Choice...
"good evening stranger!" mula sa ginagawa ay napadako ang mga mata ni Piper sa pinto ng kanyang opisina kung saan nakangiting mukha ng kaibigan ang bumungad sakanya.
"Simeona?!" tawag nya na dito na saka palang pumasok at umupo sa upuang kaharap ng table nya.
"what brings you here?" tanong nya dito habang inaayos ang mga papeles sa harapan nya.
"well, akala ko nakalimutan mo na ako kaya i decided to drop by" may himig ng pagtatampo sa boses ng kaibigan kaya natigilan sya sa ginagawa. Tila noon lang nya na realize na matagal na nga din pala simula noong magkausap sila ng kaibigan.
Naging masyado syang abala sa mga nangyayari sa buhay nya nitong mga nakaraang araw kaya hindi na nya ito natatawagan o natetext man lang.
"sim..." palambing na tawag nya sa kaibigan na inirapan naman sya kaya pasimple syang natawa, alam naman kasi nya na style lang ito ng matalik na kaibigan para magsabi sya dito.
"madami lang kaganapan sa buhay ko lately Sim, kaya medyo preoccupied ako."
"pansin ko nga, ewan ko ba naman kasi sayo kung bakit hinayaan mong maging komplikado ang lahat."
Napabuntong hininga nalang si Piper, alam na nya kung saan patutungo ang usapan nilang ito. Siguradong hindi nanaman sya titigilan ni Simeona hanggang sa matauhan sya but this time is different, wala pa syang lakas ng loob para kumawala sa maling akala ni Kiefer, natatakot sya sa magiging reaksyon nito.
Bahagya pa syang nagulat ng pumitik si Simeona sa may mukha nya, napatulala nanaman pala sya. Pagbaling nya dito ay mababakas sa mukha ng kaibigan ang pagaalala.
"I can't for now Sim, humahanap pa ako ng tyempo na magsabi kay Kiefer." wala sa sariling sagot nya dito.
Malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ng kaibigan.
"ano pa nga ba? Matanda ka na Pip alam mo na kung ano ang makakabuti sayo at hindi. You have to act up soon kung ayaw mong pareho silang mawala sayo." makahulugan ang mga salitang binitawan nito na naging dahilan para mahulog nanaman sya sa malalim na pagiisip.
Sabay na silang umuwi magkaibigan, yinaya pa sana sya nitong kumain sa labas pero tumanggi na muna sya. Dinahilan nalang nya medyo pagod na sya.
Ayaw pa nyang umuwi pero hindi naman nya alam kung saan pupunta, nagmaneho lang sya ng nagmaneho hanggang sa mamalayan nalang nyang nasa labas na sya ng subdivision nila Kiefer.
Tumuloy nalang din sya para bisitahin na din ang binita, hindi nya kasi ito nakumusta buong araw dahil sa dami ng trabaho nya.
Kaagad syang pinagbuksan ng kasambahay ng mga ito ng bumusina sya pero sinabihan sya na natutulog na si Kiefer dahil sinumpong raw ng sakit ng ulo kaninang hapon.
Nagtuloy sya sa kwarto ng binata at tama nga sabi ng katulong, mukhang nakatulog na nga ito na hindi na rin nagawang patayin ang lampshade. Dahan dahan syang humakbang papasok upang hindi gumawa ng kahit na anong ingay.
Maingat nyang inayos ang pagkakakumot ng binata, saka maingat ding umupo sa may gilid nito. Matagal nya munang tinitigan ang likod nito saka may pagiingat na hinaplos ang braso nito.
"i am so sorry Kif, maniwala ka gustong gusto ko nang magsabi sayo pero natatakot ako. Natatakot ako na magagalit ka. Natatakot ako na hindi mo kami maintindihan." pinipigilan nya ang pagalpas ng mga luha sa kanyang mga mata.
"sana hindi ka magalit kapag nalaman mo na lahat, I care about you a lot. Wala namang nabago sa pagpapahalagang meron ako para sayo kaya ayaw kong masaktan ka." pahikbi nyang sabi saka tumayo na at ginawaran ng mabining halik ang gilid ng ulo ng binata.
"sleep well baby." bulong nya dito bago patayin ang lampshade nito sa bedside table.
Kung paano syang pumasok ay ganoong pagiingat din ang ginawa nya palabas ng kwarto nito. Nagpaalam na sya sa katulong na nadaanan.
Pagsakay nya ng kotse ay sya namang pagring din ng cellphone nya. Kaagad nya iyong sinagot ng makitang si Gian ang tumatawag.
"hello Gi."
"hello love, are you home yet?"
"no, pauwi palang. Nagovertime ako hon." narinig nya ang pagbuntong hininga nito mula sa kabilang linya.
"ah, I see take care on your way home." ilang segundo itong natahimik bago nagsalitang muli.
"i just called in to inform you na I'll be gone for a week. May kailangan akong ayusin sa branch sa Singapore. Would that be fine?"
"of course hon, importante yan. Don't worry about me." pagaasure nya dito.
"alright, i'll see you after a week. Love you hon. Bye!"
"take care! Love you." pagkababa nya ng tawag ay malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago nagumpisang paandarin ang sasakyan. Hindi nya na napansin na nakabukas ulit ang ilaw sa kwarto ni Kiefer at nakadungaw sakanya mula sa veranda ang binata na may malungkot at naguguluhang ekspresyon sa mukha.
---
"what is it Piper? Ano ba talaga ang totoo?" bulong ng binata sa hangin, pumasok lang syang muli sa loob ng hindi na matanaw ang kotse ng dalaga.
Kaagad kinuha ang cellpbone at tinawagan ang isa sa mga matatalik nyang kaibigan.
"Gelo, I have a big favor to ask from you mate." sabi nya kaagad ng sagutin ng kaibigan ang kabilang linya.
"well hello to you too my friend. Ano ba yun?" pabirong sagot nito, na sumeryoso din naman ng isa-isahin na nya kung ano ang pabor na hihilingin nya.
Napahinga sya ng malalim ng magpaalam sa kaibigan, he's hoping that through this he'll get the answers to his questions.
-
After 100000 years... Another update. Medyo bibilisan ko na po ang pace ng kwento dahil may next story na akong gustong umpisan na di ko pwedeng umpisahan hanggang hindi ito tapos. So yeah.Salamat po sa mga naghihintay sa bawat update.
Comment & Vote po!
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."