6

589 64 29
                                    

Moving On...

"i am taking a break Simeona" bungad nya sa matalik na kaibigan pagdating nito. Nandito sila sa paborito nilang coffee shop, tinawagan nya ito pagkatapos ng paguusap nila ni Kiefer kanina.

"that's good, pero hindi may mga kasal ka pang inaayos? Yung kasal ni Kifier hindi ba ikaw ang magaasikaso no'n?" sumubo na muna ang dalaga sa kinakain na chocolate cake bago sumagot.

"yes, pero ihahabilin ko nalang kina Elisha yun. I know Kiefer will understand my reason naman. Besides its the right thing to do." tumango tango naman sakanya ang kaibigan

"kelan mo naman balak umpisahan yang break mo?"

"this weekend, lilipad ako papuntang Cebu." nanlaki ang mata ni Simeona.

"agad-agad?

"i need this girl, dahil kung hindi baka mabaliw na ako sa sakit."

Tinignan lang sya ng kaibigan, sya naman ay napaisip nalang. Hindi rin sya sigurado kung makakatulong ba ang paglayo para makamove on sya, pero alam nyang kailangan nya ito para magisip at para buoin muli ang pusong nasaktan.

"sige, basta inform mo lang ako. Alam mo namang nandito lang ako lagi for you." nginitian nya ito, napakaswerte talaga nya sa kaibigan. Malas man sya sa ibang bagay, maswerte naman sya sa pagdating dito.

-

Piper spent her remaining days bago magbakasyon fixing her unfinished weddings. Trinasfer na nya ang mga account sa mga tauhan nya, nabilinan na din nya si Andrea sa mga dapat gawin habang wala sya.

The hardest part was talking to Kiefer and explaining to him what she has to do, agad naman itong pumayag na ikinagaan ng dibdib nya.

She's now waiting for her flight, she decided to go to Cebu dahil kahit na magbabaksyon sya ay kailangan nyang may gawin para madistract ang isip nya at tiyak nyang marami syang pwedeng magawa doon.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya ng marinig ng tinatawag ang flight nya bago nagumpisang maglakad.

This is it Piper! Tuloy tuloy muna to.

Mga salitang paulit ulit nyang tinatatak sa isip nya habang nasa himpapawid sya. It won't be easy of course but she has to, dahil kung hindi ay sya lang ang kawawa. Ayaw naman nyang maging miserableng umaasa sa isang bagay na alam naman nyang kailan man ay hindi na magiging kanya.

Sinalubong si Piper ng isang staff mula sa resort na tutuluyan nya, mula sa airport ay halos 30 minutes pa ang binyahe nila bago makarating doon. Hindi pa gaanong kilala ang resort na tutuluyan nya pero nakuha nito ang atensyon niya ng magresearch sya ng pwedeng tuluyan, sinadya din nya na sa hindi kilalang lugar magpunta para wala masyadong tao at makapagisip isip sya.

"welcome to White Beach Miss Bautista!" salubong sakanya ng isa namang staff sabay abot ng isang pineapple juice sakanya. Nakangiti din naman nya itong binati.

Dinala sya nito sa isa sa pinakamalaking kwarto nila doon, maganda ang pwesto nito dahil bukod sa medyo malayo ang agwat nitoo sa ibang kwarto ay may magandang view din ito ng dagat na talaga namang gustong gusto ni Piper.

Agad nyang tinawagan si Andrea pagkatapos nyang masettle ang mga gamit nya, kailangan padin nyang icheck ang mga nangyayari doon kahit pa alam naman nya na kayang kaya ng asikasuhin yun ng mga tauhan nya gusto pa din nyang magupdate ang mga ito sakanya. Pagkatapos ng usapan nila ni Andrea ay tinext naman nya si Simeona.

Habang hinihintay ang sagot ng kaibigan ay lumabas sya sa veranda para pagmasdan ang dagat. May mangilan ngilan ng nandoon sa may dalampasigan, may mga bata ding naglalaro at naghahabulan doon. Medyo maulap kasi ngayon kaya hindi mainit sabayan pa ng masarap na simoy ng hangin. Naupo sya sa isang rocking chair na nandoon at di na namalayan na nakatulog na pala sya.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon