11

549 59 16
                                    

Beginning...

"good afternoon beautiful." nagangat ng mukha si uyPiper ng marinig ang malambing boses ni Gian, kaagad na umaliwalas ang mukha nya ng makita ang dala nitong bouquet ng pulang rosas. She's having a not so nice day kaya naman hinihintay talaga nya ang pagpunta nito para sunduin sya. Dahil aminin man nya o hindi napapagaan nito lagi ang mood nya.

They've been like this for almost 2 months now, matyaga sya nitong sinusundo paguwian everytime na maaga itong natatapos sa mga trabaho sa opisina. Wala din itong mintis sa pagpapaulan sakanya ng matatamis nitong mga salita na hindi nya mawari kung ikinakikilig nya o natatawa sya. He often sends random stuffs sa opisina kaya naman panay din ang tukso sakanya ng mga kasama.

Lahat ng iyon ay naappreciate nya, lahat ng iyon nakakapagpasaya sakanya pero kung meron man syang ikinatutuwa lalo kay Gian yun ay ang pagiging pasensyoso nito, alam naman nya na naiinip na din ito pero kahit na minsan ay hindi nito ipinaramdam na kailangan na nyang magbigay ng sagot dito.

"earth to Cheska!!" napakurapkurap sya ng pumitik si Gian sa harap nya ngingisi pa ito ng balingan nya ito ng tingin. Nakaupo na pala ito sa tapat ng table nya habang sya ay nawala nanaman sa sarili.

"hehehe sorry, you were saying?"

"ang layo na nga ng narating ng isip mo eh andito naman ako sa harap mo." natawa sya sa tinuran nito nagkunwari pa syang umirap na tinawanan lang din ni Gian.

"edi wow mister!"

Nagtawanan sila pero bigla din syang tumigil at pinakatitigan ang binata, mukhang napansin naman nito ang ginawa nyang pagtitig dahil napahinto din ito sa pagtawa at nagtatanong ang mga matang tumitig din sakanya.

Ilang saglit din silang tahimik na nagtititigan lang bago sya tuluyang magsalita.

"nagpasalamat na ba ako sayo?" kunot noong linapit pa lalo ni Gian ang mukha sakanya na para bang naging mas interesado ito sa kung ano mang sasabihin nya.

"you always say thank you Ches." balewalang sagot naman nito. Pero ngumiti sya dito at umiling.

"no, have I already thanked you for coming into my life?"

"Ches..."

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Piper bago hawakan ang kamay ni Gian na nakapatong sa mesa.

"you've been such a blessing to me Gian, since day 1 alam mo naman yun, di ba? Yung mga corny jokes mo na di ko alam kung matatawa ako o bubuntalan kita, yung mga pagpapabebe mo para lang pansinin kita, your sweet gestures, your efforts to make me feel special, your presence in my life. Lahat yun naappreciate ko Gian." her emotions are taking over her, unti unti ng namumuo ang luha sa gilid ng mga mata nya, si Gian naman ay hindi mabasa ang expression ng mukha nito para itong maiiyak na nalilito na masaya pero nanatili itong nakatingin lang kay Piper.

"two months, you've patiently waited for me for two months kahit na alam ko namang naiinip ka nadin still tyinaga mo pa din. Kaya thank you. ." nadamdamin nyang sabi na

"babastedin mo na ba ako? You are an amazing girl, alam ko naman na mahal mo pa din si Kiefer pero kahit na ganun umasa pa din ako na kahit konti lang ay mapansin mo yung pagmamahal ko para sayo, i was willing to wait kahit gaano pa katagal pero wala na talaga siguro akong laban sakan----"

"it's a yes Gian, i would like to be your girlfriend." pinutol na nya ang kung ano mang sasabihin pa sana nito, tila hindi naman nito agad nagets ang sinabi nya dahil ilang segundo muna sya nitong pinakatitigan bago unti-unting napangiti at hinawakan ang pagkabila ng pisngi.

"did I just hear you say yes to being my girlfriend?" malapad ang ngiting tanong nito sakanya, nakangiting tumango din naman sya dito.

"wow! wow! Ghad! You have no idea how happy I am right now." paiiling iling pang sabi nito.

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon