26

616 59 12
                                    

Doubt...

Piper received a call from Kiefer before his flight to Germany. Nagpaalam sakanya ang binata na matatagalan ito doon, hindi man kailangan pero natuwa na din sya dahil sa pagpapaalam nito ibig sabihin lang na okay na talaga silang dalawa bilang magkaibigan. Nasabi na din nya kasi dito na may nobyo na sya, at natuwa naman ang binata para sakanya.

Magkikita nga dapat sila nito para maipakilala na din nya dito si Gian pero nagkaron nga ito ng biglaang appointment sa Germany, kaya pagbalik nalang daw nito nila itutuloy ang usapan.

Nagdradrive sya ngayon papunta sa paborito nilang restaurant ni Simeona, nagtatampo na din kasi ang kaibigan nya dahil naging abala sya nitong mga nakaraang araw magoover time din naman si Gian sa trabaho kaya pumayag na syang makipagkita kay Simeona.

Nasa pinto palang sya ng restaurant nakita na nya ang nakasimangot na mukha ng kaibigan, hindi tuloy nya napigilang hindi mapatawa sa ekspresyon ng mukha nito. Lalo tuloy nalukot ang mukha ng kaibigan dahil sa ginawa nyang pagtawa.

"saya natin ah? dahil okay na mga problema nakalimutan mo nang may kaibigan ka?" may pagtatampo sa boses na sinabayan pa ng pagirap. Hindi naman sya naapektuhan sa pagtataray nito dahil alam nyang nagbibiro lang ang kaibigan.

Nakangising yumakap sya dito at pabirong pinanggigilan.

"girl, hindi bagay ang maginarte sayo. Tigilan mo yan." pigil ang hagikgik na sabi nya dito pero hindi iyon nakalagpas sa kaibigan kaya nakatikim sya ng katakot takot na hampas mula dito.

"hindi ako nagiinarte Piper! I'm serious!" pinagkrus na nito ang braso sa tapat ng dibdib saka sya tinignan ng masama. Tinaas nalang nya ang dalawang kamay na parang sumusuko saka umupo sa harap nito. Masama pa din ang tinging ipinupukol nito sakanya.

"sorry na girl, naging busy lang talaga. Madami akong kailangan tapusin sa trabaho. At bumawi din ako kay Gian dahil alam ko naman na hindi ko sya nabigyan masyado ng oras nung nasa hospital si Kiefer.

Hindi agad nakasagot si Simeona dahil dumating na ang waiter para kunin ang order nila. Pagkaalis nito ay agad na ngumiti sakanya ang kaibigan.

"i know, and I am happy that finally everything is already fine with you and Kiefer. Then you have Gian." sinserong sabi nito.

"you are now having the best time of your life, and I am really glad. You deserve this girl."

Napaisip sya sa sinabi ng kaibigan at napangiti na din. Tama ito, after everything she's been through unti-unti ng nagiging maayos ang lahat. At masasabi nyang maayos na sya sa kung anong nangyayari sa buhay nya ngayon, sana ay magtuloy tuloy na.

"so how's Kiefer?" napabaling sya dito ng bigla itong magsalita.

"mukhang nagiging okay na din naman sya, nasa Germany sya ngayon inaasikaso ang negosyo nila doon." tumango tango naman si Simeona.

"gaano naman daw sya katagal doon?"

"almost a month daw, i'm not sure. Pero maganda na din yun dahil kahit papano malilibang sya and it can help him cope up with what happened." balewalang sagot nya kaya pinakatitigan sya ni Simeona.

"why?"

"nothing, i just didn't expect that this would come. Yung mapaguusapan natin sya ng hindi ka nalulungkot. Yung hindi ka umiiyak. Akala ko hindi na mawawala ang pagmamahal mo para sakanya eh."

Tipid na ngiti muna ang binigay nya sa kaibigan bago ito sagutin.

"i still love him Sim, and i don't think I could ever learn how to unlove him, its just that I am loving him in a different way now."

Matamis na ngiti ang sinagot sakanyan ni Simeona. They spent the night, sharing stories and laughing. Pakiramdam ni Piper ay napakagaan ng pakiramdam nya ngayon.

Palabas na sila ni Simeona ng restaurant ng mapagawi ang tingin nya sa mga kumakain doon, at biglang nangunot ang noo nya ng matanawan parents ni Kiefer, may kasama ang mga ito at tila nagkakasiyahan sila pero hindi iyon ang dahilan kung bakit sya natigilan. Nakita kasi nya si Gian na kasama ang mga ito at base sa galaw ng nobyo mukhang matagal ng magkakakilala ang mga ito.

Mukhang napansin naman ni Simeona na natigilan sya kaya napatingin din ito sa pwesto ng parents ni Kiefer at nagtatanong ang mga matang napasulyap sakanya.

"is that Gian? Kilala pala nya family nila Kiefer?" tanong nito sakanya na tanging iling lang ang naisagot nya bago hilain palabas ang kaibigan.

"Pip?" tawag ni Simeona sakanya dahil tila natulala sya.

"ah! Yes! I'll see you around girl, thank you for today. Ingat paguwi." sabi nya saka bumeso dito at nagmamadali ng sumakay sa sasakyan.

Habang nagmamaneho ay laman ng utak nya ang nakita. Hindi naman big deal iyon kung tutuusin pero if kilala ni Gian ang parents ni Kiefer imposible naman na hindi rin nito kilala ang dating nobyo. Ant kung ganun nga bakit hindi man lang nito iyon nabanggit sakanya samantalang ilang beses na din naman nyang naikwento si Kiefer dito.

Ayaw nyang gawing big deal iyon, pero hindi nakikisama ang isip nya. Namalayan nalang nya ang sarili na tinetext na ang nobyo.

Hi love, pauwi na ako. How bout you?

Hindi naman sya naghintay ng matagal, wala pa atang isang minuto ay nakatanggap na sya ng sagot mula dito.

I'm with my relatives love, dinner. Pauwi na din nyan. Be safe okay. I love you.

Kumalabog ang dibdib nya sa reply nito ng hindi nya malaman kung bakit. Parang pakiramdam nya ay kailangan nyang kilalanin pa lalo ang nobyo.

Doon nya narealize na hindi pa nga pala sya nito naipapakilala sa mga magulang. Kung kamag-anak nga nila ni Gian sila Kiefer then she is sure na makikilala sya ng mga ito dahil narin mula pagkabata ay magkasama na sila ni Kiefer at present sya sa halos lahat ng family gatherings ng mga ito.

Pero bakit hindi sinabi ni Gian?





-

Ayan na... Pasensya na po now lang ulit nakapag-update...

Slowly but surely mga besh. But will surely end this before August.

Present time po ito, don't be confused.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon