21

437 46 12
                                    

Acceptance...

"so what now?" Piper looked at Simeona trying to understand her question, nagkibit balikat naman ang kaibigan bago inisang lagok ang alak na nasa baso.

Pag-alis nya kanina sa bahay nila Kiefer ay dumeretso sya sa condo ng kaibigan. Masyadong mabigat ang nararamdaman nyang guilt at kailangan nya ng mapaglalabasan nito.

"what do you mean what now?" kunot padin ang noong balik tanong nya dito.

"well, nakakaalala na sya. What's the plan?"

Ilang segundo muna bago sya nakasagot, saka tumingin sa malayo.

"i understand his anger, kaya hahayaan ko na muna sya. I know he will eventually understand." gusto nyang paniwalaan ang sinabi pero kahit sya sa mga oras na yun ay nagduda sa binitawan nyang sagot kay Simeona.

"baka lalo lang syang magalit kapag pinilit ko yung side ko di ba?" malungkot nyang dagdag, and Simeona gave her the concern look that she always gives her kapag nasa ganito syang sitwasyon.

"so paano kayo?" bigla nitong tanong na ikinagulat naman nya.

"anong kami?" pilit ang tawang sagot nya.

"wala namang nagbago Sim, Kif and I are over. Ngayon na bumalik na ang alaala nya, babalik lang yun sa ganoong estado."

Pinakatitigan sya ng kaibigan kaya naman napaiwas syang muli ng tingin dito.

"talaga bang walang nagbago Piper?"

"nothing." mabilis nyang tanong dito, di nya nagugustuhan kung saan nanaman patutungo ang punto ng kaibigan nya ngayon.

"hmmm. I hope so, coz if it not. It will just make things a lot more complicated than they already are."

"tapos na ang role ko sa buhay nya Sim, i know that agreeing to his mom's request was a bad choice but hindi ako nagsisisi na pumayag ako. I feel guilty, yes. Because I lied to him, but more than that I am okay coz I know I did that for his own good din naman. At ngayong okay na sya, tapos na ako Sim." may pinalidad nyang saad. Tumango lang ito sakanya kaya di nya malaman kung sang-ayon ba ito sa sinabi nya o mas pinili nalang talaga nito na wag nalang magsalita.

She spent the night sa condo ng kaibigan, they talked and talked hanggang sa pareho nalang silang makatulog and somehow it helped her feel okay. Nabawasan kahit papano ang bigat ng nararamdaman nya.

Malapit na sya sa bahay nya ng matanaw nya ang isang pamilyar na sasakyan na nakapark sa tapat mismo ng kanyang bahay. Kaagad na dinagsa ng kaba ang dibdib nya, at nanlamig ang kamay nya.

Maingat nyang hininto ang sasakyan at kabado na bumaba, kasabay din non ang pagbaba ni Kiefer mula sa sasakyan nito. Sinalubong sya nito habang matamang nakatitig sakanya.

"ahmm ehem. K-if?" muntik pa syang pumiyok sa pagtawag sa pangalan ng binata.

"morning Pip."

"ah... ahmm.. Morning, anong atin?" pilit nyang pinakakaswal ang boses para itago ang lakas ng pintig ng dibdib nya.

Ilang segundo sya nitong tinitigan bago sumagot.

"ahmm can we talk?" hindi nya naitago ang gulat sa sinabi nito kaya ilang segundo din ang lumipas bago sya nakasagot.

"if hindi ka busy." alanganing dagdag ni Kiefer.

"no, of course. I mean sige usap tayo. Tara." nagpatiuna na syang naglakad dito para buksan ang gate. Pinagbuksan din nya ito ng pinto at hindi nakaligtas sa paningin nya ang pag gala ng tingin nito sa buong bahay.

"you've got a nice place." komento nito, na nginitian lang nya dahil wala syang maisagot dito.

"kumain ka na? i'll preapare breakfast for us." sabi nya saka tuloy tuloy na nagtungo sa kusina. Buti nalang at hindi sya nawawalan ng stock ng mailuluto.

"marunong ka ng magluto?" tanong ng binata na hindi nya namalayang nakasunod na pala sakanya.

"oo naman, kailangan kong matuto kung gusto kong mabuhay ng matagal sa mundo." seryosong sagot nya. Kumunot naman ang noo nya ng bahagyang matawa si Kiefer.

"what's funny?" hindi nya mapigilang tanong dito, itinuro lang sya nito bilang sagot.

"you're too serious Pip." balewalang sagot nito, habang pinipigilan padin ang matawa. Samantalang sya ay naguguluhan lang na nakatingin sa binata.

Naguguluhan dahil, sa pagkakatanda nya ay galit ito sakanya ng umalis sya kagabi. Kaya katakataka naman talaga kung bakit ganito ang inaasta nito sa harap nya ngayon. Ang inaasahan nya ay seryoso at madamdaming usapan pero tila iba ata ang nangyayari.

"dapat ba hindi Kif?" tanong nya dito, bago ipinagpatuloy ang pagluluto ng almusal nilang dalawa.

Mukhang natahimik naman ito dahil wala na syang narinig mula dito pagkatapos ng tanong nya.

Napapitlag nalang sya ng maramdaman nya ang yakap nito mula sa likuran.

" Kif? "

"thank you for doing those things for me. And i am sorry kung may nasabi man akong hindi maganda kagabi." mahina at parang batang nangaamo ang boses na ginagamit ng binata habang nakasiksik sakanya.

"kif..."

"mom and dad explained everything, and I am sorry kung nadamay ka nanaman sa gulo ng buhay ko. And thank you because you stayed, kahit na hindi mo na ako responsibilidad. You stayed." malambing nitong sabi, dahan dahan nyang binaklas ang pagkakayakap nito, pinatay na muna nya ang linuluto saka marahan na humarap sa binata.

Napatigil sya ng makitang umiiyak na pala ito. She can't stand it, seeing Kiefer in pain like this. Parang may maliliit din na kutsilyo ang tumutusok sa puso nya. He does not deserve this kind of pain.

"of course Kif. How can I ever say no to you?" hindi na nya napigilan ang sarili at mahigpit na nya itong yinakap.

"i'm sorry if we lied to you, believe us we just wanted to protect you."

"i know. i know."

"this is too much Pip. It was all my fault, dapat ako nalang ang nawala, dapat hindi nalang si Ana." tuluyan nang napahagulgol si Kiefer habang nakayakap padin sakanya, maging sya ay napapaluha na din dahil ramdam na ramdam nya sa mga oras na iyon ang sakit na pinagdadaanan nito.

"sssshhhh don't say that. You'll get through this. Okay? Everything will be okay." saad nya habang banayad na hinahaplos ang likod ng binata.

"i cannot tell you when, but I am sure that in time you will be fine. Andito lang kami. Kasama mo kami. Kasama mo ako." naramdaman nya ang paghigpit ng yakap nito sakanya, maging sya ay nagulat sa binitawang salita hindi nya din masabi kung saan nya napulot iyon pero isa lang sigurado nya. Iyon ang gusto ng puso at isip nya. He needs a friend. She'll stay, as his friend.







-

Lezzzgooo!!! Friends....

Salamat po sa lahat ng mga nagtyatya sa story ko. I have 3 Completed stories

*Fate
*His White Flower
*Summer Love

Try nyo po basahin if di nyo pa nababasa.
Pafollow na din po ako sa Twitter @thenameisrhoj... I will be posting "patikims" don. Salamat po! :)

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon