2

742 51 2
                                    

Unknown Caller...


Katulad ng araw-araw nyang ginagawa nagpapakabusy si Piper sa trabaho para hindi sya makapagisip ng kung anu-ano. Mabuti nalang din at madami syang appointments kaya kailangan talaga nyang maging busy. Busy sya sa mga pinipirmahan ng kumatok at similip ang kanyang secretary. Tinanguan nya ito para pumasok.

"miss piper, may gusto nagpapasched po ng meet up bukas, pero gusto daw po nya na ikaw ang personal na magasikaso sakanya." her secretary Andrea informed her. Di na bago sakanya ang mga ganung kliyente, sa tinagal tagal ba naman nya sa ganitong trabaho eh.

"do I have a free time tomorrow Drea? Kung meron naman edi sige isingit mo na sya doon then give me her infos."

"His po Miss Piper." pagtatama sakanya ng sekretarya. Medyo nagulat naman si Piper, dahil kadalasan na ang soon-to-be bride ang una nakakausap pero tumango padin sya.

"I see, that's nice. Sige ibigay mo na sakanya ang pinakaconvenient na time na pwede mong ibigay kakausapin ko sya." she may not be vocal about it but she admires guys who are very hands on sa pagpreprepare ng kanikanilang mga kasal. She finds it sweet.

"you'll be free from 4pm onwards palang miss. I'll call his secretary kung okay po sa boss nya yung time then i'll inform you miss."

"okay."

Pagkalabas ng kanyang secretary ay napabuntong hininga sya saka tumayo at tumanaw sa labas.

Mag gagabi nanaman, its crazy how her day went by so fast. Muli syang sumulyap sa labas bago nagtungo sa desk nya at ayusin ang mga gamit, dadalaw sya ngayon sa ampunan.

Nagpaalam sya kay Andrea ng madaanan nya ito.

"i'll be off early Drea, may dadaanan pa ako."

"good day miss."

Nagpaalam na din sya sa iba pa nyang mga tauhan.

"himala na mauna kang uuwi ngayon Pips." one of her organizers Elisha said kadalasan kasi na sya na ang pinakahuling umuuwi.

"dadaan ako ng ampunan, matagal na since huli akong dumalaw. Siguradong nagtatampo na sila sister." nakakaunawang tumango naman ang mga ito.

Open sya sa mga tauhan, sila sila na ang mga kasama nya mula noong naguumpisa palang sya kaya alam ng mga ito ang lahat sakanya. Kung saan sya nagmula, kung anong buhay meron sya alam ng mga ito kaya naman hindi lang tauhan ang turing nya sa mga ito kundi kaibigan at pamilya na din.

Dumaan muna sya sa grocery store para mamili ng pagsalubong para sa mga bata bago tumuloy. Sa kabila ng mga narating nya isa ito sa isang bagay na kahit kailangan ay hindi nya matatalikuran; ang bumalik sa bahay ampunan na kumupkop sakanya noong bata pa sya, at ang mga madre na tinanggap sya ng talikuran sya ng mundo.

Nasa may gate palang sya ay natatanaw na nya ang mga bata, kaagad iyong nagbigay ng masayang pakiramdam sakanyang puso. Nakangiting bumaba sya at tinawag ang atensyon ng mga ito. Masayang nagunahan na makalapit naman sakanya ang mga ito.

"nakuu ang akala namin ay nakalimutan mo na kami Evangeline." himig nagtatampong saad sakanya ni Sister Monique kaya kaagad nya itong niyakap.

"ikaw po talaga sister, naging busy lang po kaya ngayon lang ulit nakadalaw pero di ko po kayo nakakalimutan. Kayo paba love ko kaya kayo."

"ay hala sige, halika na at siguradong matutuwa sila pag nakita ka."

Katulad nga ng sinabi ni Sister Monique, tuwang tuwa ang mga nasa ampunan na makita si Piper. Panay sermon din ng mga ito sakanya na baka pinapabayaan na nya ang kanyang sarili dahil namamayat daw ito.

"baka puro trabaho ka nalang Evangeline iha, aba magkakasakit ka nyan."

"di naman po sister, madami lang po kasing nagpapakasal pag ganitong mga buwan kaya medyo busy po talaga."

"eh ikaw ba anak, kelan ka magaasawa?" nabigla at natawa naman sya sa biglaang tanong sakanya ni Sister Mary Ann.

"matagal pa po sister, wala pa naman po akong boyfriend." sagot na lamang nya at binago na ang usapan. Alam na kasi nya kung saan papatungo ang mga ganitong usapan.

Doon na sya pinaghapunan ng mga ito, pero pagkatapos ay agad na din naman syang nagpaalam. Katakot takot na bilin muna ang sinabi ng mga ito bago sya tuluyang paalisin.

Nakangiti syang nagmamaneho pauwi, gumagaan talaga ang pakiramdam nya kapag nakakausap ang mga nanay-nanayan nya.

Natigil ang pagiisip ni Piper ng magvibrate ang kanyang cellphone.

Miss, 6pm daw po tomorrow. Goodnight.

Nireplyan nalang nya ito ng Okay.

Nakauwi na sya at nanunuod ng paborito nyang cartoon para marelax, ng magring ang cellphone hindi nakaregister ang number kaya nagdalawang isip sya na sagutin ito. Dis oras na din ng gabi kaya imposibleng kliyente ito. Tumigil din naman ang tawag kaya di nalang nya pinansin.

Makalipas ang ilang minuto ay nagring ulit ito kaya sinagot na nya.

"hello?"

Katahimikan lang ang sumagot sakanya.

"hello? Who's this?"

Wala pading sumasagot. Naiinis na si Piper, ito pa naman ang isa sa mga kinaiinisan nya pero nagtimpi sya dahil ayaw nyang masira ang gabi.

"ahm, look whoever this is kung wala po kayong magawa wag po kayo mangistorbo okay po? Salamat. Goodnight."

Wala padin syang nakuhang sagot, kaya ibababa na sana nya pero bago nya nagawa yun ay narinig pa nyang tumawa ang nasa kabilang linya. And for some reason the sound of that laughter brought a different emotion to her heart.



What just happened?





-

May stalker si Piper?!





<3

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon