37

253 27 7
                                    

Family...


Nakangiting pinagmamasdan ni Piper ang mga magulang ni Kiefer na masayang kausap ang designer ng mga isusuot ng mga ito sa renewal of vows. They look so inlove, hindi nya tuloy maiwasang isipin kung magkakaroon kaya sya ng pagkakataon na maranasan ang ganoong klaseng kasiyahan.

She's been thinking about the conversation she had with Gian, totoong napakasakit ng ginawa ng binata sakanya, sakanila ni Kiefer but hearing and watching him pour his soul to her she somehow understood where he is coming from. Hindi man lang nya alam na may isang tao na pala syang nasasaktan noon dahil sa pagmamahal nya sa kababata. The things people do for love, it can sometimes lead into heartbreaks and pain but no one has the right to judge someone who is in love. No one.

"Iha, magpasukat ka na doon." Pukaw ng mommy ni Kiefer sakanyang pag-iisip. Nakalahad sakanya ang kamay nito.

"Naku tita, hindi na po kailangan. I can just buy something from the mall." Pagtanggi nya, napakarami naman nyang damit na hindi pa naisusuot na magagamit nya sa araw na iyon.

Ngunit tila nilipad lang ng hangin ang pagtanggi nya sa ginang dahil natagpuan na lamang nya ang sarili na pumipili ng damit na isusuot at sinusukatan.

"I will be the happiest mother in the world kung kayo pa din ng anak ko ang pagkakatuluyan Pip." Walang paligoy-ligoy na komento nito habang pinanunuod sya. Nagpapalit palit ang tingin nya dito at sa daddy ni Kiefer na nakangiti din sakanya. Sya naman ay di malaman kung ano ang isasagot.

"We're just friends now tita. Masyado na pong maraming nangyari, okay na po kami sa ganito lang." Pilit nyang iniiwas ang tingin sa mga ito. Pakiramdam kasi nya ay pinakatititigan sya ng mga ito.

Totoo naman ang sinabi nya, she can't deny that there's always tension between her and Kiefer pero di nya iyong pinapansin, para sakanya normal lang iyon lalo po at sa tinagal tagal ng panahon wala syang ibang minahal kundi ng binata.

"Well, basta ako nararamdaman ko na sa huli ay kayo pading dalawa." May pinalidad na saad ng ginang na nginitian na lamang nya. Kilala nya ito nasisigurado nya di rin sya mananalo dito.

Natapos na syang sukatan at yinaya sya ng mga ito para mananghalian na tinanggihan nya dahil dadalaw sya sa ampunan at nakapangako na doon sya maglalunch.

"Alright iha, we'll just see you tonight then?" pahabol pa ng mga ito ng magpaalam sya., nakangiting tumango na lamang sya.

Excited syang pupunta sa ampunan, namiss nya ang mga bata, namiss nya sila sister. Dumaan muna sya ng fastfood para makabili ng konting pagkain. Kakaiba ang saya ng puso nya ng makapasok na sa loob ng ampunan at ng makitang nasa labas na sila sister at nakangiting nakaabang sakanya.

"Sisterssss.... Masayang bati nya sa mga ito saka patakbong lumapit isa-isang nagmano sa mga ito.

"Kaawaan ka ng Diyos anak. Akala namin ay nakalimutan mo na kung paano magpunta rito." May himig ng pagtatampo na saad ni Sister Ana sakanya.

"Sorry na po, madami lang pong trabahong naipon kaya kinailangan ko po munang tapusin para wala na po akong gaanong iniisip."

"Naku ikaw na bata ka, pabayaan mo yang si Sister Ana namiss ka lang nyan. Halika na at ng hinihintay ka na ng mga bata." Singit ni Sister Bea, kaya lalong napasimangot ang una.

Sabay-sabay silang pumasok sa conference hall ng ampunan kung saan ginaganap ang mga pagtitipon o kung may programa ang mga bata. Muntik na syang maiyak ng makitang nakaabang nga doon ang mga bata at bawat isa ay may hawak na bulaklak na kung di sya nagkakamali ay nanggaling sa hardin ni Sister Bea.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon