14

484 52 17
                                    

Old Flame...

"lalim ng iniisip natin ah?" napaharap bigla si Piper ng magsalita si Kiefer, nakatulala nanaman pala sya at hindi namalayan na nagising na pala ang binata.

Linggo ngayon at imbes na nasa bahay sya ay nandito sya ngayon sa hospital dahil tinawagan sya kagabi ng mommy nito na sya na muna ang magbantay dahil may aasikasuhin raw na importante ang mga ito.

Ngumiti sya bago lumapit kay Kiefer na kunot noong nakatitig sakanya.

"hindi naman, iniisip ko lang kung anong masarap kainin medyo gutom na ako eh." hinawakan pa nya ang kanyang tyan para mapaniwala ang binata, nawala naman ang pagkakakunot ng noo nito at napalitan ng pagaalala ang ekspresyon ng mukha nito. Nilahad pa nito ang kamay sakanya na inabot naman nya.

"you should eat on time hindi ka dapat nagpapagutom, pwede mo naman akong ibilin sa nurse while you buy your food." buong lambing nyang saad at hindi ko maiwasang mapangiti, it felt like we are back to being college sweethearts. Noong mga panahon na sakanya ako kumukuha ng lakas, no'ng mga panahong sa akin lang umiikot ang mundo nya. No'ng hindi pa kumplekado ang lahat.

"kif? i want you to promise me something." biglang lumabas iyon sa bibig ko at huli na para bawiin ko pa dahil nakatuon na sa akin ang atensyon nya na hinihintay ang susunod kong sasabihin.

Nagalangan pa ako, at tumikhim muna bago magpatuloy.

"promise me na kahit na anong mangyari pakikinggan mo ako.." hinawakan ko ang kamay nya.

"you mean so much to me, no one and nothing could ever change that kaya i am always here for you just like how you are always there for me kasama mo ako lagi hanggang sa maging okay na lahat." kinakain na ng konsensya ang puso ko lalo na ng hawakan ni Kiefer ang mukha ko at hinaplos iyon.

"of course baby, of course." hinalikan pa nya ang kamay ko at matamis na ngumiti.

"kain ka na by, okay lang ako dito. Pero balik ka lang agad ah? Namimiss kasi kita agad eh." napangiti sya sa tinuran nito at tumango.

"sige bibili lang ako then dito na ako kakain para sabay tayo, may gusto ka bang ipabili?"

"kung ano nalang din bibilhin mo, ayoko na ng pagkain nila dito. Walang lasa." parang batang nagmamaktol na saad nito na sinabayan pa ng paglabi.

Iiling-iling na lumbas na sya sa kwarto pero bago pa nya maisara ang pinto ay narinig pa nyang nagsalita si Kiefer.

"bilisan mong bumalik Pip, wag ka masyadong magpamiss. I love you!" imbes na sagutin ay nilingon nalang nya ito at pabirong nag flying kiss sa binata na pabiro din naman nitong sinalo gamit ang dalawang kamay.

Nangingiti pa rin si Piper hanggang makalabas sya ng hospital, masigla na si Kiefer unti-unti na ding naghihilom ang mga sugat nito ang iniisip nalang nya ay pano ipapaliwanag dito ang mga bagay-bagay. Pero sa ngayon ay hindi na muna nya iisipin yun dahil ayon na din sa mommy ng binata ito naman raw ang bahala magpaliwanag sana lang ay maintindihan sila ni Kiefer pagdating ng araw na yun.

Patawid na sya papunta sa isang fast food ng mahagip nya sa gilid ng kanyang mata ang isang lalaki na parang si Gian, automatikong kumunot ang noo nya dahil ang sabi ng nobyo ay may convention ito sa tagaytay ngayong araw. Sinundan nya ito ng tingin hanggang makapasok sa isang coffee shop sa tapat din ng hospital, pinipilit nyang maaninag ng maayos ang mukha ng lalaki pero bigo sya dahil patalikod sa kinaroroonan nya ang pwesto ng upo nito.

Para makasigurado ay tinawagan nya ang nobyo, nakakadalawang ring palang ng makita nyang kunin ng lalaking tinatanaw nya ang cellphone nito.

"hello love?" rinig nyang sagot ni Gian sa kabilang linya.

"hi love, nakaistorbo ba ako?" parang wala lang na tanong nya dito kahit pa na nagtataka na sya, ayaw naman nya magisip ng kung ano dahil baka hindi lang talaga natuloy ang lakad nito.

"no, of course not love. Sakto lang ang tawag mo dahil maglalunch na din ako. Ikaw kumain kana?"

"ah, kakain palang." simple nyang sagot. Nagdadalawang isip sya kung ipapaalam dito na pinapanuod nya ito ngayon, bago pa sya makapag salita ay narinig na nyang muli ang boses ni Gian.

"you eatwell love, i have to go for now. Kapag maagang natapos ang convention susunduin kita mamaya ah?" naguluhang napaisip na si Piper na napatitig sa likod ng nobyo.

"co--convention? so natuloy ka pala sa tagaytay?" tuluyan ng natigilan si Piper sa isinagot ng binata.

"yep, but i'll still see you later. Love you, take care."

"love you too." hindi na nya hinintay na sumagot pa ulit si Gian at pinatay na nya ang tawag. Tinatambol ang dibdib at naguguluhan sya ngayon sa nangyari, bakit nagsinungaling ang binata? At ano ang ginagawa nito sa may hospital? Imposible naman na dito ito nakipag meeting dahil may kalayuan ang hospital sa opisina nito.

Tila lutang syang bumalik sa kwarto ni Kiefer, hindi naman iyon nakaligtas sa binata dahil kaagad nitong hinuli ang kamay nya para makuha ang kanyang atensyon.

"you okay baby?" mababakas sa gwapong mukha nito ang pagaalala kaya naman pilit syang ngumiti dito.

"mainit sa labas, nakalimutan kong magdala ng payong." pagdadahilan nya, hindi nya alam kung naniwala ba ito pero hindi na din naman ito sumagot.

Inalalayan nyang kumain si Kiefer, para itong bata na ganadong ganado sa pagkain panay pa ang sabi nito na namiss daw nya ang gano'ng pagkain. Nagsusumbong din ito sakanya na walang lasa lagi ang kinakain nya nagrequest pa nga ito na ipagluto nya ito na sinangayunan naman nya agad dahil na rin sa natutuwa sya inaasal nito.

"ipagluto mo ako ng sinigang baby, alam mo namang paborito ko ang luto mo ng sinigang di ba?"

"sige, bukas ipagdadala kita. Mukhang kawawang kawawa ka sa pinapakain nila sayo dito eh." natatawang sabi nya.

"kawawa talaga ako, puro na nga benda ang gwapo kong mukha wala pang lasa ipakakain sa kin?" tuluyan na syang natawa sa mga sinabi nito, natigilan lang sya ng mapnsing titig na titig sakanya si Kiefer.

"Kif?" unti-unti niton hinaplos ang pisngi nya na nakapagpapikit sakanya. Napadilat sya ng maramdaman ang mainit na hangin na tumatama sa mukha nya, at muntik na syang mapaatras ng makitang ilang pulgada nalang ang distansya ng mga mukha nilang dalawa.

Kumalabog ang puso ni Piper, isang maling galaw lang nya ay dadampi sigurado ang mga labi nya sa labi ni Kiefer, pero iyon yata ang intensyon ng binata dahil bago pa man nya maisip kung paano iiwas ay naramdaman na nya ang malambot nitong labi sa labi nya.

Banayad at sandali lamang ang halik na iyon pero sapat na para magrambulan ang mga drum sa dibdib nya at parang sasabog na sa init ang mukha nya. Hindi sya makatingin ng diretso kay Kiefer, na ngayon ay malapad na nakangiti sakanya.

"now, that is a perfect dessert." pilyong saad nito at sinabayan pa ng mokong ng kindat na nakapagpainit pa lalo sa mukha nya, bigla nya tuloy nahampas ng may kalakasan ang braso nito. Tumawa lang naman ito sakanya na ikinatawa na din nya.









-
As promised! Salamat po sa paghihintay, para po sainyo ito.

Comment&Vote po.

Visit my profile sa mga completed storiea ko po if ever hindi nyo pa nababasa. Salamat po.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon