Lies...
Kiefer is confuse, he woke up from a dream kung saan nasa loob sya ng isang sasakyan kasama ang isang babae na hindi nya naman kilala. They were talking and the girl was crying, he was trying to console her but she refuses to be touched by him ipapark na sana nya sa tabi ang sasakyan ng biglang may paparating na isa pang sasakyan ang sumalubong sakanila that's where he woke up. Sumasakit ang ulo nya, he's asuming na baka iyon ang aksidenteng kinasangkutan nya pero sino yung babaeng kasama nya? He's more than sure na hindi iyon si Piper, at bakit umiiyak ang babae?
Pabagsak syang muling humiga habang pinakakalma ang sarili, pinipilit nyang alalahanin ang panaginip umaasa na kahit minsan ay nabanggit nya ang pangalan ng kasama pero sumasakit lang lalo ang ulo nya. Nakatulugan nalang nya ulit ang pagiisip.
He woke up the next day with a firm decision na magtatanong sya sa mommy tungkol sa napanaginipan kahit pa na gusto nyang hangga't maaari ay wag itong kausapin tungkol sa pagkawala ng memorya nya dahil ayaw nyang nagaalala ito, hindi naman nya mahihintay ang pagdating ni Piper mamayang gabi galing trabaho ayaw naman nya itong tawagan para lang magtanong.
Naabutan nya sa dining ang mga magulang na nagaalmusal, nakaayos na ang kanyang daddy para pumasok sa trabaho. Gusto na din sana nyang bumalik sa opisina pero the doctor advised him to atleast have another week of rest bago sya magbalik trabaho.
"good morning iho, come join us for breakfast." kaagad na tumayo ang mommy nya at inakay sya sa hapag kainan.
"good morning mom, dad." mommy na din nya ang naglagay ng pagkain sa plato nya, kahit pa na kaya naman na nyang gawin iyon hindi nalang nya ito kinokontra dahil siguradong magdradrama nanaman ito at masyado pang maaga para doon.
They ate in silence, pinakikiramdaman nya ang mga magulang. He's assessing kung okay na ba na magtanong siya.
"ahh. I had a dream last night." paguumpisa nya ng hindi na sya makatiis. Agad naman na napunta sakanya ang atensyon ng mga ito.
"i think yun yung aksidenteng nangyari sa akin, but something's bothering me." tinapunan muna nya ng tingin ang mga magulang bago nagpatuloy sa pagsasalita.
"cos in my dream I was with someone, a girl specifically but I don't know her. Hindi naman iyon si Piper." nagulat sya ng biglang maibagsak ng mommy nya ang hawak nitong baso kaya naman ay nagtatakang napatingin sya dito.
"you okay ma?" tanong nya dito na sinagot lang ng alanganing ngiti ng ina.
"go on iho, ituloy mo lang."
"baka ho may idea kayo kung sino yon? She may be someone i know."
"we d---ont k--now iho, w---ala ka namang kasama noong nakaaksidente ka." kaagad na sagot ng mommy nya na nahuli nyang pasimpleng sumulyap sa daddy nya.
"pero bakit ho kaya napanaginipan ko sya. It felt so real-"
"iho, ang mabuti pa tawagan natin ang doctor mo at magpaschedule ng check up so we can ask him about this." putol ng dad nya sa sasabihin pa nya.
"for now wag mo na munang pakaisipin yun at baka lalong hindi makabuti sayo." may pinalidad nitong saad, parang bata na tumango nalang sya at hindi na nakipagargumento pa kahit na hindi sya kontento sa sagot ng mommy nya, lalo pa at hindi ito makatingin sakanya ng sumagot.
---
Nandito sya ngayon sa library nila sa bahay ng kumatok ang isang kasambahay para ipagbigay alam na may bisita sya, kaagad naman nya itong nilabas at tila nabuhayan sya ng loob ng makita ang pinsang si Felix na prenteng nakaupo sa sala.
"Felix!" tawag nya dito na kaagad namang ngumiti ng malawak sakanya at sinalubong sya ng yakap.
"f*ck you pare! Akala ko matutuluyan ka na! How are you?" masayang sabi nito.
"hindi ko pa oras bro, buti naman naalala mo pa ako. Akala ko nakalimutan mo nang may pinsan ka. Ni hindi mo ako dinalaw sa hospital eh." sumbat nya rito na tinawanan lang ng malakas ng pinsan.
"hahahaha ang drama mo bro! May mga inaasikaso lang ako, ikaw nga riyan akala ko pati ako nakalimutan mo na din eh." kumunot ang noo nya sa sinabi nito.
"nakalimutan din?"
"hahahaha ah! I mean akala ko ikaw ang nakakalimot sa akin." sagot ng pinsan nya
"anyway how are you? Kelan ka babalik sa kumpanya?" pagiiba nito sa usapan.
"next week, kukuha nalang ako ng clearance to work from my doctor, sa totoo lang gusto ko ng magtrabaho ulit nanghihina ako lalo pag walang ginagawa." tango lang naman ang sagot ng kaibigan.
"and you? Himala at wala kang akay na babae ngayon." pangaalaska nya sa pinsan, may pagkababaero kasi ito at madalang mo lang na makikitang walang kasamang babae.
"busy sya eh. At hindi ko sya pwede isama." pansin nya ang pagbabago ng tono ng pinsan.
"bakit naman?"
"kumplikado bro, saka ko na ikukwento." kibit balikat nitong sagot.
"hahaha bakit ilan ba sila?" sinamaan sya ng tingin nito at pabirong sinuntok sa braso.
"hindi ko ugaling pagsabay sabayin sila bro! Hahaha" sagot nito pero bigla ding sumeryoso.
"seryoso na ko dito pero mukhang ito ang magiging karma ko." napatitig sya sa pinsan dahil sa sinseridad ng sinabi nito.
"alam ko naman kasing hindi sya sa akin ng buo. At alam kong anytime ay mawawala din sya sa akin. Hiram lang kung baga."
"edi angkinin mo na, what is stopping you? Kung talagang mahal mo na to wag mo na pakawalan." seryoso nyang sagot dito, halata sa boses ng pinsan ang bigat ng dinaramdam nito at nakakapanibago iyon dahil ngayon palang nya ito nakita na nagkaganito.
Tinitigan muna sya ng matagal ng pinsan bago mapaklang ngumiti sakanya.
"hindi pwede bro, sa ngayon susulitin ko nalang muna na sa akin pa sya dahil para pag bumalik na ang totoong nagmamay-ari sa puso nya handa na akong ibalik sya."
"ang drama mo bro! Ikaw ba yan? Papatalo ka nalang ng ganun ganun nalang?"
"i have to bro! I have to."
-
Unti-unti na Kiefer...Salamat sa paghihintay!!
Comment&Vote po! Mwah!
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."