Whys.…
Kiefer, has been busy this past weeks, hindi na nya namlayan na malapit na pala syang bumalik ng Pilipinas. He sure is excited, hindi lang dahil sa uuwi syang successful ang ipinunta sa Germany but most of all excited sya na makita ulit ang mga kaibigan na hindi na sya tinitigilan kakakulit kung kelan ba sya uuwi, at syempre si Piper. Maliban sa trabaho, malaking tulong din sakanya ang ginawang paglayo pansamantala although hindi nya masasabing tanggap na nya lahat ng nangyari mas malinaw na sa isip nya ngayon na lahat ng iyon ay may dahilan kaya unti-unti na nyany napapatawad ang sarili.
"you look happy iho." maaliwalas na mukha nh daddy nya ang bumungad sakanya ng mag-angat sya ng mukh. Napangiti na din tuloy sya at napailing.
"coz i am happy dad, i'm excited to go home. And i'm sure na ikaw din naman hindi ba?" panunudyo nya dito, narinig nya kasi noong nakaraang araw lang na naglalambingan sa telepono ang mga magulang.
"oh yes, of course. I missed your mom hindi ko pa rin talaga magawang masanay na hindi sya nakakasama ng matagal." sabi nito na may tipid na ngiti sa labi. He can't deny it, he wants that kind of relationship simula pa pagkabata. Gusto nya kung magaasawa sya magiging katulad sila ng mga magulang nya, para paring mga teenager kung kiligin sa isa't isa. But his lovestories are kinda complicated compare to his parent's.
"well, ako aminado na ang mommy mo ang dahilan kung bakit excited ako umuwi. Eh ikaw? May namimiss ka rin ba?" nakakaloko ang ngiti ng daddy nya. Alam nyang may gusto itong tumbukin.
"yes dad, my friends. They're all asking kung kelan ako babalik eh. It's been a while since i joined them on night outs that's why."
"oh. Alright." kibit balikat na sagot ng kanyang daddy. Saka na sya iniwan nito. Iiling iling na ipinagpatuloy nalang nya ang ginagawa.
Muling napaangat ang tingin nya ng marinig ang pop up tone ng kanyang cellphone, ng tignan nya iyon ay may message galing sa pinsan nyang si Felix.
bro, contact me pag nakabalik ka na. I have important things to discuss with you.
Kaagad na kumunot ang noo nya sa nabasa, kilala nya ang pinsan at ito ang unang beses na nagmessage ito ng ganito sakanya. Kaya naman ay agad nya itong nireplayan.
What? Are you about to get married and kukunin mo akong bestman? Pabirong sagot nya dito.
Lul! When are you coming back? Mabilis na reply nito.
Friday night nandyan na ako, pero if you care about me baka pwedeng Saturday mo nalang ako idate. Haha. Pinagagaan nya ang usapan kahit pa mukhang wala sa mood sa lokohan ang pinsan dahil hindi nito sinakyan ang biro nya.
Saturday night then, i'll just message you the details.
Okay? Everything fine bro?
Yes. See you Saturday.
Hindi mawala ang pagkakakunot ng noo nya pero mukhang wala naman itong balak na sabihin sakanya kahit pa mangulit sya kaya hintayin nalang nya ang sabado.
---------
"he is not answering my messages and calls Simeona! I don't know what is going on. Maayos naman yung last naming paguusap and all of a sudden ganito." frustrated na ibinagsak nya ang katawan paupo katabi ng kaibigan. Magiisang linggo na nyang hindi makausap si Gian, wala itong text, pag tinatawagan nya ito ring lang ng ring ang cellphone nito. Hindi nya malaman kung magagalit o iiyak sya sa sitwasyon nya ngayon
"baka busy lang Pip." mahinang sagot ni Simeona kaya napabaling sya ng tingin dito.
"busy?! Girl, sa ilang buwan kong nakilala si Gian kahit pa nasa kalagitnaan ng meeting yun basta maalala nya ako magmemessage yun. Nagaalala na ako, wala naman akong mapagtanungan dahil wala pa naman akong kilala kahit mga kaibigan lang nya."
"Pip calm down, malay mo may pasabog na surprise pala ang dyowa mo kaya tinitiis kang hindi kontakin ngayon stop over thinking." mahinahon na pagpapaliwanag ni Simeona.
"i don't know Sim, napakadami kong gustong itanong sakanya. Tapos ganito pa ang nangyayari how can i not overthink?" nasapo nalang nya ang mukha sa dalawang palad.
"i trust him Sim, pero bakit parang pakiramdam ko unti-unti na syang lumalayo sa akin. Wala naman akong maalalang pinagawayan namin. As a matter of fact hindi naman kami nagaaway. Kaya gulong gulo ako kung bakit ganito." nagunahan na sa pag patak ang mga luhang ilang araw na din nyang pinipigilan.
He loves Gian, at alam nyang mahal din sya nito pero may mga pagkakataon na gusto nya itong kwestyunin katulad nalang ng hindi nito pagbanggit na kakilala nito ang pamilya ni Kiefer eh samantalang alam naman nito ang ugnayan nila ni Kiefer.
Naramdaman nalang nya ang banayad na paghaplos ni Simeona sa likod nya doon na sya napahagulgol. Parang lahat ng confusion at sama nf loob na nararamdaman nya ay bumuhos lahat ngayon.
Natigilan silang pareho ng tumunog ang cellphone nya na agad agad naman nyang kinuha para basahin.
i really am sorry if hindi ako nagpaparamdam ng ilang araw love. I'm just really busy right now working on something. I'll explain everything on Saturday, i'll pick you up for dinner. Basa nya sa text ni Gian, kahit papano ay gumaan ang pakiramdam nya kaya kaagad syang nagreply.
Where are you Gi? Bakit ngayon ka lang nagparamdam?
I really am sorry love. Saturday okay? I love you, always think of that. Tanging reply nito sa message nya kaya naman sinubukan nya itong tawagan pero hindi nanaman nito sinagot.
Kunot noong napabaling sya kay Simeona.
"baka may pasabog nga talaga yan. Kaya wag ka ng mastress okay? Sige ka magmukha kang haggard sa sabado." natatawang sabi nito saka sya yinakap.
Hindi pa man nya nakuha ang sagot, atleast medyo gumaan na ang pakiramdam nya dahil nagparamdam na ito. Hintayin nalang nya ang sabado para magkausap sila and knowing Gian siguradong ipapaliwanag naman nito lahat.
-
After 100000000years nakapag post din ng update. Sensya na guys nawalan kasi ako ng access sa wattpad ko pero ayos na lahat kaya tapusin na natin ang story ni Kiefer and Piper.Sagutin na natin ang mga tanong.
Salamat sa mga naghihintay pa din sa update ko. Para po sainyo to.
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."