34

279 35 13
                                    

Buking...


"Mr. Alonzo is requesting for a lunch meeting Ms. Pip, are you good with that?" nagaalangan pang tanong sakanya ng sekretarya.

"Yep, wala naman akong ibang appointment makocompromise right?" parang walang anuman nyang sagot.

"Wala naman po, as a matter of fact your schedule is clear after that." Nakahingang sagot nito sakanya na sinagot nalang nya ng tango.

Mabilis na lumipas ang oras, 11am palang ay nagaayos na sya, nagtext na sakanya ang binata para sabihin kung saan sila magkikita. Nagpaalam na din sya sa sekretarya na baka hindi na sya bumalik ng opisina pagkatapos dahil balak nyang pumasyal sa ampunan. Simula kasi ng umuwi sya ay di pa sya nagpakita sa mga ito at sigurado siyang nagtatampo na ang mga nanay-nanayan niya doon.

Sa isang Italian restaurant ang venue ng lunch meeting nila ni Kiefer, sakto naman at di gaanong traffic dahil 3mins before 12nn ay andoon na sya sa nasabing restaurant.

Sinalubong sya at binati ng isang staff na sya ding nagturo sakanya ng reserved table nila. May tatlong taong naghihintay sakanya sa nasabing table. Kaagad syang nakita ni Kiefer na nakangiti itong tumayo para ipaghila sya ng upuan.

"Sorry I'm late." Nakangiti nyang sabi rito.

"No, you're just in time. Perfect timing." Nakangiti ding sagot sakanya ng binate.

"Hi Piper iha, it's nice to see you again." Noon palang bumaling ang atensyon nya sa mga kasama nila sa table. Ganun nalang ang panlalaki ng mga mata nya ng mapagsino ang mga iyon.

'Tita, Tito!!! I mean, Mr and Mrs Alonzo." Bigla syang nag-alangan kung yayakapin ang mga ito o makikipagkamay lang.

Sabay naman na tumawa ang mag-asawa kaya lalo syang nahiya.

"What's the formality my dear Piper? Why don't you give this old woman a hug?" matamis na ngiting sabi sakanya ng ginang habang naka mwestra ang mga kamay na hinihintay ang yakap nya. Di naman na syang nag-atubili at niyakap ng mahigpit ang mommy ni Kiefer, sunod naman ang daddy nito.

"How are you po?" masayang tanong nya sa mga ito pagkatapos syang pakawalan at ng makaupo na sila.

"We're good iha, ikaw? You've changed a lot. Lalu ka atang gumaganda, no wonder." May himig na panunuksong sabi ng ginang. Di naman nya alam ang isasagot kaya ngumiti nalang sya.

"Shall we order?" singit ni Kiefer na tila naramdaman ata ang pagkailang nya kaya nagsalita na.

Masaya naman ang naging usapan nila, kumustahan lang at di na rin naman nagcomment ng naunang sinabi ang mag-asawa more on sa mga nangyari sa mga pamamasyal nila sa ibang bansa umikot ang usapan.

"You both deserve rest din naman po, you're both workaholics." Masayang kumento nya matapos ikwento ng mga ito ang nakakatawang experience nila sa Thailand.

"Ikaw ba iha, kalian ka mag-aasawa?" biglang tanong sakanya ng daddy ni Kiefer kaya hindi kaagad sya nakasagot.

"Aba naman kayo, pareho kayo ng anak ko. Wala na din atang balak na bigyan kami ng apo." Sabat naman ng ginang bago pa man sya makasagot.

"Mom, dad! Leave Piper alone."

"It's okay Kief, nu kaba? Wala pa po nabubulag eh." Natatawang sagot naman nya.

Katahimikan ang sumunod sa sinabi nyang iyon na binasag muli ng mommy ni Kiefer.

"By the way Piper, nasabi na ba sayo ni Kiefer kung anong peg naming sa magiging kasal naming ng tito mo?" sya naman ang naguluhan sa sinabi nito.

"Kasal nyo ni tito? W-wait tita, I'm confused."

"About what? This is gonna be a renewal of our vows.Didn't my son tell you?" nagpapalit palit ang tingin nito sakanya at sa anak.

Sya naman ay di alam ano ang isasagot.

So, hindi kasal ni Kiefer ang aayusin nya?

--------------

Hindi nya malaman kung paano titingin kay Piper, binuking sya ng ina ng wala sa oras hindi tuloy nya malaman ang sasabihing paliwanag. Though alam nya di naman ganun kabig deal sa dalaga iyon pero isang maling salita lang masisira ang mga plano nya kaya dapat syang mag-ingat.

"Kief?" tawag sakanya ng dalaga noon lamang sya tila natauhan at ngumiti dito ng pilit. Makahulugan ang titig sakanya nito.

"Yeah?" tanging nasabi na lamang nya.

"Not my fault, it was you who assumed that it is gonna be my wedding." Tila wala lang na sagot nya.

"But you didn't correct me! Why didn't you correct me?"

Kibit balikat lang ang naisagot nya dito, saka nagkunwaring parang walang anuman lamang iyon kahit pa ang totoo ay kabado na talaga siya. Masamang tingin naman ang pinukol sakanya nito samantalang ang mga magulang nya ay tila tuwang tuwa pa na nagigisa sya ng dalaga.

Natapos naman ng matiwasay ang usapan nila dahil pumagitna na din ang kanyang ina, may mga plano ng naipresenta ang dalaga at sya naman ay walang ginawa kundi tumitig dito habang dinidiscuss nito kung anu-ano ang pwede maging mga options nila para sa kasal muli ng parents nya.

Looking at her right now, he knows that he made the right decision ng hayaan nya itong magpakalayo layo muna matapos ng lahat ng mga nangyari sakanila. She's seeing a different Piper now, someone na hindi nalang iiyak sa sulok kapag hindi nagustuhan ang mga nangyayari. All those pains turned Piper into a strong independent woman, yung tipong hindi kakailanganin ng magtatanggol dahil ito mismo kaya ng ipagtanggol ang sarili.

"Ma, you almost ruined everything!" parang batang pagmamaktol nya sa ina.

"Oh, I didn't know na you're planning something out. You didn't orient us." Tatawa tawang sagot lang nito habang nakasandal sa balikat ng kanyang ama. His parents, though he finds them irritating sometimes for being too PDA is his representation of how he sees his future. Gusto nya na kahit pa magkaedad na sila ng mapapangasawa ay andun pa din ang sweetness nila, at wala syang ibang nakikita na makasama sa mga eksenang iyon sa utak nya kundi si Piper.

"Mukhang kailangan mo ng bilisan anak, at kailangan mong mag doble effort." Napatingin sya sa ama sa sinabi nito.

"She's a changed woman, far from the fragile girl we used to know. Mukhang mahihirapan ka." Seryosong sabi nito.

Sya naman ay napaisip, alam nya iyon; mahihirapan syang mapa-oo muli ang dalaga but he's willing to take the risk. She's worth it.

Pero ngayon kailangan nya muling mag-isip ng plano, dahil sinira na ng pagiging madaldal ng ina ang nauna nyang mga naisip.



-- Sorry natagalan guys, bayaning puyat is real. Stay safe sa ating lahat kung wala rin naman importanteng ganap sa labas stay at home nalang. :)

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon