Conflict...
Kanina pa hindi makatulog si Kiefer, nakatulalang nakatingin lang sya sa kisame ng kanyang kwarto his mind is filled with blurry visions na hindi naman nya maintindihan kung ano, and everytime na pipilitin nya ang isip na alalahanin ang mga iyon ay sumasakit lang ang ulo nya. Sa ganito syang posisyon naabutan ng mommy nya na kaagad namang lumapit at kinumusta sya.
"oh, why are you awake son? Dapat nagpapahinga ka para makabawi kana agad ng lakas." sinulyapan nya muna ito bago bumalik ulit ang tingin sa kisame.
"may masakit ba sayo Kif? Do you want me to call the doctor?" Wait i'll call him." akma ng aalis para tumawag ng doctor ang mommy nya pero pinigilan nya ito. Nagtatakang napatitig naman sakanya ang ginang.
"no need mom, i'm good." ngumiti pa sya dito para mabawasan na ang pagaalala nito sakanya.
"well actually, I am not really good. I am having these weird visions na hindi ko naman malaman kung tungkol saan coz everytime I try to hold on to it and think about it sumasakit ang ulo ko." napasapo pa ito sakanyang ulo. Kaagad namang binalot ng kaba ang dibdib ng ginang.
"a---ano ba ang mga na---nakikita mo?" alanganing nyang tanong kay Kiefer na kumunot ang noo ng marinig ang pagkautal ng kanyang ina.
"i don't know, everything's blurry. Hindi malinaw, i am not even sure kung hallucinations ko lang ba ang mga iyon or what."
Nagiwas ng tingin ang ginang bago sagutin ang anak.
"baka dahil yun sa malakas na impact ng pagkakauntog mo, we'll ask your doctor to check on you tomorrow." ngumuti pa ito ng pilit saka inalalayan nang mahiga ng maayos ang anak.
"for now, magpahinga ka na muna." tango nalang ang sinagot nya dito kahit pa iba ang pakiramdam nya sa reaksyon ng mommy nya sa sinabi nya.
He knows his mom too well, alam nya kung may itinatago ito dahil masyado itong nagiging uneasy. Pero alam naman nyang grabe din ang stress na pinagdaanan ng nanay nya habang tulog pa sya kaya hinayaan nalang muna nya iyon. He'll just ask his doctor tomorrow, or Piper.
Hindi nya napigilang mapangiti ng maalala ang mukha ng kasintahan, he missed her so much para syang teenager na ngayon palang naiinlove sa tuwing nandyan ang nobya. He wants to be with her always, gusto nya itong laging nakikita, gusto nya laging marinig ng boses nito. Crazy, but it felt so good and he's enjoying the feeling.
----
"What the f*ck?!!! Piper Francheska!!" malakas at hindi makapaniwalang sigaw ni Simeona matapos nyang ikwento dito ang sitwasyon nila ngayon ni Kiefer.
Iiling iling pa sya nitong tinitigan, habang sya ay hindi makatingin ng deretso sa kaibigan. Inaasahan na nya na ganito ang magiging reaksyon nito maging sya ay hindi makapaniwala sa pinasok nyang gulo.
"are you out of your mind? Ano nanaman pumasok sa isip mo at pumayag ka sa ganitong set up?" halata ang pagkadisgusto sa mukha ni Simeona, at sigurado sya na sa hitsura ngayon ng kaibigan ay hindi sya nito titigilan hanggang sa hindi nito maiparating sakanya ang lahat ng gusto nitong sabihin.
"Simeona, he just woke up. Mahina pa ang katawan, he's still regaining his strength baka hindi pa nya makayanan kapag nalaman nya ang nangyari kay Ana. I just want to help, that's all." pagsubok nyang pagpapaliwanag dito.
"help? By lying? By making him believe na tama lahat ng naaalala nya? And how can you be so sure na hindi nya makakayanan? I mean of course naiintindihan ko ang point ng mommy nya pero hindi ba unfair kay Kiefer kung ganitong sasakyan nyo yung maling akala nya? " pinakatitigan sya ng kaibigan na para bang binabasa nito ang lahat ng nilalaman ng isip at puso nya.
"we'll tell him din naman Sim, his mom will tell him everything once na kahit papano ay makarecover sya. Hindi rin naman siguro ito magtatagal." sabi nya kahit pa na mismo sya ay hindi sigurado sa huling sinabi.
"and what if he found out bago nyo pa masabi sakanya lahat? Naisip nyo man lang ba kung ano ang pwedeng mangyari kapag nangyari yun?" napaisip sya sa tanong ni Simeona at hindi nakasagot agad.
"at ikaw, di ba sinagot mo na si Gian? Alam na ba nya to? Did you even consider yourself bago ka pumayag sa request ng nanay ni Kiefer?" hinawakan ni Simeona ang kamay nya bago nagpatuloy.
"o nagpakamartir ka nanaman? Na pumayag nalang without even considering how it will affect you. Piper, hindi pagiging selfish ang isipin mo din ang sarili mo."
"i'll talk to Gian about this tomorrow, tulong lang ang gagawin ko Sim, I love Gian and I won't do anything to lose him or to ruin what we have now." desidido nyang sagot, pinakatitigan syang mabuti ni Simeona saka yinakap.
"you know how much I love you, right? I want you to be happy at sa nakikita ko naman maayos ka na kay Gian. Wag na sanang magulo pa ang ngayon mo dahil lang sa past mo Pip, dahil sure ako na masasaktan ka din sa huli kapag nangyari yun and i don't want that to happen. "
Tumango muna sya sa kabigan bago sumagot.
"of course, and i am beyond grateful to have you in my life." muli syang yinakap ni Simeona, alam nyang hindi sang-ayon si Simeona sa desisyon nya pero katulad ng lagi nitong ginagawa, nakasuporta pa din ito sakanya.
----
Nakatingin lang sa malayo si Gian habang nilalaro laro ang pasta na kinakain nito, sinabi at ipinaliwanag na kasi nya dito ang sitwasyon ni Kiefer at ang pabor na hiniling ng nanay ng binata sakanya. Nakakailang buntong hininga nadin ito kaya naman nanlalamig na din ang kamay nya.
"love?" tawag nya dito para makuha ang atensyon ng nobyo. Tumingin naman ito sakanya saka pilit na ngumiti.
"do you still love him Cheska?" she was surprised by his question kaya ilang segundo muna ang lumipas bago sya nakasagot.
"no, of course not. I mean yes, but I love him differently now Gian. Bilang kaibigan nalang, i care about him as a friend dahil yun naman kami bago pa paging kami. Ikaw na ang mahal ko ngayon." hindi nakatingin ng deretso sakanya si Gian which she finds disturbing dahil sa tuwing kausap nya ang binata ay talagang deretsa itong nakatingin lagi sa mga mata nya.
Isang buntong hininga ulit ang pinakawalan ng nobyo bago ito nagsalita.
"i trust you Ches, and I trust your feelings for me i get it that he needs you now. Fine. Hindi naman ako walang puso na tao para ipagkait sa isang ina ang hiling nito, but gusto kong sabibin sayo na kung sakaling kunin ka nya sakin lalaban ako Ches."
"he won't do that Gian, once na bumalik na ang alaala nya maalala na din nya kung ano nalang ako sa buhay nya." she's trying to assure him that but Gian just looked at her and smiled.
"may mga bagay na hindi naman talaga nawala Ches, andyan lang natabunan. Nakaligtaan yes, pero hindi nawala. It's just there waiting for it's chance to resurface again." natigilan sya tinuran nito pero hindi na nya nagawang tanungin pa ito dahil alam nyang hindi nya magugustuhan ang magiging takbo ng usapan nila kung maguungkat pa sya.
" i love you Cheska, and I am willing to face a war for you if I have to..." tiim bagang na turan nito bago hawakan ang kamay nya at gawaran iyon ng mabining halik.
"i love you too Gian. Thank you."
-
Hello beshies! Salamat sa pagtyatyaga at paghihintay sa update. Pasensya na kung natagalan. Every friday night na po ang update natin.Comment & Vote.
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."