12

567 53 28
                                    

Decision...

"are you sure you don't want to come with me?" hinawakan pa nya ang kamay ni Gian, ngumiti naman ito sakanya bago umiling at gawaran ng halik ang kanyang kamay.

"i can't baby, kaya mo yan. besides hindi mo naman siguro babawiin ang pagsagot mo sakin pag nakita mo syang gising na di ba?" pinilit nyang ngumiti dito kahit pa na mas gusto nyang mangiwi sa sinabi nito.

"of course not, baka lang naman gusto mo syang makilala." napansin nyang bigla itong natigilan, kaya akala nya ay papayag na itong umakyat at samahan sya, nandito na kasi sila sa parking ng hospital at kanina pa nya ito inaalok na samahan sya pag punta kay Kiefer pero tumatanggi ito.

"baby, ngayon palang magigising si Kiefer hindi naman siguro makakabuti sakanya na makitang may kasama kang iba lalo na kung ipakilala mo akong boyfriend mo di ba? Baka magulat pa yun macoma ulit." tumawa ito na hindi naman umabot sa mga mata nito, hindi man sakanya sabihin nito nararamdaman nyang hindi rin ito mapakali pero Gian being Gian ayaw nitong aminin yun sakanya.

"okay, okay. Sige bababa na ako, i'll text you pagkatapos ko dito." bumitaw na sya sa pagkakahawak nya sa kamay nito at inayos ang sarili. Tumango naman sakanya ang nobyo at nauna ng bumaba para mapagbuksan sya ng pinto.

Matamis syang ngumiti dito ng yumukod pa ito sakanya pagkababa nya, mahina nya itong hinampas sa braso na ikinatawa na din ng lalaki.

"i'll see you later baby, byeee." humalik sya sa pisngi nito pero ng akma na syang lalayo ay hinabol sya nito at yinakap ng mahigpit, isiniksik pa nito ang mukha sa balikat nya.

"akin ka na ah? Wala ng bawian yun? I love you." parang bata na bulong nito sakanya, gumanti na din naman sya ng mahigpit na yakap dito.

"i love you too." pagkasabi nya no'n ay saka palang sya binitawan ni Gian.

Nagumpisa na syang naglakad papasok ng hospital, pinapakalma nya ang sarili habang sakay ng elevator, iniisip nya kung paano ang mangyayari sa pagkikita nilang muli ni Kiefer, sa tagal nitong nakatulog hindi nya malaman kung paano ito pakikiharapan pagkatapos ng nangyari dito. Hindi nya alam kung paano nya ito sasagutin kung sakaling magtanong ito ng tungkol sa mga nangyari. Kagabi pa nya iniisip iyon kaya hindi sya nakatulog pero hindi pa din nya malaman kung paano.

Sa lalim ng pagiisip nya ay hindi nya namalayang nasa labas na pala sya ng recovery room na pinaglipatan kay Kiefer, akma palang syang kakatok ng bigla iyong bumukas at bumungad sakanya ang nagaalalang mukha ng mommy ni Kiefer.

"tita?" ngumiti naman ito pagkakita sakanya.

"Piper iha, mabuti andito ka na." masigla nitong sabi pero hindi niyon naikubli ang lungkot sa boses nito.

"is that Piper mom?" narinig nya ang boses ni Kiefer na nakadagdag lalo sa kabang nararamdaman nya. Bumaling naman sa anak ang ginang at nakangiting tumango, binigyang daan din sya nito para tuluyan na syang makapasok.

"hi Kif. Welcome back!" nakangiti pero alanganin nyang sabi dito, malapad naman syang nginitian ng lalaki at inilahad pa nito ang kamay para lumapit sya.

"hi babe, missed me?" hinawakan nito ang kamay nya ng tuluyan na syang makalapit sa higaan nito. Automatic naman na kumunot ang noo nya sa sinabi nito.

"coz I missed you, ikaw ang una kong hinanap pagkagising ko kagabi pero sabi ni mom kaaalis mo lang daw and she refused to ask you come over last night kasi pagod ka daw." para itong bata na nagkukwento, ganito din ito sakanya noon pag kausap sya. Noong sila pa.

" Kif..." paguumpisa nya pero naputol din agad ang kung anong sasabihin sana nya ng magsalitang muli si Kiefer.

"sorry if I made you wait for so long babe, napasarap ang tulog ko. But now that I'm back babawi ako sa mga oras na nalungkot ka dahil sa akin." puno ng lambing nitong sabi sakanya na nakapikit pang inilapat sa pisngi ang palad nya. Nagtatanong ang mga tingin na sumulyap naman sya sa mommy nito na ngayon ay nakamasid lang sakanila.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon