2 months after...
"How is he tita?" nagaalalang tanong ni Piper sa mommy ni Kiefer, nandito sila ngayon sa ICU nakamasid sa natutulog na Kiefer, "he's been asleep for two months now, wala pa din po bang development?" malungkot syang tinignan nito bago sumagot.
"nagrerespond naman daw ang katawan nya sa medication hindi palang talaga sya nagigising." hinaplos nya ang likod nito at nakikisimpatyang tinignan ito.
"babalik pa kaya sa akin ang anak ko Piper?" maging sya ay nalulungkot sa hindi pa din pag gising ng dating kasintahan. Naging parte na nga ng ara-araw na buhay nya ang pagcheck dito, halos lagi din syang dumadalaw sa hopital.
"trust him tita, let's not give up on him. Kiefer is a fighter alam kong hindi nya tayo bibiguin." pagpapalakas nya ng loob dito.
Ilang sandali pa ay nagpaalam na sya na dito, may dinner kasi silang dalawa ni Gian, they've become closer nitong mga nakaraang buwan na mas nakilala nila ang isa't isa. She now consider him as her male bestfriend, madalas silang lumabas pupunta kung saan saan lang during weekends. They share stories and they help destress each other.
Ngayon nga ay panay na ang text nito, at isa ito sa madalas nyang ireklamo sa binata Gian loves playing around. Alam na alam nito na ayaw nyang tinatadtaran sya ng messages kaya yun ang ginagawa ng binata lalo na sa tuwing magkikita sila.
Sakto sa oras ang pagdating nya sa restaurant na napagusapan nila, the staff immediately assisted her towards their table at as usual andon na at naghihintay si Gian sakanya.
Agad namang itong tumayo pagkakita sakanya, napansin din nya ang pagsulyap dito ng ilang kababaihang nakaupo sa kabilang table.
"good evening beautiful." hinalikan sya nito sa pisngi bago sya pinaghila ng upuan.
"hi, kanina ka pa?" tanong nya dito ng maupo na ito sa harap nya, sumimangot naman ang lalaki sakanya na ikinatawa nya.
"why? Bakit ganyan ang mukha mo?" umismid muna ito sakanya bago sya sagutin.
"Cheska, i called you beautiful. You should've atleast called me cute." inirapan pa sya nito na tinawanan at inilingan lang nya.
"sorry, akala ko kasi hindi mo na kailan pa ng compliment, i mean." inilapit pa nya ng bahagya ang mukha nya dito para bumulong, "i thought those girls swooning over you are enough for you as a compliment."
Natawa lang si Gian sa sinabi nya na sumenyas na sa waiter, saka sya tinitigan nito ng seryoso kaya nailang sya bigla dito.
"i don't care about them Cheska, all I care about is you." naginit bigla ang mukha nya sa sinabi nito, napaiwas sya ng tingin sa binata dahil nailang sya sa paraan nito ng pagtitig sakanya.
"Tse! Bolero!" sinubukan nyang pagaanin ang naguumpisa ng bumigat na atmosphere sa pagitan nila pero hindi iyon pinatulan ni Gian, sa halip ay pinagkrus pa nito ang mga braso habang nakatitig pa din sakanya.
Nakahinga nalang sya ng maluwang ng lumapit na ang waiter at kunin ang order nila, hinayaan na nya si Gian na umorder dahil alam naman na nito kung anong gusto nya.
"bakit pala bigla kang nagayang magdinner? Magkasama lang tayo kaninang lunch ah." sinubukan nyang ibaling sa iba ang usapan nila para maging at ease na ulit ang paghinga nya.
"wala ka namang kasamang kakain di ba?" tumingin ito sakanya bago nagpatuloy, "or meron ba?"
"wala, magtetake out na nga lang sana ako eh buti nagsabi ka."
"and may gusto din kasi akong sabihin sayo." nagtatakang tingin lang ang sinagot nya dito, sakto namang dating ng waiter na dala na ang mga order nila. Nagkibit balikat lang si Gian at ngumiti sakanya.

BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."