Felix...
Days went by so slowly pakiramdam ni Simeona ay ilang buwan ang lumipas bago dumating ang araw na usapan nila ng nobyo. Hindi na din kasi ito tumawag o nagmessage sakanya matapos ang text nito tungkol sa dinner nila ngayong araw. Hindi na nga din sya sigurado kung tuloy pa ba sila pero napagdesisyunan pa din nyang magayos at maghintay, 7pm ang usapan nilang susunduin sya nito pero quarter to seven palang ay ready na sya. Nararamdaman na nyang namamawis ang mga palad, kakaiba din ang kaba nya ng mga oras na iyon parang gusto nalang nyang tawagan ang nobyo at sabihing wag na silang tumuloy sa hindi maipaliwanag na dahilan natatakot sya.
Napapitlag pa sya ng marinig ang busina ng kotse sa labas kasunod ng doorbell sa gate. Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago nagtungo sa may pinto para pagbuksan ang nobyo.
Pagkabukas nya ng pinto ay bumungad na sakanya ang gwapong mukha ni Gian, kaagad na syang lumundag at yumakap dito. Mukha namang hindi nito inasahan ang kanyang ginawa dahil medyo nagalangan pa ito at natigilan bago sya yinakap pabalik.
"i missed you love." malambing na bulong nito sa tenga nya saka hinalikan ang balikat nya. Tila hinaplos naman ang puso nya sa pagkakasabi nito sa mga salitang iyon.
"bakit ba kasi hindi ka nagparamdam ng ilang araw love? Ano bang nangyari? Okay ka lang ba?" sunod-sunod na tanong nya habang pinasadahan ito ng tingin. Ngiti at haplos sa mukha lang ang sagot nito bago inilahad ang kamay sakanya na kaagad naman nyang inabot pero hindi sya umalis sa pagkakatayo at pinakatitigan lang ang binata na bahagya namang natawa.
"later love, i'll explain everything." mahina at seryoso nitong sagot, kaya kahit na gusto pa nyang magmatigas ay tumango nalang sya.
Buong byahe ay hawak nito ang kamay nya at manakanakang ginagawaran ng halik, panay din ang sulyap nito sakanya.
Pagdating nila sa restaurant ay hindi muna sila bumaba dahil kinabig pa sya nito para mayakap.
"i love you Piper. I love you so much." masaya sya na naririnig iyon mula kay Gian pero may kakaibang kaba ang sumisibol sa dibdib nya dahil sa kinikilos ng nobyo. Pinagbuksan sya nito ng pinto at inalalayang makababa. Sinalubong naman sila ng isang waiter pagkapasok at inakay sila papunta sa nakareserve na table para sakanilang dalawa. Kaagad na kumunot ang noo nya ng makitang tatlo ang platong nakahanda sa table nila kaya nagtatanong ang mga matang bumaling sya kay Gian na inalalayan na syang makaupo.
"my cousin will join us tonight, i'd like you to meet him. Sya ang pinakamalapit sa akin." gustuhin man magtanong hindi nalang sya kumibo, akala nya magpapaliwanag ito sa ilang araw na nawala ito pero bakit kasama nila ang pinsan nito na magdidinner? Hindi naman sa ayaw nya pero ang akala kasi nya ay silang dalawa lang.
Ilang minuto lang mula ng dumating sila ng biglang tumayo si Gian sa kinauupuan nito at may sinalubong sa likuran nya. Kaagad din syang tumayo dahil baka ito na ang pinsan nito para lang matigilan ng pagharap nya ay ang mukha ng lalaking unang minahal ang bumungad sakanya. Si Kiefer. Sya ang pinsan ni Gian? Paano?
-----
He woke up peacefully, kahit pa ilang oras lang ang tulog nya dahil sa jetlag sapat na iyon para magising syang good mood. Tinatamad pa sana syang g bumangon pero naalala nyang may mga kailangan pa pala syang ayusin at may usapan din sila ng pinsan kaya hindu sya pwedeng sumpungin ng katamaran ngayon.
Bumaba sya para mabungaran ang mommy nya na busy sa kusina. Dahan dahan syang naglakad at yinakap ito mula sa likod, ang lakas ng tawa nya ng tumili ng malakas ang mommy nya.
"por dios ka Kiefer!!!! Papatayin mo ba ako sa gulat?!!!" pilit sya nitong inabot para mahampas pero mabilis syang nakalayo para makailag.
"you're too serious mom. Hahahaha" sabi nya dito habang tumatawa. Lalo pa syang natawa ng inirapan sya nito.
"nagrequest ang daddy mo na ipagluto ko daw sya kaya eto." bumalik na ito sa ginagawa samantalang sya ay napapangiti nalang.
"too sweet." pahabol na sabi nya bago nagmamadaling lumabas sa kusina dahil siguradong hindi nanaman sya titigilan ng nanay nya kung hindi sya kaagad nakaalis.
Hindi mawala ang ngiti nya habang pabalik sya ng kwarto, he may be unlucky with his own lovestory but his parents have the best one.
Sumagot lang sya ng ilang email bago naghanda na para makipagkita sa kaibigan. Muli nyang binasa ang message nito kung saan sila magkikita, ilang beses din nyang sinubukang magbigay ito ng clue kung ano ang pagusapan nila pero wala syang nakukuhang sagot.
Saktong alas syete palabas na sya ng bahay nila at nagpaalam lang sya sa mga magulang, alam kasi nyang maoo-a nanaman ang mommy nya kapag hindi sya nagsabi. Simula ng makarecover sya sa coma naging mas oa ang mommy nya sa pagiging maaalalahanin.
Habang nasa byahe ay napapaisip sya kung ano ba ang paguusapan nila ng pinsan at ganun nalang nito sinigurado na pupunta sya. Ilang beses sya nitong minessage para ipaalala ang usapan nila ngayong gabi.
Medyo na trapik pa sya kaya naman medyo nahuli ata sya ng ilang minuto pero sabi naman ng waiter na sumalubong sakanya ay kadarating lang din ng pinsan nya kasama ang isang babae. Mukhang magpapakasal na nga yata ang mokong, napapangising sabi nya sa sarili.
Hinatid sya ng waiter sa table ng pinsan nya, kaagad naman itong tumayo ng makita sya at tama nga ang waiter may kasama itong babae pero nakatalikod ito kaya hindi nya agad nakita ang mukha pero biglang kumabog ang dibdib nya ng tumayo ang babae ni hindi na nya natanggal ang pagkakatingin dito at tila huminto ang oras nya ng humarap ito. Piper. Girlfriend ni Gian si Piper??? Mukhang nagulat din ang dalaga na makita sya doon base na din sa reaksyon nito.
Kaagad na lumipat ang tingin nya kay Gian na tapikin sya nito.
"good to see you again bro. How's Germany?"
"ahh yes, its good." tipid nyang sagot.
Nagpatiuna naman na si Gian na bumalik sa table kaya napasunod na din sya.
"so i don't think I still need to introduce you guys with each other. Right?" baling nito sakanilang dalawa. Nakita nyang tumango si Piper, kaya sya ang sumagot.
"yeah, no need." hindi na nya mapigilan ang sarili kaya hinarap nya si Gian.
"you said you have something to discuss with me Felix?" medyo seryoso ang boses nya. Napatingin naman si Piper sakanya.
"umorder muna tayo." parang wala lang na pagiiba ni Gian sa usapan saka tinawag ang waiter para kunin ang order nila. Pagkaalis ng waiter ay muli nyang hinarap ang pinsan.
"Gian Felix?"
"Gian?"
Napatingin sya kay Piper dahil nagkasabay pa sila sa pagtawag dito. Mapait naman na napangiti sakanila si Gian.
"i have a lot of things to say tonight. That i don't know where to start." kumunot ang noo nya, wala syang ideya kung saan papunta ang sinasabi ng pinsan.
"but i think i should start everything by saying sorry."
"love?" narinig nyang mahinang tawag ni Piper sa pinsan nya na ngayon ay nakayuko na.
"i'm so sorry."
-
Two updates today... Sino ba talaga si Gian Felix???
😘😘😘

BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."