33

304 35 11
                                    

Confused...


Ganadong bumangon sya mula sa pagkakahiga, napakagaan ng pakiramdam nya ngayon. Makalipas ang ilang taon ngayon lang din sya nakatulog ng hindi nag-aalala kay Piper kahit naman kasi na alam nya kung nasaan ito at di rin naman sya nahuhuli sa mga balita tungkol dito nung andoon pa ito sa probinsya.

"Napakaaliwalas ata ng mukha mo ngayon iho?" Bati sakanya ng ginang na katulog nya sa paglilinis sa bahay ng makita sya nito sa kusina tanging ngiti lang ang sagot nya dito at nagpatuloy na sa pagkain ng almusal. Ng makausap nya kahapon ang dalaga mas nagging desidido ang pasya nyang wag na itong pakawalan, napakarami na nitong pinagdaanan na sakit oras na para maalagaan ito at maging masaya. Gagawin nya ang lahat para maibigay ang mga ito sa dalaga kahit pa kailanganin nya itong ligawan habang buhay ay gagawin nya.

Pagkatapos kumain ay dumeretso na sya sa sasakyan, may mga kailangan syang ayusin para makapagfocus na muna sya kay Piper.

"Oh iho! Napasyal ka dito?" Gulat pero magiliw pa ding tanong sakanya nila Sister Beatrice. Nagmano na muna sya bago inabot sa mga ito ang mga dalang pagkain para sa mga bata.

"Magandang umaga po Sister, gusto ko po sana kayo makausap kung hindi po ako makakaabala." Pinakatitigan sya nito bago tumango at nagpatiunang pumasok sa loob ng kumbento.

Mahaba din ang napagusapan nila ni Sister ngunit di makpagkakaila sa ngiti nya na maganda ang kinahinatnan ng kanilang pag-uusap. Dumeretso na sya sa opisina pagkagaling sa ampunan sinalubong agad sya ng pinsan sa lobby palang.

"I heard she's back, what's you're plan?" tanong nito na nakapagpahinto sakanyang paglalakad.

"You'll soon know," tipid nyang sagot.

"I will try to see her today."

"For what?" di nya na maitago ang pagkairita sa boses, kahit pa na matagal na panahon na ang lumipas hindi pa din nya maiwasang magselos sa tuwing naaalalang muntik na itong pakasalan ni Piper.

"I have some explaining to do Kiefer." Dumilim lalo ang mukha nya sa sagot nito pero bago pa man sya makapagsalita ay binara na sya nito.

"Don't worry, I'm not planning to steal her from you." Sabi nito saka naglakad na palabas.

Sinundan nya ng tingin ang pinsan at may nakapa syang lungkot sa dibdib. They used to be so close, para na nga silang magkapatid but now para nalang silang ordinaryong magkakilala. At isa ito sa mga kailangan nyang ayusin bago man isakatuparan ang mga plano nya para sakanilang dalawa ni Piper.

Isinusob na muna nya ang sarili sa trabaho, nag-angat nalang sya ng mukha mula sa monitor ng kumatok ang kanyang secretary.

"Sir, may ipapasuyo pa po ba kayo?" magalang na tanong nito saka lang nya na-realize na uwian na pala.

"No, you can go now. Tha- ah, one last favor please." Kaagad naman itong humarap ulit sakanya pagkasabi nya noon at naghintay ng susunod nyang sasabihin. May minessage muna sya bago ibinalik ang tingin sa sekretarya.

"Order dinner then have it delivered on this address." Sabi nya sabay abot dito ng calling card. Kinuha naman ito ng babae at may ngiti din sa labing nagpaalam sakanya at lumabas na ng opisina nya.

-------------------------

"Hindi kapa ba uuwi?" tanong sakanya ni Simeona, buong araw syang lugmok sa trabaho ni hind inga nya nagawang lumabas kaninang lunch time dahil sa dami ng mga tinatapos.

"May mhga tinatapos pa pero konti nalang naman kaya kung gusto mo pwede ka ng mauna kanina ka pa andito." Nakangiti nyang sagot sa kaibigan na hindi tinatanggal ang tingin sa laptop.

"If you like, magbakasyon ka din. Alam ko naman na habang wala ako halos hatiin mo katawan mo sa negosyo ko at don sa trabaho mo." Tuloy-tuloy pa nyang sabi.

"Wag nga lang kasing katagal ng bakasyon ko ah? 1 week maybe?" dun palang sya nag-angat ng tingin, nakakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib naman syang pinakakatitigan lang ni Simeona habang nagsasalita.

"Tama ka naman dun, I feel so dry..." buong eksaherada nitong sagot na sinabayan pa nito ng kumpas ng kamay ang sinabi.

"But that can wait naman, so don't worry." Sabay pa silang nagulat ng tumunog ang extension phone nya.

'Hello? Yes kuya? Food? Wala naman po akong order. Sure po ba na dito talaga? Sige pakipasuyo nalang po dito" Naguguluhang binaba nya ang tawag.

"What was that?"

"Food delivery daw, di ko nga alam eh di naman ako nagorder pero sakin daw"

"Woah! Kakabalik palang may secret admirer ka na agad na nagpaparamdam?!"

Sinamaan na lang nya ito ng tingin dahil sa nakakaloko din itong ngiti.

Ng maiabot sakanya ang pagkain kaagad nyang sinilip ang laman nito sinalubong ang ilong nya ng masarap at nakakatakam na amoy ng pagkain.

"Wow! Kanino galling?" Usisa nito na nagkalkal na din sa loob ng paper bag.

"Dpn't know." Sabay namang nakita nya ang isang nakatuping papel na nakasingit sa gilid ng bag.

Dinner to you one beautiful lady from someone who cares.

Wala namang nakalagay na pangalan o signature na pwede nyang pagbasihan kung kanino ito nanggaling.

"Wag mo na muna isipin kung sino admirer mo sis, kainin na natin to. I'm famished." Buong arteng sabi ni Simeona na nilalantakan na isang ulam.

Habang kumakain ay hindi pa din mawala sa isip nya ang katanungan kung kanino marahil nanggaling ang mga pagkain. At kung paano nito nalaman na sa mga oras na iyon ay nasa opisina pa sya.

"Nagresearch siguro tong admirer mo, puro mga paborito mo yung pinadala eh." Hindi nya masagot ang sinabi ng kaibigan dahil sa isip nya ay patuloy nyang iniisip kung sino ang maaring nagpadala nito.

Nasa ganoon syang pag-iisip ng tumunog ang cellphone nya indicating na may nagtext sakanya.

I hope you liked the food. See you tomorrow Ms Piper. -Kif 😊

"See you tomorrow? May date ka?" nasa likuran na pala nya ang kaibigan at nakikibasa sa message nya.

"Pure business."

"Hm.. Okay."

Yes, I did thanks though it's not necessary.

Kunot noon nyang binalik ang atensyon sa kinakain, di naman nakaligtas sakanya ang mapagusig na tingin sakanya ng kaibigan.

Ikakasal na ang binata and maybe it is really just his way of saying thanks. Pero wala pa naman syang nagagawa para ditto so bakit naman ito magpapasalamat?

Hanggang sa makauwi ay iyon ang laman ng isipan nya. 




--

May nagpaparamdam, may naguguluhan. :)

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon