15

397 34 5
                                    

Crazy Love...

Kiefer can't get his eyes off of Piper, kanina nya pa pinagmamasdan ang dalaga na busying busy sa pag-aayos ng mga gamit nya, lalabas na kasi sya ngayong araw sa hospital after 3weeks ng pagrerecover. Matagal na sana nyang gustong lumabas pero naghihysterical ang kanyang mommy everytime na nagsasabi sya kaya umabot sya dito ng ganun katagal.

He's so happy na laging nandito ang kasintahan para dalawin at samahan sya. She would always drop by after her work at kapag weekends ay nandito din ito, minsan nga eh nahihiya na sya dahil alam naman nyang napapagod din ito sa trabaho pero nagagawa pa din nitong puntahan sya.

Dahil sa naiisip ay hindi nya namalayang nangingiti na pala sya at pinagmamasdan na din sya ni Piper.

"baka naman matunaw na ako nyan mister." natatawang saad sakanya nito na lalong ikinalapad ng ngiti nya.

"may problema ba?" nagkibit balikat muna sya bago sumagot.

"nothing, i just love looking at you." ngumiti nalang din si Piper sakanya bago pinagpatuloy ang pagaayos ng mga gamit.

After lunch ng madischarge na sya, sinundo sila ng parents at deretso na sa bahay nila. Gusto sana nyang sa condo nalang pero dahil sa pagpupumilit ng mommy at daddy nya na sinangayunan naman ni Piper wala na syang nagawa.

"your room is already ready anak, pinaayos ko na." her mom said ng makapasok sila sa subdivision.

"pinaayos ko na din ang guest room Piper, iha. Para in case you want to sleep over may matutulugan ka." baling naman nito sa kanyang nobya na tanging ngiti at tango lang ang sagot.

Inalalayan sya ni Piper magsettle sa kwarto nya, ito na din nagayos ulit sa mga kailangan nya.

"what will I do without you? Thanks for doing this baby, kahit na pagod ka sa trabaho you see to it na pinupuntahan mo pa din ako. I really am the luckiest guy in the world for having you."

-

Natigilan si Piper sa sinabi ni Kiefer, punong puno iyon ng lambing. Ng lingunin naman nya ito ay payapa na itong nakapikit habang may maliit na ngiti sa labi.

Nilapitan nya ito at hinaplos ang pisngi, nagmulat itong muli ng mata at hinuli ang kamay nya para gawaran iyon ng mabining halik.

"i want to spend more time with you, gusto kong bumawi sayo."

"bumawi para saan?"

"para sa stress mo habang tulog pa ako, at ngayong nagpapagaling ako." titig na titig ito sakanya at magkahalong lungkot at pagmamahal ang mababasa sa mga mata nito.

"Kif, you don't have to. Wala kang dapat ibawi." nakangiti nyang sagot dito, pero umiling si Kiefer.

"no baby, just let me." pursigido nitong sabi kaya tumango nalang din sya. Ginawarang muli ni Kiefer ng halik ang kanyang kamay.

"thank you baby." umusog ito at sinenyasan syang tumabi sakanya, nagalangan man ay tumabi pa din sya dito.

Muntik pa syang mapatili ng bigla sya nitong kabigin at yakapin ng mahigpit.

"ahh.. Kif..." pilit syang pumiglas pero lalo lang nitong hinigpitan ang yakap.

"shhh... Dito ka lang, tulog tayo." hinalikan sya nito sa ulo kaya wala na syang nagawa kundi hayaan nalang ito sa pagkakayakap sakanya.

Ilang sandali lang ay naramdaman na nyang bumigat ang pahinga nito tanda na nakatulog na ito.

Bahagya syang lumayo para matitigan ang mukha ng binata. May ilan pa din itong sugat sa noo pero pahilom na iyon, medyo bumalik na din ang dati nitong katawan. Mas lalo pa ata itong gumwapo at parang anghel na nahihimbing.

Hinaplos nya ang pisngi nito at ginawaran ng mabining halik ang tuktok ng ilong ng binata.

"rest well Kif." dahan dahan syang kumawala sa yakap nito at pinalitan ng unan ang pwesto nya para may kayakap padin ang binata.

Dahan-dahan syang lumabas ng kwarto, at bumaba papunta ng sala kung saan naabutan nya ang mga magulang nito.

"nakatulog na po sya." pagiimporma nya sa mga ito. Sinalubong sya ng mommy nito at pinaupo.

"iha salamat dito sa ginagawa mo para kay Kif. Alam ko na napaka unfair nito para sayo kaya sobrang nagpapasalamat talaga ako." sinserong saad sakanya ng ginang.

"wala po yun tita, ginagawa ko din po ito para mapabilis agad ang pag galing ni Kiefer." deretsa nyang sagot dito.

"pero tito, tita sana masabi na po natin sakanya ang totoo tutal medyo nakakarecover naman na po sya. Naguguilty na din po kasi ako, hindi na po ako makatingin sakanya ng deretso." malungkot nyang pagpapaliwanag sa mga ito.

"we understand iha, pasensya ka na at nadadamay ka pa dito." daddy ni Kiefer ang sumagot.

"wag na po sana nating hintayin na bumalik ng kusa ang alaala nya at malaman nya lahat ang ginawa natin bago po natin aminin sakanya. Hindi ko po ata makakayang makita ang galit nya kung sakali po."

"yes iha, of course." sagot ng mommy nito na tinanguan nalang nya. Nagpaalam na sya sa mga ito na babalik ulit sa kwarto ni Kiefer.

Naupo sya sa sofang naroroon at pinanuod ang natutulog na binata. Sa bawat araw na lumilipas lalong bumibigat ang guilt na nararamdaman nya.

Napaigtad pa sya ng biglang magring ang phone nya, nataranta sya ng makitang si Gian ang tumatawag. Nagmamadali syang lumabas sa veranda at doon sinagot ang tawag.

"hello, Gian?"

"hello hon, how are you?"

"i am good hon, you?" pigil ang boses nya dahil baka magising at marinig sya ni Kiefer.

"i miss you, can I say you tonight? I'll pick you up after work." natigilan at napaisip sya sa sinabi nito. Hindi sya pwede dahil nakapangako sya kay Kiefer na sasabay sya dito mag dinner.

"ahhh, hon... I can't may mga tinatapos pa kasi ako. Kailangan kong magover time" pagdadahilan nya dito. Natahimik ito sa kabilang linya kaya kinabahan sya.

"i see. Maybe tomorrow?" nabawasan ang sigla sa boses nito kaya nakonsensya sya.

"ah yes hon, may free time ako tomorrow."

"that's great. See you tomorrow hon, i love you."

"bye..." hindi na nya nadugtungan ang sasabihin dahil narinig nyang gumalaw sa loob. Tinext nalang sya si Gian saka nagmamadaling pumasok, nakahinga sya ng malalim ng makitang mahimbing pa itong natutulog.

Nanghihina syang napaupo at napasapo sa ulo, pakiramdam nya ay napakasama nyang tao.









-
Hello beshies! Thanks sa mga nagtyatyaga pa din kahit medyo matagal ang update. Expect another one on Sunday.

Thankie!

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon