8

559 59 19
                                    

Unexpectedly...

"wag mo akong masyadong mamimiss Cheska, i'll check on you often." nakangiting biro ni Gian sa dalaga, ngayon na kasi ang uwi ng binata sa Manila. Mahina naman syang hinampas ni Cheska saka natawa.

"wag kang feeler masyado Felix. Hindi na ako bata para icheck mo lagi."

"haha alam ko, pero baka di mo kayanin ang sobrang lungkot na wala ako at maisipan mong magpalunod nalang sa dagat. Wag mong gagawin yun." malakas na syang napa halakhak dito, iba rin talaga ang taglay na kahanginan ng kaibigan. Napapailing nalang sya.

"sige na umalis kana baka malate ka sa flight mo. Shoo!"

"aww grabe sya, pagkatapos ng lahat lahat itataboy mo lang ako na parang aso. Sinasaktan mo ako Cheska." hinawakan pa nito ang dibdib na para talagang nasasaktan.

Hindi na sya sumagot at yinakap nalang ito, mukha namang nagulat pa ang lalaki dahil napaatras pa ito pero yumakap din naman pabalik.

"seriously, i'll call you often. Be good and enjoy your remaining days here." hinalikan pa sya nito sa tuktok ng ulo bago sya pakawalan. Nakangiting tumango naman sya dito.

She watched as Gian walks towards the car that would bring him to the airport. Aminin man ng dalaga o hindi alam nya sa sarili nya na mamimiss nya ang presensya nito, pero kailangan na nitong bumalik dahil may mga aasikasuhin na ito sa kumpanya. The days na kasama nya ito ay talaga namang nakatulong sakanya para kahit papano ay makalimutan ang inindang sakit sa damdamin. Kahit kasi na alam naman nyang pareho sila ng pinagdadaanan nito, Gian has a different way of coping up with the pain mas gusto nito ang nageenjoy, tumatawa kaya kung hindi mo alam hindi mo talaga mahahalata na may masakit din itong pinagdadaanan.

She's just praying that things would turn out well for the both of them, na sana sa susunod nilang pagkikita ay pareho na silang nakamove on kahit papano. Yung pareho na silang masaya, na at the end of the day pagkatapos nilang tumawa at nakabalik na sila sa kwarto at magisa hindi na nila mararamdaman yung lungkot na pilit nilang nilalabanan.

Piper spent the rest of the day inside her room, extra ang init ngayong araw kaya naman wala syang maisip na pwedeng magawa kung lalabas man sya. Nagcheck nalang sya ng email at sinagot ang mga dapat sagutin.

Pagkatapos nun ay nagorder nalang sya ng lunch para at doon na sa kwarto kumain, saka ipinagpatuloy ang trabaho. Hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya.

Nagising sya sa tunog ng cellphone nya, madilim na pala napahaba ang tulog nya. Sinagot nya ang tawag at bumungad sakanya ang tila aligagang boses ni Simeona.

"Girl, i think you need to go home now." bigla naman syang nakaramdam ng kaba sa tono kasi ng boses ng kaibigan ay parang may masamang nangyari.

"why? may nangyari ba?"

Ilang segundo munang natahimik sa kabilang linya bago ito dahan dahan na sumagot.

"yung isang wedding na inaayos nyo hindi na matutuloy." kumunot agad ang noo nya, walang nabanggit si Andrea tungkol dito sa mga email nya kaninang umaga.

"what are you talking about Simeona? At bakit ikaw ang tumatawag sa akin? Supposedly mga tauhan ko ang nagiinform sakin nito."

"girl, kasi yung kasal na hindi matutuloy is yung kasal ni Kiefer." kumalabog ang puso nya sa sinabi nito. Naguguluhan na sya lalo.

"what are you talking about Simeona? Bagong gising ako so this is not a good time to pull a prank on me."

"hindi na pwedeng matuloy ang kasal, the future wife is dead. Under coma is Kiefer. Naaksidente sila kahapon. Ngayon ko lang nalaman kasi naibalita sa tv kaya pumunta agad ako sa hospital."

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon