36

203 29 9
                                    


Moving on...


Kunot noong nakatanaw si Kiefer kay Piper habang pasakay ito ng taxi, tinawagan sya ng pinsan para maglunch hindi sana sya pupunta ngunit ang mayroon daw itong mahalagang sasabihin kaya ito sya ngayon nasa labas ng restaurant kung saan daw sila kakain. Pababa na sana sya ng sasakyan ng matanaw nya si Piper na palabas kaya hinintay na muna nya itong makasakay bago sya tuluyang bumaba.

Pagpasok ay sinalubong sya ng isang staff at matapos nyang sabihin na kasama sya ni Gian ay hinatid sya nito sa isang private area.

Naabutan nyang nakayuko ang pinsan at tila umiiyak base sa paggalaw ng mga balikat nito. Tumikhim sya para maagaw ang pansin nito. Kaagad naman itong umayos at pasimpleng nagpunas ng luha.

"I saw Piper outside." Walang paligoy-ligoy nyang saad dito ng makaupo sya sa tapat.

"And by the way you look, I assume na she was with you." Seryoso nyang pagtutuloy.

Tahimik lang itong tumango sakanya saka inisang lagok ang tubig na nasa harapan.

"I owe her an apology and an explanation Kiefer." Mababa nitong sabi. Hindi nya alam pero kakaiba talaga ang selos nya sa pinsan marahil ay dahil sa alam nyang minsan na din itong minahal ng babaeng pinakamamahal.

"What for? She's all good now." Wala naman syang balak na awayin ito pero naiirita talaga sa isipin na kasama ito kanina ni Piper, who knows kung ano pa ang napagusapan ng mga ito.

"Closure, for my peace of mind. I owe her big time Kiefer, I caused her so much pain and if you're worried that I might pursue her again after this don't worry cause the reason why I also asked you to meet me today is to personally give you this." Sabi nito sabay abot ng isang putting sobre, kaagad naman nya itong binuksan at binasa.

"You're resigning?"

"Yes, that shall be my two-week notice. Panahon na para umpisahan ko ng patawarin ang sarilli ko sa mga naging kasalanan ko sainyo ni Piper. Ngayong nakita at nasiguro ko ng okay kayo, pwede ko ng simulang ayusin ang sarili ko."

"And you can't do that while you're still with the company?" Di sya makapaniwala sa desisyon ng pinsan, sa pagkakaalam nya ay desidido talaga ito na magstay sa kumpanya dahil nga ito ang dahilan kung bakit hindi rin sya kinukulit ng mga magulang na bumalik na ng US.

"No I can't, sooner or later alam kong magkakabalikan din kayo ni Piper and to be honest with you I don't think that I am already prepared for that day. You see, I have loved her for so long. Hindi nakakalalaki but I still can't unlove her, not yet. Kaya mas maganda na kung magpakalayo layo na muna ako."

He was speechless by what his cousin has said. It was so honest and he sounded so fragile. Simula ng magkagalit sila dahil sa mga nangyari ngayon na lang ulit sila nagkausap ng ganito. Yes, nagusap sila ng humingi ito ng tawad, but that was it. Kahit pa sabihing napatawad na nya ang pinsan sa ginawa nitong pagmanipula sa buhay nila ay hirap pa rin syang tratuhin ito katulad ng dati. Not until today, when his cousin is showing his fragile side. Ramdam nya ang paghihirap ng kalooban nito sa desisyon na ginawa, he of all people knows how Gian loves the Philippines and how he loves Piper.

"Gi, I don't know what to say." Makatotohanang sagot nya.

"Just please take care of Piper, and I hope that when the right time comes for me to return you've already forgiven me and we can go back to how we used to be. Brothers."

"I'll be going now Kief, thanks for meeting me today." Sabi nito saka nauna ng tumayo para umalis.

Samantalang sya ay tulala lang na nakatingin sa nakapinid ng pinto na nilabasan ng pinsan. Gian has been like a brother to him, kaya ganoon nalang ang sakit na naidulot ng malaman nyang isa ito sa mga dahilan kung bakit sila nagkasira ni Piper. But then again, who is he to judge? He's not perfect himself and maging sya ay napakaraming sakit na ang naidulot sa dalaga.

Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan nya bago kunin ang cellphone at may tinawagan. Itutuloy na talaga nya ang mga plano nya para sakanilang dalawa ng dalaga.

Hindi na sya bumalik sa opisina matapos ang paguusap nila ni Gian, dumeretso sya ng sementeryo para dalawin ang dating kasintahan.

"I know you're watching over me. Thank you for loving me and I'd like to let you know that I have forgiven you already. Minahal kita and you'll always have a place in my heart despite of what happened." Ilang sandali pa syang nagtagal doon bago nagdesisyon na umalis na mas magaan ang pakiramdam, tila ba may isang mabigat na pasan ang natanggal sa dibdib nya.

Tinawagan muna nya si siimeona bago dumeretso sa opisina ni Piper, matamis na ngiti naman ang bunggad sakanya ng sekretarya nito ng makita sya.

"Is she there?" nakangiting tanong nya.

"Yes sir, pasok ka nalang." Tila kinikilig pa na sagot nito.

Kumatok muna sya ng tatlong beses bago banayad na buksan ang pinto, nakita nyang nakakunot ang noo ng dalaga habang may binabasang papeles.

"Hindi naman kita inistress sa pagplaplano ng magiging renewal nila mommy ah." Sabi nya sabay abot dito ng sunflower na dala-dala.

"Tinignan muna syang maigi nito saka dahan-dahan na tinanggap ang bulaklak.

"Thanks, but what is this for?" tanong nito habang pinagmamasdan ang bulaklak.

"Well bakit ba nagbibigay ng bulaklak ang lalaki sa isang babae?" Nakabungisngis na tanong nya dito.

Kinunutan muna sya nito ng noo bago sumagot.

"Dahil may sakit?" Muntik ng syang mabulunan sa sariling laway sa naging sagot nito saka kakamot kamot sa ulong tumayo.

"By the way, pinapa-invite ka nila mommy tomorrow dinner sa bahay. I'll just pick you up para hindi kana mapagod mag-drive."

"Osige, sa bahay mo nalang ako puntahan magearly out ako bukas eh." Sagot nito saka binalik na ang atensyon sa ginagawa.

"You won't even ask me why I went here?" Tila nagtatampong pahabol nya dito kaya naman nag-angat ulit ng tingin ang dalaga saka nagtatanong ang mga matang tinitigan sya.

"Sabi ko nga, I'll see you tomorrow Pip."

Nakasimangot syang lumabas, nakasalubong pa nya si Simeona na tila natatawa.

"What's with that look, nabasted ka na ba?"

"Not now Simeona." Sagot lang nya saka nilagpasan ang tumatawang dalaga.

"Torpe kasi!!!" Narinig pa nyang sigaw nito bago tuluyang nagsara ang elevator.

He's not torpe, ayaw nya lang biglain ang dalaga at baka lalo pang mapurnada mga plano nya.



***

Arayttttt!!! Let's get going.

Thank you for waiting.

Please support my new story kahit di sya related sa MayWard.

ILYSB :)

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon