Friends...
"good morning Andrea!" masiglang bati ni Piper sa secretary, kaagad naman itong tumayo sa kinauupuan at bumati sakanya bago sumunod sakanyang opisina.
"what's our sched for today Drea?" tanong nya rito habang nagkakalikot sya sakanyang laptop.
"may mga kailangan ka lang pirmahan at iapprove miss Pip then, mayang 2pm you have a meeting with Ms Gonzaga." nakangiting sagot sakanya nito na tinanguan nya lang, magsasalita na sana sya ulit ng may kumatok sa pintuan kaya pinagbuksan iyon ni Andrea.
Bumungad sakanila ang malapad na nakangiting mukha ng guard nilang si Nelson. May hawak itong bouquet ng sunflower sa kaliwang kamay at brown paper bag sa kanan.
"may nagpapabigay po Miss P." mapanuksong sabi nito sakanya, kinuha naman ang mga iyon ni Andrea at inabot sakanya.
Kaagad nyang hinanap kung may card ang bulaklak at hindi naman sya nabigo dahil meron nga iyon.
Good morning Pip, suhol to para hindi mo ipagkalat ang ginawa kong paghagulgol sayo kahapon. Lunch later? Its my first day of back to work. Yeah?
K.
Lihim syang napangiti dahil sa nabasa, nang mahimasmasan kasi si Kiefer kagabi ay panay ang sabi nito na kalimutan na nya ang ginawa nitong pagngawa na parang bata.
Iiling iling na itinabi nya ang mga bulaklak at binuksan naman ang paper bag, nandoon ang paborito nyang pancakes at hotchoco. Parang naghugis puso ang mga mata nya sa nakita kaya lalong lumapad ang kanyang ngiti tila natauhan lang sya ng marinig nyang tumikhim si Andrea na nang sulyapan nya ay may nakapaskil na nakakalokong ngiti sa labi.
"yes Drea?"
"wala miss P. Enjoy your breakfast, tawagin nyo nalang po ako pag may kailangan kayo." kaagad na sagot nito saka dali daling lumabas ng kanyang opisina. Hindi nalang nya iyon pinansin at inumpisahan na ang pagkain. Mabuti nalang at hindi sya nagalmusal sa bahay.
Maganda ang mood nya buong araw, hindi nya alam kung dahil iyon sa pag gaan ng loob nya na wala na syang tinatago o dahil sa pancakes na inalmusal nya kaninang umaga.
Hindi natuloy ang lunch nila ni Kiefer dahil bigla itong nagkaroon ng meeting. Nagaayos na sya ng gamit para umuwi ng magring ang cellphone nya, kaagad nya iyong kinuha sa bag at sinagot ng makitang si Gian ang tumatawag.
"hello, hon."
"hi hon, are you free tonight? Dinner?" masayang bungad sakanya ng nobyo sa kabilang linya. Kaagad naman syang pumayag kaya naupo nalang muna sya ulit dahil susunduin daw sya nito, gusto nga sana nya ay magkita nalang sila sa restaurant pero nagpumilit ang binata na sunduin sya. Kaya hinihintay nya ito ngayon.
Nireview nalang muna nya ang ilang mga wedding plans, para hindi sya mainip kaya hindi nya namalayan ang oras. Nagulat pa sya nang makitang 8pm na pala at ang uspan nila ni Gian ay 7pm andito na ito. Sinubukan nyang tawagan ang nobyo pero puro ring lang ang nakuha nyang sagot kaya tinext nalang nya ito dahil baka naipit lang sa traffic.
Where are you hon? On the way kana?
Nakailang text na sya pero wala pa din syang nakukuhang sagot mula dito, she decided to stay hanggang 9pm pero namuti na ang mga mata nya sa kahihintay ni anino ni Gian ay wala dumating.
Masama ang loob na lumabas na sya ng opisina at nagdrive pauwi. Dumaan nalang sya sa isang fast food chain para bumili ng dinner dahil nagugutom na din sya at wala na sya sa mood na magluto.
Pagdating sa bahay ay sinubukan nyang muli itong tawagan pero katulad kanina ay hindi padin ito sumasagot.
Hinayaan nalang nya kahit pa sumama ang loob nya dito. This is the first time palang naman na nangyari ito at sure sya na may valid reason si Gian kung bakit hindi ito nakakasagot sa mga text at tawag nya. Sigurado naman na magpapaliwanag ito sakanya. Ayaw nalang nya magisip ng kung anu-ano.
---
"ganda ng araw natin bro ah!" busy si Kiefer sa pagrereview ng mga dokumentong kailangan nyang pirmahan ng dumating ang kaibigan nyang si Gelo, kanina pa nya ito pinapaalis pero tila nasa plano nito ang tumambay sa opisina nya ngayong araw kaya hinayaan nalang nya.
"i'm just happy to be back. Nakakairita ang magstay sa bahay ng walang ginagawa." balewalang sagot nya dito pero pinakatitigan sya nito na tila sinasabing hindi ito naniniwala sa sinasabi nya.
"yun lang ba talaga?" nang aalaskang tanong nito.
"may iba pa ba dapat?" balik tanong nya sa kaibigan na pinagkrus pa ang mga braso sa dibdib saka mataman syang pinakatitigan.
"wala naman, baka lang naman may iba pa di ba?" hindi nalang nya pinatulan ang pangaalaska nito at pinagpatuloy ang ginagawa.
He somehow feels at ease, yes andon pa din ang sakit na malamang wala na si Ana. Hindi nya alam kung kelan iyon mawawala, but he can't just let the pain take over his life Ana wouldn't like that.
Naging busy ang maghapon nya dahil na din sa dami ng mga trabahong natambak noong mga panahong nasa hospital at nagpapagaling sya. Nagkaron pa sya ng emergency lunch meeting kaya hindi natuloy ang lunch sana nila ni Piper, gusto nya sana itong yayain magdinner nalang pero kailangan din nyang umuwi ng maaga dahil baka ipasundo sya ng mommy nya kung hindi. May pagka OA pa naman din ito na lumala simula ng bumalik ang alaala nya.
Palabas na sya ng opisina ng matanaw ang pinsang si Felix na pasakay na din ng sasakyan.
"bro!!!" tawag nya rito kaagad naman itong napatingin sa gawi nya.
"Kiefer... How are you my man?" bati nito saka sya sinalubong ng yakap.
"you're back!" masayang sabi ng pinsan.
"yeah, as well as my memory." sagot nya rito, at napansin nya na bigla itong natahimik kaya tinapik nya ito sa balikat.
"but I'm okay bro, not going to be easy. But I am okay." pinasigla pa nyang pilit ang boses nya para mapapaniwala ang pinsan.
"you will be bro, ikaw pa ba?" sagot sakanya nito pero tila naging malalim ang iniisip nito.
"are you okay Felix?"
"ahh yeah, i forgot. Mauna na ako Kif. May pupuntahan pa kasi ako. Let's hang out soon okay? Drive safely." hindi na sya nito hinintay na sumagot at dali dali nang sumakay sa sasakyan. Naiwan naman syang naguguluhan sa inasal ng pinsan. Parang bigla itong nanlumo na hindi nya maipaliwanag. Mukhang may pinagdadaanan din ito, kailangan na nga talaga nilang maghang out mukhang marami na syang hindi alam tungkol dito.
-
Nasaan si Gian? Paano na?Yiieee may update ulit... I'm so happy!!!
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."