Siargao...
Kanina pa sya nakatulala sa harap ng mga sunflower na ibinigay ni Kiefer sakanya, simula pagkabata ay ito na talaga ang ppaborito nyang bulaklak pero wala namang dahilan para bigyan sya ng binata ng bulaklak wala itong sinabi kagabi pagkahatid sakanya ay madali din itong nagpaalam hindi na rin sya nagtanong pa. Eto tuloy sya ngayon kulang nalang ay matunaw na ang mga bulaklak na para bang sa pamamagitan noon ay makukuha nya ang sagot sa mga tanong.
Maaga sya nagising o mas tamang sabihin na hindi sya nakatulog magbyabyahe pa naman sya ngayon pa-Siargao pero kahit pa ganoon ay hindi sya dinadalaw ng antok. Dahil sa wala syang magawa bumangon nalang sya sa pagkakaupo at maghahanda ng almusal hapon pa naman ang byahe nya.
Nagluto sya ng fried rice, tocino at itlog saktong naghahain na sya ng magring ang doorbell nya. Wala syang inaasahang bisita ng ganoon ka kaaga kaya madali nyang tinungo ang pinto para pagbuksan kung sino man iyong kumakatok.
"Good morning lovely!" Isang nakangiting Kiefer ang bumungad sakanya na may hawak pang dalawang kape.
"Kief, good morning. What's up?" Tanong nya rito, tila wala naman narinig ang binata at nilampasan na sya para makapasok.
"Buti nalang pala kape lang dinala ko may paalmusal na pala dito. Good timing." Komento ng binata habang inaamoy amoy ang mga niluto nya.
"It's okay if I'll join you for breakfast, right?" ginamitan pa sya nito ng paawa look hindi na tuloy nya napigilang matawa.
"You invited yourself mister, ang sama ko naman masyado kung papalabasin pa kita eh mukhang komportable ka na dyan." Natatawa pa ding sagot nya dito na ngayon ay naguumpisa ng sumandok ng pagkain. Umiiling na naupo nalang din sya para magumpisa ng kumain.
"By the way, do you have plans for today Pip?" tanong ni Kiefer sa pagitan ng kanyang pagnguya.
"Yep, I'm flying to Siargao this afternoon pinapapunta ako ng mga kumupkop sa akin doon mukhang importante, so yeah." Tango lang naman ang sagot sakanya ng binata di nya alam pero nakaramdam sya ng konting pagkadismaya ng hindi na ito nagtanong pa ng kahit na anong detalye tuingkol sa pag-uwi nya doon ni hindi nito tinanong kung kailan sya babalik.
Matapos kumain ay si Kiefer na ang nagkusang magligpit ng pinagkainan saka ito nagpaalam dahil may aasikasuhin pa raw ito. Sya naman ay tumuloy na sa kwarto para magready na din sa pag-alis mamaya. Konti lang naman ang dadalhin nya kaya isang travel bag lang ang dadalhin nya.
3 hours before her flight ay umalis na sya ng bahay, iwas late lalo na at Sunday pa naman para kung traffic man ay di sya mag-aalalang mahuhuli. Nagbook na lamang sya ng Grab at di nya naiwasang mapasulyap sa kabilang bahay habang pasakay, napansin nyang wala doon ang sasakyan ng binata.
1 hour before her flight ay nasa airport na sya, medyo naipit din sila sa traffic at sakto lang para sakanya para makapahinga pa sya ng kkaunti bago sumakay ng eroplano.
Halos dalawang oras din ang itinagal ng byahe medyo nakakaramdam na sya ng antok buti nalang ay may magsusundo na sakanya papunta doon sa isla. Isang oras mahigit din ang byahe mula airport hanggang sa isla kasama na doon ang 15 minutes na pagsakay sa bangka. Iba talaga ang dalang kapayapaan ng simoy ng hangin dito sakanya. She felt home.
Isang matinis na boses ang narinig nya hindi pa man sya nakakababa ng tuluyan sa bangka. Ilang segundo lang ay may yumakap na sakanya.
"Hala bakla namiss ka namin, akala ko ay nakalimutan mo na kami." Masayang bati sakanya ni Celina isa sa mga naging matalik nyang kaibigan dito sa isla.
"Hindi mangyayari yun Celina, ano ka ba?" Masaya ding sagot nya dito.
"Naku Celina mamaya ka na magdrama hayaan mo na muna magpahinga si Piper." Napalingon nya ng marinig ang mahinhin na boses na iyon ng nanay-nanayan. Sinalubong nya ito kaagad ng yakap.
"Nay, kumusta po?"
"Ayos naman anak, halika kana doon na tayo sa bahay magkumustahan." Sabi nito at sabay na silang naglakad, si Celina naman na ang nagpresentang dalhin ang dala nya.
Busy ang kanyang tatay Lando sa pag-iihaw pagdating nila sa bahay.
"Tay Lando!!! Napakaspecial ko naman po ata at pinagiihaw mo pa ako?" Masiglang tawag nya dito, dali-dali naman nitong iniwanan ang ginagawa para salubungin sya kaagad syang yumakap dito.
"Naku, lalu ka atang gumanda iha. Iba talaga ang hangin ng Maynila." Puri nito sakanya habang sinisipat ang kabuuan nya.
"Kaya nga po sabi ko kay inay ay payagan na akong magpa-Maynila eh, nakakaganda raw talaga ang hangin doon." Narinig nilang singit ni Celina na sya namang ikinatawa nya.
"Sige at iparinig mo iyan sa iyong ina kung hindi katakot takot na singhal ang abutin mo doon." Sagot naman dito ng kanyang tatay-tatayan, napasimangot tuloy ang kaibigan.
"Bakit nyo po pala ako pinauwi ng biglaan nay Ruth?" Baling nya sa ginang, hindi nakaligtas sakanya ang pagpapalitan ng tingin ng mga ito.
"Mamaya ko na ipapaliwanag saiyo anak, magpahinga kana muna at alam naming pagod ka gigisingin nalang kita mamaya para sa kainan." Sagot nito na sinangayunan naman ng asawa, napatango nalang sya.
Sinamahan sya nito sa kwarto kung saan sya natutulog noon, ganoon pa din ang ayos nito napalitan lang ng sapin ang kama at ang kurtina. Umagaw sa pansin nya ang flower vase na nakapatong sa bedside table, meron doong tatlong pirasong sunflower na halatang kalalagay lang pinagkibit balikat na lamang iyon at humiga na. Aminin man nya o hindi ay inaantok na talaga sya dahil na din sa wala syang tulog at dahil din sa layo ng byahe.
Hindi nya namalayan kung anong oras sya nakatulog pero nagising sya sa masuyong hampas ng hangin sakanyang mukha at napagtanto nyang gabi na pala. Bukas ang bintana ng kwarto kaya naririnig nya ang tawanan sa labas, mukhang nagkakasayahan na ang mga tao. Bumangon na sya at inayos ang sarili. Naghilamos at nagpalit lang sya ng damit bago lumabas ng kwarto. Walang tao sa loob ng bahay, simple lang ang bahay ng mga ito kung titignan pero masasabi nyang isa iyong modernong bahay na nakatayo sa isla. Maituturing kasi na may kaya ang mag-asawa sadyang simple lang talaga ang pamumuhay ng mga ito.
Dumeretso sya sa labas para sumama sa kasiyahan, rinig nya ang malakas na boses ni Celina na tila may pinipilit na kumanta.
Paglabas nya ay napansin nyang may pinagkukumpulan nga ang mga ito, narinig na din nya na nag-uumpisa na ng magstrum kung sino man iyong nauto ng mga ito na kumanta.
Ganun nalang ang kalabog ng dibdib nya ng mag-umpisa na itong kumanta at mabosesan nya ito. Sa tinagal tagal ng pagkakakilala nya dito ay hindi sya pwedeng magkamali na ito nga ang kumakanta ngayon pero gusto pa din nyang makasiguro kaya naman ay sinilip nya ito sa pagitan ng mga tao.
Ohh girl please stay right here in my life you're perfect no lies
You're my angel in disguise i just want you to...
Stay with me the whole time i don't want you to go oh i want you to
Know that i love you so...
"Kiefer?" tawag nya dito, mahina lang iyon pero sapat na para marinig ng mga tao sa unahan nya, tumabi naman ang mga ito pagkakita sakanya hanggang sa makita na nya ng maayos ang lalaking kumakanta at nagigitara. Sakto din naman na napagawi ang tingin nito sa pwesto nya, ngumiti ito ng malawak sakanya sabay hinto sa ginagawa at tumayo.
"Good evening Piper."
***
Ayan na... Bakit kaya nasa Siargao si Kiefer? May meaning yung sunflower...
Anyway, salamat guys sa patuloy na pagbabasa. XOXO
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."