Decision...
Nagising si Piper sa sinag ng araw na tumama sakanyang mukha, dahan-dahan syang nagmulat ng mata at tila napaisip pa sya kung bakit mahapdi ang mga iyon hanggang sa unti-unti bumalik sakanya ang mga alaala ng nangyari kagabi. Pupungas syang bumangon para maghilamos pagtingin nya sa salamin ay bumungad sakanya ang magulo ng buhok at magang maga nyang mga mata. Parang gusto nanaman nyang maiyak pagkakita sa sarili.
Akala nya okay na lahat, akala nya hindi na nya mararamdaman ulit ang sakit na pinagdaanan nya ngayon mas malala pa pala. Hindi nanaman nya maiwasang makaramdam ng awa sa sarili, pinaglaruan nanaman sya ng tadhana mapakla syang natawa saka pinalis ang luhang pumatak mula sakanyang mata.
Pagbalik nya ng kwarto narinig nyang nagriring ang cellphone, si Simeona tumatawag. Gusto nyang magsumbong sa kaibigan pero hindi pa sya handang ikwento dito o sa kahit na kanino ang mga nalaman nya, kung paanong na manipula ng taong akala nyang magbubura sa lahat ng sakit na pinagdaanan nya sa buhay ang damdamin nya.
Hinayaan lang nya munang magring ng magring ang cellphone, alam nyang magaalala ito pero hindi pa nya kaya gusto nyang mapag-isa,gusto nyang magisip.
Padapa syang nahigang muli sa kama at ilang minuto ding nakatulala maya maya pa ay bumangon syang muli at kinuha ang laptop. Hindi nya sigurado kung saan sya dadalhin ng desisyon nyang ito pero sa mga oras na ito sigurado syang ito ang pinakamaganda nyang gawin para sa sarili. Panahon na para mabuhay at bumangon sya hindi para kanino man kundi para sa sarili nya. Hindi nya mamadaliin, hahayaan nyang panahon ang magdikta kung handa na ba sya o hindi.
Inayos nya ang mga dapat ayusin, mula sa negosyo nya, hanggang sa pagpapaalam kay Simeona pati ang bahay lahat sinuguro nyang hindi mapapabayaan. Pagkatapos nyang gawin lahat ng iyon, mga gamit naman nya ang inayos nya kung para sa iba kaduwagan ang gagawin nyang muling paglayo wala na syang pakialam dahil ngayon sisiguraduhin nyang hindi sya babalik hanggang hindi nya nabubuo ang sarili.
Tuloy-tuloy sya sa ginagawa, hapon na ng matapos nya lahat ng dapat gawin nakapagpabook na din sya ng flight, tawag pa din ng tawag at panay message ni Simeona pero hindi nya iyon sinasagot saka na nya sasabihin dito ang lahat pag nakalayo na sya.
Tulala sya habang nasa byahe papuntang airport, lutang pa din kasi ang utak nya. Maski sya nagdududa kung tama ba itong ginagawa nya pero desidido na sya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago bumaba ng sasakyan, wala ng atrasan ito gagawin nya ito para sa sarili.
Saktong naglalakad na sya papasok ng magvibrate ang cellphone nya at pagtingin nya message galing kay Kiefer ang bumungad sakanya.
I went to your office to check on you, they said di ka daw nakapasok. Mukhang wala ding tao sa bahay mo, where are you Pip?
Napaisip pa sya kung magrereply ba sya dito, sa huli ay sinagot pa din nya ang message nito.
I'll be gone for a while. Please don't look for me, i'll be fine. I hope pag nagkita tayo ulit okay na tayong pareho. I wish you well Kief. Be safe always.
---
He hardly slept the whole night, galit at pagsisisi ang nararamdaman nya ngayon. Galit sa mga taong pinagkakatiwalaan dahil sa pang-gagagong ginawa ng mga ito, galit sakanyang sarili dahil hinayaan nyang mapaglaruan sila ng mga ito. Pagsisisi dahil hindi man lang nya nagawang kumpirmahin muna ang lahat ng sinabi sakanya noon bago sya tuluyang sumuko sa dalagang mula pagkabata ay minahal na nya.
Bumangon na sya sa pagkakahiga, ayaw nyang magalala sakanya ang mga magulang lalu na ang kanyang mommy kaya kahit na mabigat ang katawan ay papasok pa din sya sa opisina.
Wala sa sariling nagayos sya para pumasok, panay panay din ang pagbuntong hininga nya. Nakarating na nga sa opisina ng hindi nya namamalayan. Sinalubong kaagad sya ng kanyang sekretarya para ibigay ang schedule nya sa araw na ito, pero tila lahat ng sinabi nito ay dumaan lang sakanya dahil parang nagising lang sya ng iabot nito ang isang folder.
"Sir Gian asked me to give you that sir. Maaga po syang nandito kanina pero kinuha lang ang mga gamit saka po pinaabot to sainyo. Ang dami nga po nyang pasa sir eh tsaka parang galing din po sa iyak kasi sa namamaga yung mata" itinaas nya lang ang kamay para patigilin ito sa pagsasalita ng tuloy tuloy.
Nakakaintindi at parang napahiyang nagpaalam naman ito. No'n palang nya binasa ang laman ng folder. Resignation letter iyon ni Gian, kumuyom bigla ang kamay nya hindi nakalagay don kung anong dahilan pero it was an immediate resignation. Gustong gusto nyang saktan ang pinsan pero kagabi nang makita nya itong lugmok pagkaalis ni Piper ay hindi nya na ito magawang saktan. Ito ang pinakamatalik nyang pinsan, lahat alam nila sa isa't isa maliban na nga lang siguro sa mga bagay tungkol kay Piper.
Buong araw lang na parang hangin na lumipas ang oras sakanya, wala sya sa sarili nagaalala sya kay Gian, nagaalala din sya kay Piper sakanilang lahat alam nyang ito ang pinakasobrang nasasaktan ngayon, kilala nya si Piper alam nyang mahal nito si Gian. Kaya naman nang maguuwian na napagpasyahan nyang daanan ito sa opisina pero hindi daw ito pumasok sabi ng sekretarya nito kaya naman nagmamadali na syang nagmaneho papunta sa bahay nito pero tahimik at mukhang wala ding tao doon.
Ilang minuto pa syang nagstay doon naghihintay na may ilaw na bumukas para malaman nyang andoon si Piper pero ng mainip ay napagdesisyunan nyang imessage nalang ito para tanungin kung nasaan ito. Nasasaktan at naguguluhan din sya ngayon pero hindi nya pwedeng pabayaan ang dalaga,lalo na ngayon.
Napahinga nalang sya ng mabasa ang reply ng dalaga sa message nya. Aalis ito, magpapakalayo layo sakanilang lahat na nagdulot dito ng sakit. Nagbilin pa ito na wag syang hanapin, tipid syang napangiti sa parteng iyon. Alam na alam din talaga ng dating nobya na ipapahanap nya ito, pero sa ngayon hindi nya gagawin yon. Susundin nya ang bilin nito, hahayaan nya ito sa kagustuhan nitong lumayo hindi nya ito ipapahanap. Hihintayin nalang nya ang pagbabalik nito, at magdarasal na sa oras na magkita silang muli ay pareho na silang nakabangon at buong muli.
Muli syang sumulyap sa bahay ng dalaga bago sumakay muli sa sasakyan para umuwi, Piper deserves this peace that she'll get far from them. Sya naman ay aayusin din ang sarili, hahanapin din ang sarili.
-
As promised... Update...
Sobrang thank you po...
Pls play Ako na Muna by Yeng Constantino
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Storie d'amore"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."