35

227 25 15
                                    


Forgiveness...


Piper is working on the plan for Kiefer's parents' renewal of vows, di pa rin nya nakukuha kung bakit hiyaan ng binata na isipin nyang kasal nito ang aasikasuhin nya.

"Feeling siguro ng mokong na yun na hahabulin ko pa sya!" Kunot noong kausap nya sa sarili. Marahin iyon nga ang dahilan. Baka nga inaakala pa ni Kiefer na may gusto pa ako sakanya o umaasa pa ako na pwede pa kami.

"Tapos na ko sayo Kiefer, isa ka nalang alaala ng buhay ko." Sinabayan nya ng malalim na buntong hininga ang sinabi. Bahagya pa syang nagulat ng tumunog ang cellphone. Ganun nalang ang ngiti nya ng mapagsino kung sino ang tumatawag.

"Hello, nay?"

"Hello, Piper! Iha kumusta ka?" masayang sagot ng nasa kabilang linya.

"I'm okay naman po, medyo maraming mga tinatapos na projects. Kayo po? Kumusta? Sila Tatay?" Sunod-sunod at magiliw nyang tanong sa babaeng kausap. Sinandal nya ang likod sa upuan at may ngiti sa labing nakinig sa mga kwento ng pamilyang itinuring nyang pamilya sa mga panahong akala nyang di nya makakaya.

"Maisisingit mo ba sa oras mo ang pagpunta dito sa isang linggo anak?"

"Oo naman po, basta para sainyo. Ano po bang meron?" Masayang pagpayag nya sa paanyaya ng ginang.

"Naku nak, pagdating mo dito saka ko ikwento. Oh sige na, hintayin ka namin sa linggo ah? Mag-iingat ka lagi iha." Mababakas sa boses nito ang labis na kasiyahan at pagkaexcite. Nacurious tuloy sya kung ano bang meron sa linggo.

Matapos ang usapan nila ng nanay-nanayan ay nag-ayos na din sya ng gamit para magtanghalian. Sa sobrang focus nya sa ginagawa ay di na nya namalayan ang oras.

Pagkabukas palang ng elevator pagdating nya sa ground floor ay tila huminto na ang mundo nya. Di nya malaman kung paano magrereact. Nasa harapan nya si Gian, ang lalaking inakala nyang makakatuluyan na nya, ang lalaking nagturo sakanya magmahal muli para lang masaktan at malaman na minanipula pala nito halos ang mga pangyayari sa buhay nya.

Matagal na din simula nakita nya ang binata, hindi na nya ito nabigyan ng pagkakataon na magpaliwanag pagkatapos niya malaman ang buong katotohanan.

"Piper." Narinig nyang tawag sakanyan nito.

Hindi nya mawari kung aning gagawin, hindi nya alam kung handa na ba syang makausap ang binata.

"Gian?"

"Can we talk?" Mahina nitong tanong, tila tinitimbang kung ano ang magiging sagot nya o kung paano sya magrereact. Bago pa sya makasagot ay muli itong nagsalita.

"Even just for a while, please." Banayad na tanngo nalang ang naging tugon nya dito.

Inalalayan sya ng binata papasok sa sasakyan nito, nakakabinging katahimikan ang namayani sakanila habang nagmamaneho ang binata. Naghihintayan sila kung sino ang unang magsasalita, alam nyang sinusulyapan sya nito mula sa gilid ng kanyang mga mata. Ang ilang minutong itinakbo ng sasakyan nila ay tila naging ilang oras sa sobrang awkward ng pakiramdam nya. Huminto sila sa isang restaurant, alam nya ang lugar na ito. Tandang tanda nya na dito sa restaurant na ito nya sinagot ang binata, wala pa din syang imik ng pagbuksan sya nito ng pinto.

Pagpasok ay sinalubong sila ng isang staff at hinatid sa isang private area ng kainan. Hinayaan nyang si Gian na ang umorder ng kanilang makakain habang sya ay masimple lang nakamasid dito.

Napansin nya medyo nangayat ito bagamat hindi iyon naging kabawasan sa pagiging gwapo ng binata.

"Pip?" tawag nito sakanya kaya naman lumipat ang tingin nya sa mga mata nito. Mga matang puno ng sigla at saya noon, ngayon ay lungkot at pagsisisi ang mababasa nya. Di rin nakaligtas sakanya ang pamumuo ng luha sa mga mata nito.

"How are you? Ang tagal mong nawala." May pilit na ngiting paguumpisa nito.

"I am okay Gian."

"Yes, medyo natagalan. But I was able to eventually accept and move on from everything." Mahina nyang sagot. Lalo nangibabaw ang pagsisisi sa mga mata ng binata dahil sakanyang sinabi.

"I'm sorry. I never had the chance to say it to you before dahil alam ko naman hindi enough yung paghingi ko lang ng tawad sayo para mabura lahat ng sakit na nadulot ng ginawa ko." Nakayukong sabi nito, hindi sya kaagad nakasagot, pinakikiramdaman nya ang sarili kung handa na ba syang pagusapan iyon.

"Why?" tanging nasabi nya. Nagangat naman ng tingin sakanya ang binata dahil dito.

Katahimikan ang naging sagot sa tanong nyang iyon at isang malalim na buntong hininga mula kay Gian. Sakto naman na dumating na ang mga order nilang pagkain kaya medyo nabawasan ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"I was blinded by my love for you." Sagot nito ng makaalis ang staff na naghatid ng pagkain nila.

"I loved you for so long, ni hindi ko na masabi kung kelan kita inumpisahang mahalin. Mula sa malayo, sa mga pangarap ko." Taimtim syang nakinig dito.

"I never had the chance to be noticed by you dahil kasama mo lagi si Kiefer, nung nalaman kong naging kayo na sabi ko sa sarili ko na hahayaan nalang kita. Makokontento nalang ako na mahalin ka kahit hindi mo alam basta masaya ka." Naguumpisa nanaman mamuo ang luha sa mga mata ng binata, hindi na rin nya malaman kung anong nararamdaman nya.

"Then, an opportunity came. And I was so foolish to even consider being part of that plan. Pero anong magagawa ko, naging selfish ako, gusto ko maging akin ka."

"At the expense of hurting me?" di na nya napigilang sagot dito.

"Ang sabi ko lang sa sarili ko, okay lang na masaktan ka that time dahil sisiguraduhin kong pagkatapos nun ay pupunuan ko lahat ng sakit ng masasayang alaala. Hinayan kita lumayo noon, di ako lumapit dahil alam kong may mga gusto kang marating sa buhay pero walang oras na hindi kita inantabayanan, walang oras na di ako handang umlalay sayo in case na kailanganin mo ang tulong ko."

Nagumpisa ng magunahan ang luha ng binata na pasimple din naman nitong pinupunasan.

"Pip, I am so sorry for being selfish, I am sorry for loving you so much na di ko man lang naisip na masasaktan kita ng sobra sa oras na malaman mo yung totoo."

"I loved you Gian, I even started dreaming about spending the rest of my life with you. Handa na akong talikuran ang pagmamahal kay Kiefer dahil tinuruan mo akong mabuhay ulit. Pinaramdam mo sa akin na meron pang pwede magmahal sa akin, na may iba pa akong pwedeng mahalin." Hindi na rin nya napigilan ang pagalpas ng mga luhang kanina pa nya pinipigil. Pakiramdam nya bumalik lahat ng sakit at ngayong nasasabi na nya ang mga ito gusto na nyang ilabas lahat para mawala na ang mabigat na dala-dala nya sa dibdib.

"Itinaas mo ko ng sobrang taas Gian, para ano? Para muling bumagsak at madurog ulit? You said you love me, but that love that you mean to help me be whole again made me lose myself again. Akala ko di ko na makakaya akala ko ikamamatay ko na yung sakit. But here I am, buo na ulit ako Gian. Okay na ulit ako." Those words were said smoothly, di sya nanunumbat gusto lang nyang mailabas ang mga bagay na hindi sya nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin noon.

"Humihingi ka ng tawad? Matagal na kitang napatawad, noon pang magdesisyon akong bumangon muli isa sa mga una kong ginawa ay ang magpatawad. Nakuha ko na ang sagot sa tanong ko kung bakit mo ginawa sa akin iyon, okay na ako." Doon palang muli nag-angat ng tingin sakanya ang binata na ngayon ay pulang-pula na ang mata dahil sa pag-iyak.

"Thank you for the love Gian, it's about time that you forgive yourself." Dahan dahan na syang tumayo at bago umalis ay nilapitan muna nya ang dating nobyo saka ginawaran ng halik sa ulo.

"Thank you for this day Gi, be well. Good bye." Saka nagtuloy tuloy na syang lumabas ng mas magaan ang dibdib.



***

Here you go :) Thank you for being patient guys. XOXO

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon