4

698 64 14
                                    

Selfless Love...

"Kif, wala ka bang klase at nandito ka nanaman kasama ko?" nakakunot noong tanong ng dalaga sa kaibigang sarap na sarap sa pagkain. Lunch break nya ngayon at ang alam nya ay may klase ito sa oras na to kaya nagtataka sya kung bakit ito naririto.

"wala naman kaming gagawin Pip, we'll just submit our research then palalabasin din kami. I already passed mine." putol na sagot nya sa sasabihin pa sana ng dalaga.

"but still, tignan mo pinagtitinginan nanaman tayo ng mga tao at ang sama nanaman ng tingin ng mga fans mo sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa siguro ako bumulagta." tinawanan lang sya no Kiefer at pinang gigilan na naman ang kanyang pisngi.

"hahaha you never fail to amuse me Pip, hayaan mo nga sila. It's you I want to be with kaya pabayaan mo sila." napakalambing talaga nito, alam naman nya ang tunay na nararamdaman ng kaibigan para sakanya at ilang beses na din nyang sinabi dito na ibaling nalang sa iba ang nararamdaman dahil hindi sila bagay, masyadong perpekto si Kiefer para sakanya. Pero kahit na anong pagiwas nya o paglayo nya ay bumabalik pa din ito sakanya, minsan tuloy ay napapaisip sya na baka tama nga ang sinasabi ng mga tao na nagayuma nya si Kiefer.

"malayo nanaman ang tingin nya, kasama mo na nga ako iniisip mo pa din ako. Grabe na yan Pip." hindi makapaniwalang napatitig ito sa kaibigan at natatawang iiling iling.

"napaka hangin naman po talaga! Naramdaman mo ba Kif?" sabay pa silang natawa dahil sakanyang sinabi. Maya maya pa ay nagseryosong tumingin na uli si Kiefer sakanya.

"hintayin kita mamaya ah? Ihahatid na kita pauwi." masayang sabi nito.

"di mo naman kailangan gawin yan eh."

"ooppss i won't take no for an answer besides namimiss ko na din sila sister." nakangiting sabi nito sakanya.

-

"hindi talaga kita maiintindihan, dahil ayaw mo namang maiintindihan kita. Ayaw mo kong papasukin sa buhay mo, sa puso mo. I tried everything that I can to make you see your worth pero wala pa din. Maybe it's about time that you do it yourself." doon palang ako nag angat ng tingin sakanya.

"you're leaving me?" maiiyak na tanong ni Piper sa kasintahan.

"i'm not leaving you, i'm just giving you time. Baka masyado na kitang pinipilit na makita ang mga bagay na nakita ko sayo. Baka masyado ko ng pinipilit ang pag mamahal ko sayo kaya lalong di mo makita yun."

"pero..."

"magpapahinga din muna ako," sabi nya saka mapait na ngumiti.

"nakakapagod din palang mahalin ang isang taong di makita kung gaano sya kamahal mahal. Hopefully when I get back, nakita at alam na nya yun." sinabi nya ang mga salitang yun habang nakatingin ng deretso sa dalaga. Hinalikan nya ang ito sa noo saka na naglakad palayo.

Napabalikwas ng bangon si Piper at wala sa sariling nasapo ang dibdib, napanaginipan nanaman nya ang araw na iyon. Ang araw na sinukuan sya ng nagiisang tao na nagtyaga at nagmahal sakanya.

Sumulyap sa orasan at bumangon sya sa higaan, kailangan nya ng hot chocolate, alam nyang hindi na sya makakatulog agad.

She composed a text message and sent it to Simeona kahit na malamang ay tulog na ang kaibigan sa mga oras na ito, mababasa naman nya iyon bukas.

He's back. And he's getting married.

He looks better now, mas gumwapo pa ito at hindi naman kataka takang may babaeng magmamahal dito ng totoo, napakabait ni Kiefer bukod dito ay galing pa sa mayaman at makapangyarihang pamilya.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon