Trouble...
Napaangat ng tingin si Piper mula sa binabasang report na kanina nya pa pinagaaralan ng marinig ang boses ng nobyo. Kaagad na gumuhit ang ngiti sakanyang labi ng makita ang binata na malapad din ang ngiti habang hawak sa magkabilang kamay ang brown paper bag ng pagkain. Bigla kasi syang nagkaroon ng urgent meeting mamayang gabi kaya lunch nalang sila nagkita. Hindi rin naman sya makalabas dahil pinagaaralan pa nga nya ang ididiscuss nya mamayang gabi kaya ang nobyo na ang nagpunta sa opisina para magkasabay silang kumain ng lunch.
"lunch first miss beautiful." humalik ito sa pisngi nya bago ibaba ang mga dala. Naginat naman sya dahil nakaramdam sya ng pangangalay sa likod, kanina pa pala sya nakaupo.
"thank you Gian, and sorry dahil nacancel ang dinner natin." masuyo nyang sabi dito na sinabayan pa nya ng yakap. Sa totoo lang ay nagiguilty talaga sya lalo na at hindi na sila masyadong nagkikita dahil maliban sa busy ang binata, sya naman ay naging abala din sa pagaasikaso kay Kiefer at ngayon na nga lang sana sya makakabawi sa nobyo nabulilyaso pa dahil sa biglaang schedule nya.
"hmmm. I missed you love." bulong nito sa tenga nya at sinuklian din naman ang yakap nya.
"but i understand, ang importante magkasama tayo ngayon. Kain na tayo." masigla nya itong tinanguan saka kumalas na sa pagkakayakap at inihain na ang dala nitong mga pagkain.
Masaya silang nagsalo, nagkwentuhan, pero iniwasan nyang mabanggit ang pangalan ni Kiefer hindi rin naman nagtanong si Gian.
Natigilan sya ng maalala ang gusto nyang itanong dito tungkol noong nagpaalam ito na may conference sa tagaytay pero nakita naman nya ito sa may hospital noong nakaconfine pa si Kiefer.
"love, you okay? Masyado ka nanaman atang nagwapuhan sa akin at talagang napatulala kapa." himig pagbibiro nito na ikinatawa naman nya habang umiiling iling.
"biglang lumakas ang hangin noh? Naramdaman mo ba?"
Humalakhak naman si Gian bilang sagot saka sya kinabig palapit dito.
"i love you. Kaya aminin mo nang patay na patay ka na sakin, wala namang masama don eh." sinabayan pa nito ng nakakalokong ngiti ang sinabi.
"ahhh. Talaga ba?" pabiro nyang kinurot ang tagiliran nito kaya naman napaiwas sakanya ang binata habang tumatawa.
"ang sweet mo talaga love. Kaya mahal na mahal kita eh." sabi nito habang hawak hawak ang parte ng tagiliran na kinurot nya, natatawang tinitignan lang naman nya ito.
Magkatabi silang nakaupo sa sofa na naroroon sa opisina nya ng matapos silang kumain, nakasandal sya sa dibdib nito habang nakaakbay naman ito sakanya. Kapwa sila tahimik na tila pinakikiramdaman lang ang isa't isa.
Maya-maya ay naramdaman nyang humahaplos na ang daliri nito sa balikat nya kaya napaangat sya ng tingin dito. Biglang bumilis ang tibok ng puso nya ng magtagpo ang mga mata nila, seryosong seryoso itong nakatingin sakanya na tila kinakabisado nito ang mukha nya.
Sinubukan nyang magiwas ng tingin ngunit hinuli nito ang baba nya para magtagpong muli ang mga mata nila. Ilang beses na syang napalunok lalo pa ng maramdaman nyang unti-unti ng lumalapit ang mukha ng nobyo sa mukha nya, hanggang sa maramdaman nya na ang malambot at mainit nitong labi na nakadikit sa labi nya.
Akala nya ay dampi lang ang gagawing paghalik nito dahil kaagad din itong lumayo ngunit ng akma syang magsasalita ay muli nitong sinakop ang mga labi nya.
Hindi sya kaagad na nakapagreact dahil sa gulat, pero dahil sa kiliting dulot ng halik nito sa puso nya ay unti-unting tinutugon na din nya iyon. May diin, mapang-angkin at puno ng pagmamahal ang nararamdaman nya sa paraan ng paghalik na ginawa ni Gian. Halos habulin nya ang paghinga ng pakawalan nito ang labi nya.
"i love you Cheska." buong lambing na saad nito na hinalikan muli ang ilong nya.
"i love you too Gian..." napayakap nalang sya sa binata, alam nyang mahal na talaga nya ito. Pero sa tuwing kasama nya din sa Kiefer iba din ang dulot na kaguluhan ng binata sa sistema nya.
Magkayakap lang sila hanggang matapos ang break time nya at kailangan ng magpaalam ni Gian na babalik pa sa opisina nito.
Hinatid nya ito sa may pinto pero bago pa nya ito mabuksan ay kinabig sya nitong muli at ginawaran ng halik sa labi. Smack lang sana iyon ngunit lumalim iyon ng tumugon sya, umiinit na ang nararamdaman nya at tila nanlalambot na ang mga tuhod nya kaya napakapit sya sa leeg nito habang abala din ito sa pagpisil sa bewang nya.
Pakiramdam nya ay sasabog na ang mukha nya ng maghiwalay sila, ni hindi nya magawang tumingin dito ng diretso.
"that was hot love! Ugh!" nanunuksong bulong nito sakanya na nakaragdag lalo sa init ng mukha nya.
"G---ian...." pautal nyang tawag dito bago isubsob ang mukha sa dibdib ng binata. Naramdaman nya ang pag galaw ng balikat nito tanda na tumatawa ito.
"owww. My sweet love is shy. Sige hindi na kita tutuksuhin." inangat pa nito ang mukha nya at ginawaran sya ng halik sa noo.
"i love you my sexy love..." kumindat pa ito bago tuluyang lumabas habang sya naman ay naiwang hawak hawak ang dibdib na hindi padin tumitigil sa pagtambol ng mabilis.
-
Ang ineeet!!! Try lang hahahah!!!

BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."