5 years later...
"what's up Piper? Nag-aya kang kumain pero ni hindi mo naman nagalaw yung pagkain mo." Simeona her closest friend scolded her, kanina pa kasi ito salita ng salita pero mukhang wala naman dito ang atensyon ng kasama.
"i just remembered something friend, i'm sorry."
"whatever! Sya nanaman ba ang naisip mo? Girl guess what? Halos 5 years na mula ng mangyari yun, at halos 5years ka na ding ganyan everytime na maalala mo sya. Just forget about him dahil mukhang nakalimutan kana din naman nya." napatitig si Piper sa sinabi ng kaibigan madalas harsh lang talaga ito magsalita na di naiisip kung masasaktan ba sya basta mapagsabihan sya. Exactly what she needs most of the time.
She is Piper Evangeline Bautista one of the country's best wedding organizers. She has everything, beauty, fame, talent pero may kulang padin sakanya; sa loob ng limang taon pinagsikapan nyang ayusin ang sarili. Punagtuunan nya ng pansin ang kanyang mga pangarap, minahal ang sarili katulad ng hiniling sakanya ng taong isa sa may pinakamalaking parte sa buhay nya.
Limang taon na ang lumipas, maayos na sya pero wala na ata itong balak na balikan pa sya.
"nakalimutan ko na sya, tsaka hindi naman sya ang naisip ko. Assuming ka friend." she tried to reason out to her friend tumawa pa ito pagkatapos but Simeona knew better, hindi na lamang ito nagsalita pa.
They have been friends for a long time now, ito ang nakasama nya ng naguumpisa syang iayos ang kanyang buhay. Simeona has been not just a friend but a family to her as well pagsasabihan sya nito hanggang sa matauhan sya kung kinakailangan. Isa ito sa mga katuwang nya sa pag abot ng kung anong meron sya ngayon.
"friend, i'm really sorry. Nawala na din ako sa mood. Labas nalang tayo ulit sa saturday. Let's go malling. Bawi ako sayo, gusto ko ng magpahinga eh." paghingi ng dispensa ni Piper sa kaibigan pagkatapos ng ilang sandali, alam kasi nito na magtatampo nanaman sakanya ang kaibigan.
"kailangan mong bumawi Piper Evangeline. Sige uwi na tayo para makapagpahinga ka na din, alam ko naman na nagpapakadalubhasa ka nanaman sa trabaho mo eh."
Sabay ng lumabas ang dalawa papunta sa kanya kanya nilang mga sasakyan.
"good night friend. Drive safely."
"g'night friend. take care arayt? See you on sat." nakangiti pero halatang nag-aalalang paalam ni Simeona sa kaibigan.
Hindi na gaanong traffic sa daan dahil past 9pm na din ng gabi kaya mabilis ng nakauwi si Piper sakanyang bahay. Agad na nagayos sya ng sarili saka lumabas ng veranda para lumanghap ng hangin the thought of the past can still affect her system as if it all just happened yesterday.
Pinaglakbay nya ang kanyang isip sa mga ala-ala nila ng taong yun. Yung taong walang ibang ginawa kundi mahalin at pahalagahan sya sa kabila ng kanyang mga issues sa buhay noon. Yung taong limang taon na nyang hinihintay na bumalik, pero mukhang nakalimutan na sya. Napatingala pa sya sa langit at mapait na napangiti ng makitang napakaganda ng buwan ng gabing iyon.
"Whenever you miss me, look at the moon at isipin mo na hindi mo man ako kasama sa mga oras na yun nasa malapit lang ako lagi nakatanaw din sa parehong buwan na tinatanaw mo. Hindi ka magiisa Piper, lagi lang akong nandito sa malapit kapag kailanganin moko. "
Those were his words, his sweet words na punong puno ng pangako, words that could surprisingly calm her doubtful heart. Pero ni minsan ay hindi nya naparamdam sa lalaki dahil sa bawat paglapit nito ay sya naman ang lalayo.
"nasan ka na kaya ngayon? naalala mo pa kaya ako? Balik kana, miss na miss na kita."
Hindi namalayan ni Piper na may tumulo ng luha mula sakanya mga mata. Katulad ng dati, sa tuwing magisa sya, sa tuwing maalala nya ito maluluha nalang sya at mapupuno ang puso ng pagsisisi.
Agad na nyang pinalis ang kanyang mga luha at bumuntong hininga bago pumasok na sa loob ng kwarto para magpahinga.
Lingid sakanyang kaalaman ay may isang aninong nakatanaw sakanya mula sa katabing bahay.
"I missed you Piper."
-
Hello! Medyo mabigat para sa unang chapter kaya ito na po muna.
Thank you!
<3
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."