Matt...
Kahit na pagod sya ng araw na iyon ay nagdesisyon pa din si Kiefer na makipagkita kay Matt, not because he is not happy on where he is right now but it comes naturally for him to always care for Piper.
Nagkita sila ng kaibigan sa isang bar, nandoon na ito ng dumating sya.
"bro?" tapik nya rito ng makalapit sya.
"oh Kif."
They ordered something to drink bago sya nagumpisang magusisa.
"so, about Piper. Saan mo sya nakita?"
Linagok muna ng kaibigan ang hawak na inumin bago sya sinagot.
"my cousin is getting married in a few months kaya they hired someone to organize the wedding for them sakto na nagpasama sya sa akin kanina sa meeting and imagine how shock i was when I recognized kung sino ang makakameeting namin. She changed a lot. Very prim, classy far from the Piper that we know." masayang kwento nito. Samantalang sya naman ay nakatuon at seryosong nakikinig lang sa mga sinasabi nito.
"she looks happy and fine. Akala ko nga hindi nya ako makikilala eh but she did at nakapagkwentuhan din naman kami. She's a well known wedding organizer pala according to my cousin but what is intriguing is that wala daw itong boyfriend. Camille even showed me a mag where Piper had a small interview and she was asked if may boyfriend ito and Piper answered na wala and that her last boyfriend was way back in college. " seryosong pagkukwento ng kaibigan habang sya naman ay inaabsorb lahat ng sinasabi nito, pero ang mas tumatak sakanya ay ang huling sinabi nito na ang huling boyfriend ni Piper ay noong college pa at sigurado naman sya na sya ang tinutukoy nito.
But he's sure na 2years after they broke up at ang huling balita din nya dito ay may nobyo na ito. He's sure dahil the information came from Analeigh's ninong na isang detective.
Hindi kaya nagkamali lang ang ninong ni Ana sa sinabi nitong nagkaroon na ng ibang nobyo si Piper noon. Kung ganun bakit hindi pa ito nagkakaron ng ibang karelasyon? Dahil kung pagbabasehan ang mga sinasabi ni Matt ngayon Piper is already a successful woman.
"earth to Kiefer!!! Hello?" napabalik sya sa mga iniisip ng pumitik sa harap nya si Matt na may mapaglarong ngiti. Kaagad na kumunot ang noo nya.
"what the f*ck is that smile all about?"
"i have something more interesting to tell you."
"what?!" alam na kasi nya ang ngiting yan ng kaibigan it's either he is making fun of him or may alam ito na talaga namang gugustuhin nyang malaman.
Ilang segundo muna sya nito pinakatitigan at tila inaasar bago ipinagpatuloy ang sinasabi.
"na kaya raw hindi nagkaroon ng boyfriend si Piper all these years is because quote and unquote may hinihintay daw syang bumalik." tila bombang sumabog sakanya ang sinabi na iyon ng kaibigan.
"MAY HINIHINTAY DAW SYANG BUMALIK."
"MAY HINIHINTAY SYANG BUMALIK."
Biglang naguluhan ang isip at puso nya sa nalaman. Pinaglalaruan ba sila ng tadhana? He decided to give himself a chance to love again dahil ang alam nya ay may iba ng nagpapasaya sa dalaga, and then now he'll find out that after all these years she's waiting. Ayaw nyang mag-assume pero his gut is telling him na sya ang hinihintay nito.
"i know where she lives." biglang sabi ni Matt kaya napatingin sya dito at sa piraso ng papel na inabot nito sakanya bago tumayo.
Napatitig sya sa papel na inabot ni Matt kung saan nakasulat ang address ni Piper. He is battling with his mind kung pupuntahan nya ba o hindi ang dalaga.
Biglang umahon ang pagkamiss nya dito, biglang gusto nyang puntahan ito at yakapin. Biglang gusto nyang magalit kung bakit ngayon lang nya nalaman ang lahat ng sinabi ni Matt. Biglang gusto nyang mainis sa sarili kung bakit huminto sya sa pagsubaybay sa buhay nito.
Wala sa sarili syang lumabas ng bar matapos magiwan ng bayad at tila lutang na nagmaneho, ni hindi nya alam kung saan sya pupunta. Napatigil lang sya sa pagdradrive ng makitang nasa labas na sya ng subdivision na tinitirahan ni Piper.
Mapakla pa syang natawa dahil it is the same subdivison na pinagpatayuan nya ng bahay. He continued to go in hindi naman sya hinarang ng guard dahil may sticker na din ang sasakyan nya, he once again checked the address para makuha ang street at ang number ng bahay pero ganun nalang ang panlalaki ng mata nya at tila gusto nyang tumawa ng malakas ng makitang sa iisang street lang pala ang bahay nila.
Kinakabog ang dibdib nya habang nagmamaneho papunta sa bahay nito. Palinga linga sya at hinahanap ang numero ng bahay ng dalaga hanggang sa makita nya ito pero halos malagutan sya ng hininga ng marealize na katabing bahay pa pala nya ang dalaga.
"you've been such an idiot Kiefer!!! Andyan lang pala sya sa tabi mo ng hindi mo namamalayan!!!" gusto nyang iuntog ang sarili sa manibela dahil sa inis nanararamdaman.
Bumaba sya ng sasakyan at tinignan ang bahay ng dalaga, masasabi nyang naging maayos na nga ang buhay nito at aaminin nya sobrang saya nya sa nakikita nyang katayuan na nito sa buhay.
Madilim pa ang buong bahay maliban sa ilaw sa garahe kaya wala pa marahil ang dalaga. Pumasok syang muli sa sasakyan at pinark iyon sa tapat ng bahay nya saka bumaba at pumasok sa bahay nya. Ilaw lang sa sala ang binuksan nya bago nagmamadaling umakyat sa itaas at doon sya pumwesto sa may veranda ng kwarto. Doon nya na hihintayin at tatanawin ang dalaga.
Ilang minuto lang syang nakatayo at nagiisip doon ng may sasakyan ng pumarada sa tapat ng bahay ni Piper at mula don ay bumaba ang babaeng mahabang panahon na nyang hindi nakikita. Totoo ang sinabi ni Matt napakalaki ng pinagbago nito. At hindi nya napigilang malungkot na mapangiti.
"you changed a lot Pip, mukhang tama nga ang desisyon kong lumayo sayo noon." malungkot nyang saad. Babalik na sana sya sa loob ng bahay ng biglang bumukas ang veranda ni Piper kaagad syang nagkubli sa isang halaman at doon malaya nyang napagmasdan ang dalaga.
Nakita nya ang pagtingala nito sa langit, na parang may ibinubulong sa hangin. Maging ang pagpahid nito ng luha ay hindi nakaligtas sa pansin nya, tila gusto na nyang lundagin ang pagitan nila at yakapin ito ng mahigpit at sabihin dito na andito sya.
Ilang sandali pa ay pumasok na ito sa loob ng bahay habang sya ay naiwan na nakatitig pa din sa pwesto nito kanina.
Halo-halo ang nararamdaman nya ngayon. Hindi nya mapangalanan ang ibang damdamin na nagsusumigaw sa dibdib nya. Isa lang ang nasisiguro nya at iyon ang kusang lumabas sa bibig nya.
"i missed you Piper."
-
Salamat kay Matt...
Kalinawan.... Flashback po itong chapter na ito...
Marami-raming flashbacks pa ang susunod para mabigyang linaw ang mga bagay-bagay.PS wag na kayong masyadong magalit kay Kif. Biktima din sya mga beb!
PPS. Salamat sa pagtyatyaga mga beb!

BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romantika"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."