She's Back...
"Nice to see you again, Piper. Long time no see." Kulang nalang ay mapunit na ang mga labi nya sa pagkakangiti lalo na sa nakikita nyang pagkagulat ngayon sa mata ng dalaga. Masaya sya, masayang masaya na nasa harap na nya ngayon ang babeng kalian man ay hindi nawala sa puso at isip nya lumipas man ang napakahabang panahon at sa kabila ng mga pinagdaan nilang dalawa.
Tinawagan sya kagabi ng matalik na kaibigan ng dalaga na si Simeona para ibalita na nasa Maynila na ulit ang dalaga at balik trabaho na nga raw, assuming man syang matatawag pero di mawala sa isip nya na pinagtatagpo na talaga sila ng tadhana dahil na pasakto pa ang pagbabalik nito sa nalalapit na renewal of vows ng mga magulang kung saan kakailanganin nyang kumuha ng wedding arranger ayon na din sa utos ng kanyang ina.
"Kiefer?! H-hi! Ku-kumusta?" sabay tayong tanong ng dalaga, ginaya naman nya itong maupong muli bago sumagot.
"I am good Pip, and to answer your question I am your client for this wedding." Napansin nyang nag-iba ang ngiti ng dalaga dahil sa huli nyang sinabi.
"You're getting married?" mahina nitong tanong na sinagot lamang nya ng kibit balikat.
Change of plans, sabi nya sakanyang sarili, habang nasa byahe sya papunta sa coffee shop kanina plano nya ay dahan-dahaning ligawan uli ang dalaga pero ngayiong nasa harap na nya ito halos rendahan na nya ang sarili para lamang hindi ito sugurin ng mahigpit na yakap. At magmakaawa dito na balikan na sya. He knows better, this time sisiguraduhin na nya na hindi na masasaktah ang dalaga.
"So, Pip where have you been all these years?" Paguumpisa nya ng ibang usapan, ayaw nyang sa trabaho na agad ang usapan nila.
"Nasa Siargao, kinupkop ako ng mga tao doon at tinulungang makabangon." Sagot nito at hindi nakaligtas sakanya ang kakaibang kislap ng mata nito ng mabanggit ang nasabing lugar.
"I see, you've enjoyed a lot siguro kaya matagal kang nawala?'
"Yes, life there was so different, napakasimple ng buhay, masayahin ang mga tao. It's a paradise here on earth." Nakangiting kwento nito, at base sa paraan ng pagkakangiti nito masasabi nya na napamahal na nga ang nasabing lugar sa dalaga. Hindi nya tuloy namalayan na nakatitig na pala sya ditto, bumalik lang sya sa realidad ng tumikhim ito.;
"So about this wedding, who's the lucky girl?" napamaang pa sya sa tanong, ilang segundo pa bago sya makasagot.
"Ah, you'll meet her soon medyo busy pa kasi sya nagyon."
"I see." Tumatangong sagot nito. "so do you have anything in mind? I mean, is this gonna be a church wedding?"
"Beach." Wala sa sariling sagot nya na maski sya ay nagulat. Tango lang naman ang sagot nito habang nagsusulat.
"Motif?" tanong nitong muli ng hindi tinatanggal ang tingin sa sinusulat.
"Ikaw, ano ba?" sagot nya at doon napaangat ng tingin si Piper.
"I mean, ano ba maganda sa tingin mo?" Pagpapaliwanag nya. Saglit muna itong nagisip bago ngumiti sakanya at sumagot.
"Sige ako na bahala, magsend nalang ako sayo ng mga samples para mapagusapan nyo ng fiancé mo."
Tango nalang ang tanging nasagot nya, at may iba pa itong tinanong sakanaya na nasasagot naman nya though di sya sigurado kung tama ba ang mga pinagsasabi nya dahil tutok na tutok sya sa bawat galaw ng dalaga na para bang natatakot sya na bigla nalang itong maglaho sa harap nya.
"So pano Kief, I will just be sending some samples then kapag nakapag-usap na kayo ng fiancé mo let's just meet again to work on the schedules." Nakangiti nitong sabi at nauna nang tumayo kaya napatayo na din sya.
"Congratulations on your upcoming wedding by the way." Sabay lahad ng kamay na sa halip na abutin ay di napigilan ang sariling niyakap nya ito.
"Nice to see you again Pip." Naramdaman naman nya ang pagsuklio nito ng yakap saka dahan-dahan na humiwalay sakanya.
"And you Kif." Ngumiti pa ito ng ubod ng tamis sakanya bago nagumpisang maglakad palabas ng coffee shop.
------------------------------------
Isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan nya ng makasakay sya ng sasakyan.
"Hinga Piper! That was just Kiefer and he's getting married so stop." Pagkastigo nya sa sarili. Alam naman nyang sa paguwi ay hindi talaga maiiwasang magtatagpo silang muli ng binata pero hindi naman nya inaasahan na ganun kabilis at sa ganoon pang dahilan. Though may konting sakit pa syang naramdaman ng malaman na ikakasal na ito, alam nyang kayang kaya nan yang ihandle ito nagyon.
Nagmaneho na sya papunta sa opisina, kailangan na nyang magpakita sa mga tauhan nya. Hindi nya sinabi sa mga ito na babalik na sya dahil gusto nya silang surpresahin kaya ganun nalang ang gulat nya ng pagbukas nya ng pinto ng opisina ay malakas na sigawan at paper confetti ang sumalubong sakanya. Nang makabawi ay malalapad na ngiti ng mga tauhan ang Nakita nya kaya hindi nyab maiwasang maging emosyonal lalo na ng magumpisang lumapit ang mga ito sakanya.
"ang daya mo Ms Pip... Namiss ka namin." mangiyak-ngiyak na sabi ng kanyang secretary. Sa likod ng mga ito nakita naman nya ang nakangising mukha ng matalik na kaibigan. Sabi na nga ba nya eh, di talaga pwede hindi nito masasabi sa iba na babalik na sya.
Matapos ang kwentuhan at konting kainan dumeretso sa sya sa loob ng opisina nya habang nasa likod naman nya si Sim.
"So how was it?" May nakakaloko itong ngisi sa labi.
"How was what?" Naguguluhang balik tanong nya dito.
"Oh cmon Piper!!! Do you honestly think na di ko alam kung sino yung kameeting mo kanina? Ako nagschedule nun remember?" Nakasimangot nitong sagot sakanya na ikinatawa naman nya. Mukha kasi itong batang ayaw bigyan ng candy.
"Ahaha, I know. Okay naman. Nagkumustahan lang saka nagdiscuss ng konti para sa kasal nya." Balewalang sagot nya.
"Kasal nya?! What?!" halos mapalundag sya sa lakas ng boses ng kaibigan na halos lumuwa na ang mga mata sa sobrang gulat sa sianbi nya.
"Yes, that's the reason why he asked for an appointment right? He's getting married." Parang gulong-gulo naman si Simeona at dali-daling kinuha ang cellphone at nagmamadaling may tinaype doon pagkatapos ay nagmamadaling nagpaalam sakanya.
"May pupuntahan lang akong importante Pip, wag ka munang masyadong magpakasipag kababalik mo lang." Hindi pa man sya nakakasagot ay nakalabas na ito napapailing nalang sya sa inasal ng kaibigan.
Malalim na buntong hininga ang pinakwalan nya at isang matamis na ngiti ang gumuhit sakanyang labi.
She's home and this time it is for good.
- Hello there beautiful people. Sorry for the long delay, but here you go... We're back on track. Thanks sa mga naghihintay pa din ng update. :) xoxo
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."