3

725 63 10
                                    

Hello, Again...

Nakakunot na ang noo ni Piper habang binubuno ang tila walang katapusang trapik ng BGC kung hindi pa ito uusad ay siguradong malelate na sya sakanyang dinner meeting.

"Andrea, good evening. Can you please send me Mr Guzman's contact number?" tinawagan na nya ang sekretarya dahil alanganin na sya kung makakarating sya ng tama sa oras. Kung bakit kasi namiscalculate nya ang travelling time nya.

"on it Miss Piper." ibinaba na nya kaagad ang tawag at ilang segundo lang natanggap na nya ang text nito.

Kaagad nyang tinawagan ang number na sinend nito, naka apat na ring muna bago may sumagot sa kabilang linya.

"ahh, hello good evening Mr Guzman this is Piper Bautista of Sweet Events."

"yes miss bautista?"

"ah sir i would just like to apologize beforehand kung malelate ako ng konti. I am still in the middle of the traffic pero nasa around BGC na din naman ako sir." ilang segundo munang natahimik bago sumagot ang kausap.

"no problem miss, no need to hassle i'm sure my boss can wait for you for a little while."

"thank you Mr Guzman." ibinaba na nya ang tawag at nagfocus nalang sa pagmamaneho.

Napabuntong hininga ang dalaga ng sa wakas ay umusad na ang mga sasakyan sakanyang harapan. Natatanaw na nya ang L'Opera, ang kanyang sekretaryang si Andrea ang pumili ng lugar na ito.

Kanina habang binabasa nya ang profile na binigay nito tungkol sa kliyenteng imemeet nya ngayon ay nacurious sya dahil sa limitado lang ang mga detalyeng nakasulat doon, ni hindi nga nakalagay doon ang pangalan ng bride. Pero kahit na ganun ay pumayag padin sya na tanggapin ito dahil sa legit naman ang mga information na binigay nito.

Napangiti si Piper ng makapasok na sya sa parking ng kainan. Inayos nya ng kaunti ang sarili bago bumaba, baka kasi mukha na syang haggard dahil sa sobrang trapik na binuno nya.

Taas noo syang bumaba ng sasakyan at naglakad papasok ng restaurant. Kaagad naman syang sinalubong ng isang waiter.

"Buonasera signorina, any resarvation ma'am?" nginitian naman ito ng dalaga.

"yes, table for Mr Efren Guzman."

"this way ma'am" magalang at nakangiti syang inassist nito papunta sakanyang table.

Nakatalikod ang lalaking nakaupo doon, broad shoulders mukha nga talagang bigtime itong magiging kliyente nya nangingiting isip ng dalaga. Ng malapit na ay nagpaalam na ang waiter sakanya kaya sya nalang ang nagpatuloy sa paglalakad. Ihinanda na nya ang pinakamagandang ngiti bago tawagin ang pansin ng binatang nakayuko ngayon sakanyang cellphone kaya di nya makita ang mukha.

Tumikhim muna sya ng mahina bago nagsalita, "ahh, Mr Guzman? I'm really sorry I'm late." literal na napanganga ang dalaga ng mag angat ng mukha ang lalaki. Tila kinapos sya ng hangin habang di makapaniwalang nakatingin sa mukha ng kaharap.

"Ki---Kiefer?" gusto nyang kurutin ang sarili para masigurong hindi sya nananaginip lang.

"Hi, Miss Bautista. Sorry but it's Mr Alonzo and not Guzman." nakangiting tumayo ang binata at naglahad ng kamay na alanganin naman nyang tinanggap.

"long time no see Piper." he even bent down to kiss her cheeks na ikinakapos lalo ng hininga ng dalaga.

"pa---paano? Ikaw yung kliyente ko?"

"have a seat first Piper before I answer your questions." natatawang pinaghila pa sya nito ng upuan bago muling naupo.

"so?" Kiefer looked at her for a moment before he answered.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon