24

514 43 18
                                    

Flashback...

Kiefer is busy packing his stuffs, he's flying to Germany tonight for a business convention that he has to attend to. Halos isang buwan din syang mawawala, ayaw pa sana nya nong una but as he think things over he realized na mas makakatulong ito para sa pagpapagaling nya and his parents agreed to it as well.

He's nursing the guilt in his heart since he remembered everything that has happened that night, pakiramdam nya ay wala na syang karapatang maging masaya because of what happened to Ana. Paulit-ulit nyang sinisisi ang sarili sa maagang pagkawala ng babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin at intindihin sya kahit pa sa mga oras na sya mismo ay hindi na nya magawang intindihin ang sarili.

-----

He misses Piper, pero kailangan nila ito pareho para matutunan nilang pareho ang tumayo at lumaban ng wala ang isa't isa. Sya dahil pakiramdam nya na hindi na nya kakayanin pa ang mabuhay kung hindi kasama ang dalaga, at si Piper na kailangang matutunang tanggapin kung ano ang nangyayari sa hinaharap at kalimutan ang pait na dinulot sakanya ng kahapon.

"bakit ba palagi ka nalang malungkot Kiefer?" hindi pa man nya nakikita ang mukha ng nagsasalita ay naiinis na sya, andito nanaman ito para kulitin sya.

Hindi na lamang nya ito pinansin at tinuon nalang ang atensyon sa librong binabasa, pero mukhang wala nanaman atang balak na umalis ang dalaga sa tabi nya.

"ana? Don't you have other things to do?" hindi na sya nag-abala na itago ang iritasyon sa boses nya pero ngumiti lang ito sakanya saka umiling.

"i have, pero pwede ko naman gawin iyon mamaya eh. Mas gusto kong magstay dito sa tabi mo." sinabayan pa nito ng pagpapacute ang sinabi.

Napapailing nalang at hindi na sya nakipagtalo. Sigurado naman na kahit ano ang sabihin nya hindi sya mananalo sa taglay na kakulitan nito.

Analeigh is pretty, yes ang balita pa nga nya ay marami daw nagkakagusto sa dalaga pero dahil sa ginagawa nitong kakakulit sakanya kaya marahil hindi nya iyon mapansin.

Naging ganoon ang routine nila araw-araw bigla nalang susulpot ang babae kung nasaan sya, at hindi sya lulubayan hanggang hindi pa oras ng klase o uwian. Aminin man nya o hindi unti-unti na rin nyang nakakasanayan ang presensya nito sa buhay nya.

Until without him knowing naging matalik na silang magkaibigan, ito na lagi ang kasama nya. Naging shock absorber na nga nya ito. Everything is working well for them as friends. Para na nya itong kapatid, lahat alam nito tungkol sakanya, his struggles, his pain, pati ang pagmamahal nya para kay Piper and sye has always been the supportive friend that he needs. Or so he thought dahil isang araw kinausap nalang sya nito.

"Kif. I love you." out of nowhere na sabi sakanya ng kaibigan habang pareho silang nakatanaw sa malayo. Malungkot na malungkot sya ng araw na iyon dahil halos isang taon na simula ng makita nya si Piper at hanggang ngayon ay hindi nya malaman kung nasaan na ito. Ilang imbestigador na rin ang binayaran nya pero tila naglaho nalang na parang bula ang babaeng minamahal.

"i know, and mahal din naman kita Leigh." sagot nya dito pero nanatiling nakatitig lang ito sakanya.

"yes, you love me as a friend. pero hindi lang yun ang gusto ko, hindi lang hanggang don ang nararamdaman ko Kif."

"Leigh?" wala syang malaman na sabihin dito.

"matagal na, hindi mo lang nakikita dahil masyado kang busy na mahalin si Piper. Kahit na ako yung kasama mo, kahit na ako yung nandito para sayo sya parin yung nakikita mo. Sya parin yung mahal mo." naguumpisa na itong umiyak kaya sinubukan nya itong hawakan pero lumayo lang ito sakanya at padabog na hinawi ang mga luha.

"I tried everything para mapansin mo ako, hindi kita iniwan. Kahit paulit ulit mo na akong ipinagtatabuyan noon hindi ako umalis kasi sabi ko sa sarili ko na baka pag napatunayan ko na dito lang ako eventually mapapansin mo din ako."

"and you did, naging mag kaibigan tayo. Kahit na puro ka Piper tiniis ko, kahit na ang sakit sakit na lumaban ako. But to see you now na halos madurog dahil sa babaeng yun na ang tagal tagal ng wala sa buhay mo, grabe naman Kif!!!!"

"i love her Leigh, i'm sorry dahil hindi ko alam na ganito na pala ang nararamdaman mo. Believe me hindi ko gustong saktan ka, pero mahal ko si Piper and i have no plans of unloving her."

Nakita nya kung paanong unti-unting nanlumo si Ana dahil sa sinabi nya, mahal nya ang kaibigan pero bilang kaibigan lang wala ng hihigit pa doon.

"i know, ako lang naman yung tangang umaasa na maambunan ng konti sa pagmamahal mo para sakanya Kiefer eh. Maniwala ka, ginusto ko tong pigilan, pinilit ko tong mawala pero kahit na anong gawin ko ikaw padin ang gusto nito." sabay turo sa dibdib.

"i'm sorry Leigh. Believe me, i really am."

-----

"thank you for not giving up on me..." malambing nyang sabi sa dalaga na ngayon ay may nakapaskil na matamis sa labi.

"no, thank you for finally seeing me. Kahit na alam kong hindi pa buo i can live with ang mahalaga sakin ngayon na malamang may puwang na ako kahit papano sa puso mo. Hindi kita susukuan Kif. Dito lang ako." yinakap nya ng mahigpit ang dalaga habang nakatingala sa langit.

I am giving myself a chance to love again Pip, but know that you will always have a place in my heart. Kahit masakit, masaya pa din ako na malamang masaya ka na ngayon kahit pa hindi na ako ang dahilan ng kaligayahan mo na yon.

Alam na nya kung nasaan ang babaeng matagal ng hinahanap, dahil narin sa tulong ni Leigh. Nalaman din nya na may bago na itong kasintahan dahil na din sa ninong na detective ni Leigh na pinakisuyuan nila na imbestigahan ang mga nangyari kay Piper sa mga taon na hindi nya ito nakita. Sakanya nya nalaman na okay na ang dalaga, kaya kahit papano ay kampante na din sya kahit pa na parang dinurog ang puso nya ng malaman na may nobyo na nga ito.

And Leigh stayed with him all through it, kaya naman pagkatapos unti unting matanggap ang katotohanang hindi na sila pwede ni Piper napagdesisyunan na din nyang bigyan ng pagkakataon ang sarili na magmahal muli.

-----

"you have no idea how happy I am now Kif..." he just proposed to Analeigh, sa haba ng panahon ay natutunan na din nyang mahalin ang dalaga. She is the girl every man will be lucky to have at talaga namang napakaswerte nya na naging nobya nya ito.

"thank you too Leigh, for not giving up on me. For loving me endlessly. For always being there." malambing nyang saad sa kasintahan. Ginawaran naman sya nito ng matamis na halik sa labi. Maganda ang ngiting ginawad nya dito ng mahiwalay ang mga labi nila at ginawaran nya itong muli ng halik sa noo bago sya lumabas para pagbuksan ito ng pinto.

Hinintay na muna nya itong makapasok sa bahay bago sya sumakay muli sa sasakyan, sakto namang nagriring ang cellphone nya.

"hello, Matt?"

"i found her Kif."







-

Waaaahhhhhhh!!! Mga kalinawan sa mga katanungan!!!

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon