmm papunta na ako sayo ng biglang sinumpong ang migraine ko kaya I decided to go home na, I was intending to call you but nakatulog agad ako pagkatapos ko makainom ng gamot." mahabang paliwanag nito na sinabayan pa ng mahigpit na yakap.

"i'm really sorry hon, pangako hindi na mauulit yun. Wag ka sanang magalit sakin." para namang hinaplos ang puso ni Piper sa paraan ng paghingi nito ng sorry.

"di naman ako nagalit, tampo lang. Pero wala na yun basta wag nalang mauulit ah? Magsabi ka agad, para hindi din ako nagaalala." parang bata naman itong tumango sakanya.

"PROMISE..."

"okay, kumain kana? i brought food." sabi nya sabay taas ng paper bag na dala nya. Napangiti naman ng malapad si Gian at walang sabi sabing hinalikan sya sa labi.

"you are the best, sige. Tutal wala na din naman akong tatapusin pa I will just spend the rest of the day with you. San mo gustong pumunta?"

"hmmm ano yan suhol?"

"hmmm nope, just wanna make it up to you." sagot sakanya ni Gian na napakamot pa sa batok kaya natatawang tumango nalang sya at kumawala na dito para ayusin ang mga pagkain.

Gian is extra sweet towards her today, tinotoo nito ang sinabi na babawi ito sakanya. Hindi na nga ito pumayag na hindi sya sinubuan sa pagkain para tuloy syang batang maliit na hindi pa marunong kumain magisa but she actually enjoyed it.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na din ang binata sa secretary nito na maagang aalis at nagbilin nalang na tawagan sya kung may emergency. They decided to go to his condo, ipagbebake daw sya nito ng cake.

Pinaupo sya nito sa may kitchen counter habang ito naman ay naging abala sa kung anong ginagawa nito. She loves watching him work on in the kitchen, parang enjoy na enjoy kasi ito sa ginagawa. Nagagawang magpacute sakanya hindi tuloy maiwasan ni Piper na mapangiti.

Yes, she loves Gian. She is sure about that now. He makes her happy, kahit na minsan nakakapikon ang mga banat nito at the end of the day napapasya sya nito and he never fails to make her feel how much he loves her.

"I love you." wala sa sariling sabi nya kaya naman gulat ding napatingin sakanya ang nobyo, nanlaki pa ang mata.

"what? para namang gulat na gulat ka." tumatawang sabi nya, pero imbes na sumagot ay inisang hakbang nito ang pagitan nilang dalawa at hinalikan sya sa labi.

"and i love you too Piper. So much. So much." masayang sabi nito bago sya pakawalan para ipagpatuloy ang ginagawa.

Sya naman ay parang inaantok na sya pagmamasid sa ginagawa ng nobyo, napansin ata sya nito na namumungay na ang mga mata dahil sinabihan sya nito na umidlip muna sa kwarto at gigisingin nalang sya kapag ready na ang cake nya. Hindi naman sya naginarte pa at sumunod na sa sinabi nito.

Tumuloy sya sa kwarto nito at namangha sya kung gaano kalinis ito, very manly but very neat. Pinagala nya ang tingin sa kabuuan nito habang komportable syang nakahiga sa kama kaya hindi na nya namalayan na nakatulog na pala sya.

Naalimpungatan nalang sya ng maramdaman parang lumubog ang isang bahagi ng kama kaagad nanuot sa ilong nya ang mabangong amoy ni Gian, maya maya pa ay dumampi na sa noo nya ang labi nito akma na sana syang magmumulat ng mata pero natigilan sya ng banayad itong bumulong sa tenga nya.

"kung pwede lang kitang angkinin, ginawa ko na. Akala ko kaya ko, pero hindi pala. I love you Piper, i love you so much that it hurts..." naguluhan sya sa sinabi nito, pero parang nanghina sya kaya hindi na nya nagawang magreact hanggang sa makalabas na itong muli ng kwarto. Wala sa sariling nayakap nya ang sarili dahil sa kakaibang lungkot na lumukob sa pagkatao nya dahil sa sinabi ni Gian.

Ano ang ibig nitong sabihin? Bakit pakiramdam nya iiwan sya nito? Bakit ito nasasaktan?







-
Ang sakit! Sisihin nyo ang ulan...
T. T

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon