20

483 68 12
                                    

Truth...

Plano sana ni Piper na pumasyal sa mga bata sa ampunan nang makatanggap sya ng tawag mula kay Kiefer na nagyayayang magdinner sa labas, tatanggihan sana nya ito pero nagpulit ang binata at sinabing may gusto din itong sabihin sakanya.

Kaya naman kanina pa sya nakabihis at hinihintay ang pagdating ng binata para sunduin sya, hindi pa naman din nakikisama ang puso nya ngayon dahil sa hindi nya maipaliwanag na dahilan ay mayroong kakaibang pintig ngayon na tila mas lumalakas habang mamalapit ang oras ng pagkikita nila ni Kiefer.

Napapitlag sya ng marinig ang pamilyar na busina ng sasakyan sa labas kaya naman kaagad nyang kinuha ang bag at nagtungo para pagbuksan ang binata. Seryoso at mukhang malalim ang iniisip na Kiefer ang napagbuksan nya ng pinto, tipid lamang itong ngumiti sakanya bago sya halikan nito sa pisngi. Walang sali-salita sya nitong inalalayan makasakay at wala ding sabi-sabi na pinaandar na nito ang sasakyan.

Tahimik lang sila buong byahe, pasimple nya itong sinusulyapan at makikita talaga sa mukha nito na tila may malalim itong iniisip. Pamilyar sakanya ang daang tinatahak nila kaya naman hindi na nya napigilan ang sarili tanungin ito kung saan sila pupunta.

"ah, Kief where are we going?" pagbasag nya sa nakakabinging katahimikan sa pagitan nila.

"sa bahay." tipid lang nitong sagot na hindi man lang sya tinapunan ng tingin kaya naman hindi nalang din sya nagsalita pang muli hanggang makarating sila sa mansyon ng mga ito.

Pinagbuksan parin naman sya nito ng pinto at inalalayan hanggang makapasok sila kung saan sinalubong sila ng isang kasambahay at dinala sila sa garden ng mga ito kung saan nakaset-up ang isang mesa. Nakita nya roon ang mga magulang ng binata na nang makita silang dumating ay kaagad na nagtungo para salubungin sila.

"Piper iha, kumusta?" yinakap sya ng mommy nito at nakipagbeso naman sakanya ang daddy ng binata.

"good evening tito, tita. Okay lang naman po ako. Kayo po?" magalang nyang tanong sa mga ito na hindi na nagawang sagutin ng magasawa dahil nagsalita na si Kiefer.

"we should continue the talk over dinner, baka nagugutom na si Piper mom." napaangat sya ng tingin dito pero katulad kanina ay hindi man lang sya nito sinulyapan. Tumango naman ang mag-asawa saka nauna ng nagtungo sa hapag kainan.

Maraming nakahain na pagkain puro mga paborito ni Kiefer at kung hindi lang sya hindi mapakali sa mga oras na iyon ay nasisiguro nyang maeenjoy nya ang pagkain lalo na at ang huling kain palang nya ay kaninang pagkagising nya.

Tahimik silang nagumpisang kumain, tila nagpapakiramdaman, tila hinihintay ang isa't isa kung sino ang unang magsasalita, nakakaninging katahimikan. Katahimikan na binasag ni Kiefer ng tumikhim ito.

"are you enjoying the food Pip?" tanong nito sakanya pero imbes na sumagot ay tango lang ang nagawa nya.

"what's with this dinner iho? ang akala namin ay masama ang pakiramdam mo?" sabi naman ng mommy nito kaya dito naman bumaling ng tingin si Kiefer at ngumiti.

"this is a celebratory dinner mom." nagtataka syang napatingin sa binata at ganun din ang mga magulang nito.

"celebratory dinner? for what?" tanong ng daddy nito. Ilang segundo muna bago sumagot si Kiefer.

"celebration dahil finally nakakaalala na ako." seryosong saad ni Kiefer kaya naman hindi malaman ni Piper kung paano magrereact sa sinabi ng binata, pakiramdam nya ay namutla sya at awtomatikong napagawi ang tingin sa mga magulang ng binata na hindi rin maipinta ang mga mukha lalo na ang mommy nito.

"are you sure iho? kelan pa?" tanong ng ginang sa anak.

"yesterday. I woke up from a dream, then bumalik sakin lahat, lahat ng nangyari bago yung aksidente. Lahat."

"Lahat." buong diin nitong sabi. Kaya napahinto sa kinakain si Piper na napayuko nalang.

"S-son..."

"bakit ganyang ang tingin nyo sa akin? Shouldn't you be happy at finally my memories are back?" tanong nito at pinaglipat lipat pa ang tingin sa mga magulang at kay Piper.

"o-of c-course we are happy son. this is great news." daddy ng binata ang sumagot dito.

"Pip?" baling na tanong sa dalaga na noon palang nagangat ng mukha pero hindi makatingin ng deretso kay Kiefer.

"i-i a-am happy for you Kief." nagulat sya ng bigla nitong ibagsak ang tinidor na hawak.

"really? but do you look so pale? huh? Pip?" hindi na maitago ang hinanakit sa boses nito kaya napayuko nalang ulit si Piper.

"is it fun? ang sakyan ang maling akala ko?"

"did you enjoy acting like everything was right kahit hindi naman?" sumbat nito sa dalaga.

"Iho, i's not Piper's fault. It is mine." sa wakas nagawa ng magsalita ng mommy ng binata.

"but can you blame me? Natakot ako na hindi mo kayanin kapag nalaman mong nawala si Ana, you were unconscious for so long akala ko hindi kana babalik sa amin." mangiyak ngiyak na paliwanag ng ginang sa anak na blankong nakatingin dito.

"kaya nang magising ka at si Piper ang hinanap mo, nung sinabi mong tawagan ko ang girlfriend mo at pangalan ni Piper ang binanggit mo inayunan ko na, namin ng daddy mo."

"but why?" sumbat na tanong nito sa ina.

"because I was so afraid na hindi mo makayanan ang sobrang sakit kapag nalaman mo kung ano ang totoo, kinausap ko si Piper. Nakiusap ako sakanya na sangayunan nalang muna ang maling alaala mo."

Pagak na tumawa ang binata, at padabog na tumayo.

"I am trying to understand. Believe me mom, I am trying." sabi nito bago tuluyang umalis at nagtungo sa loob ng bahay.

Wala sa sariling napatayo na din si Piper at napasunod sa binata, kailangan din nyang magpaliwanag dito. Di bale ng magalit ito basta marinig lang nito ang side nya. Narinig nya ang pagtawag sakanya ng mommy ni Kiefer pero hindi nya ito pinakinggan.

Ilang segundo syang nakatayo sa labas ng pinto ng kwarto ni Kiefer tila nawala ang lakas ng loob na meron sya kanina, ilang buntong hininga muna ang pinawalan nya bago kumatok at dahan dahang binuksan ang pinto. Kaaagad naman nyang natunton kung nasaan ito dahil nakabukas ang pinto ng veranda. Buong ingat syang naglakad at huminto lang ng makita ang nakatingalang si Kiefer.

"i am sorry Kief." mahina nyang sabi pero siguradong narinig iyon ng binata dahil umayos ito ng tayo at tumanaw nalang sa malayo.

"ilang buwan kang walang malay, akala namin tuluyan ka ng mawawala." paguumpisa ng dalaga.

"sana nga tuluyan nalang akong nawala." napapikit ng mariin ang dalaga sa tinurang iyon ni Kiefer.

"i was so ready of finally letting you go, natanggap ko na sa sarili ko na wala na talaga but fate has other plans." pinipigilan nya ang mapaiyak, dahil kapag umiyak sya hindi nya masasabi lahat ng gusto nyang sabihin.

"noong tulog ka, sabi ko handa naman na akong pakawalan ka eh pero hindi sa ganong paraan. Hindi mo deserve yun, kaya ng magising ka at sabi ni tita na ako ang hinanap mo noong una tumanggi ako sa gusto nya pero sa tuwing naalala ko yung ilang buwan na wala kang malay, kung ilang tubo ang nakakonekta sa katawan mo Kief. Pumayag na ako." nakatanaw pa din sa malayo si Kiefer.

"kasi sh*t kung iyong pagsisinungaling nalang na yun ang magagawa ko para magkaron ako ng silbi sa buhay mo gagawin ko na. Kahit ang lakas makatanga, kahit mali, kahit alam ko na pwedeng magalit ka hinayaan ko nalang dahil sabi ko sa sarili ko huli naman na eh."

"ngayong naalala mo na lahat, tapos na ang parte ko sa buhay mo. I am sorry kung nagsinungaling kami sayo. Sana maintindihan mo rin kung bakit kinailangan namin gawin yon." pagtatapos nya pero ng wala padin syang nakuhang sagot mula dito ay humakbang na sya palapit at kinuha ang kamay ng binata.

"get well soon Kief. Goodbye." hindi na nya ito hinintay na sumagot, lumabas na sya ng kwarto nito. Tapos na ang papel nya.









-
Panibagong simula nanaman. Brace yourself guys.....

Kiefer. Piper. Gian.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon