19

388 41 14
                                    

Dream...

"i understand, it is still her. It has always been her." mangiyak ngiyak na sabi ng babaeng nasa tabi nya habang sya ay nagmamaneho.

"alam ko naman Kief, alam ko na hindi mo naman talaga sya nakalimutan, hindi naman talaga sya nawala dyan sa puso mo. Pinagtyagaan mo lang ako, kasi I am the who is here with you pero ngayong bumalik na sya, ngayong nakita mo na ulit sya ano pa bang silbi ko di ba?" gusto nyang yakapin ang dalaga pero hindi naman nya pwedeng ihinto ng basta basta ang sasakyan.

"that is not true Ana, i love you. I really do." sinubukan nyang pakalmahin ang kasama pero maski sya ay hindi alm kung paano.

Ana has always been the understanding girl that she is, magtitiis ito hanggang kaya, iintindihan sya nito hanggang pwede kaya naman alam nya sa sarili nya na nasagad na nya ang pasensya nito para magburst ito ng ganito pero hindi naman nya alam kung saan ito nanggagaling, okay naman ito kagabi ng ihatid nya ito sa bahay.

"i love you, and i did everything to make you feel just how much. So please stop thinking about these nonsense."

Mapait na tumawa ang dalaga saka iiling iling na bumaling sakanya.

"i didn't say that you never loved me Kief, what I am saying now is, yes, you loved me but not as much as you love Piper. Everything is all about Piper. But i tried to understand, you loved her for so long. Sakanya lang umiikot ang mundo mo bago kayo nagkahiwalay pero bakit kahit nong nandito na ako may parte pa din ng buhay mo na para sakanya lang? Bakit hindi kita makuha ng buo???"

"love, you Piper is a part of my past. That's it. I don't understand why are we talking about her right now, we are getting married soon love. If you are not comfortable about working with her for the wedding just let me know. I am sure she will understand." naguguluhan na sya sa pinaghuhugutan ng kasintahan.

Sinulyapan nyang muli si Ana na ngayon ay nakatanaw lang sa labas ng bintana. Isang malalim na buntong hininga ang pinawalan nito bago muling magsalita.

"if she really is just a part of your past, then why do have to buy the house in front of her house? Bakit nagbayad kapa ng tao para mahanap sya?" natigilan sya sa tinuran ng dalaga, hindi sya nakasagot."

"tell me Kiefer, yun ba ang gawain ng isang tao na itinuturing ng nakaraan ang ex nya? Ang gumawa ng paraan para makapasok muli sa buhay nito?" humihikbi na ang dalaga.

"wag na tayong maglokohan Kiefer, hindi lang ako ang niloloko mo sa ginagawa mo ngayon kundi pati ang sarili mo. If you really still love her then tigilan na natin ang kasal na ito kesa sa pareho tayong magdusa sa huli." sinubukan nyang hawakan ang kamay ng kasintahan pero tinabig lang nya ito.

"ana its not that."

"then what Kiefer?!!!! What??!!!" napalakas na ang boses nito samantalang sya ay hindi malaman kung ano ang isasagot, hindi nya alam kung paano magpapaliwanag dito ngayong alam naman nya sa sarili na tama lahat ng sinabi ng kasintahan. He secretly bought the house in front of Piper's home, pinahanap din nya ito.

"you know what Kief, tama na. Itigil mo na tong sasakyan, bababa na ako. Wag na nating gawing komplikado pa." nagulat sya sa tinuran nito pero hindi nya hininto ang sasakyan at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

"KIEFER STOP THE CAR."

"we can't ana, nasa gitna tayo ng daan." sagot nya dito, pero nagulat sya ng bigla nitong kabigin ang manibela at muntik na silang makabangga.

"Anna please calm down." banayad na sabi nya rito, pero mukhang ayaw na nitong makinig dahil hindi nito binibitawan ang manibela.

"bababa ako Kiefer!" nagaagaw na sila ng manibela kaya nawala ang focus nya sa daan, pareho nalang silang nagulat na napatingin sa harap ng marinig ang matinis na busina ng sasakyang pasalubong sakanila. And everything went pitch black after.

Napabalikwas ng bangon si Kiefer, at sapo sapo ang ulo na napatitig sa kawalan. It's back, bumalik na ang alaala nya bago mangyari ang aksidente. Alam na nyang nagsinungaling sakanya ang mga magulang at si Piper. Si Piper, kasama din sya sa mga nagsinungaling sa akin. Pero bakit? Si Ana? Nasaan ang nobya?

Gulong gulo ang isip nya na bumangon sya at nagtungo sa veranda, sakto namang napatingin sya sa cellphone nyang umilaw din bigla.

A text message from Gelo, saying na nasend na nito sa email ang hinihingi nyang report. Ang incident report ng nangyaring aksidente sakanya.

Agad-agad nyang binuksan ang laptop at, binasa ang sinend na email ng kaibigan. Wala syang pinalampas na detalye, hanggang sa umabot sya sa parte ng pangalan ni Ana.

Halos, kapusin sya ng hininga sa nabasa. Tila may kung anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib nya. Dahan-dahan at nanlulumo syang napaupo sa kama, Ana didn't survived. Ana is dead. And it is his fault that's why.

Pinaghalong sama ng loob, sakit, galit sa sarili ang nararamdaman nya kaya naibato nya ang hawak na laptop saka parang bata na napahagulgol nalang ng iyak.

Sya namang pagpasok ng parents na mukhang narinig ang ingay na dulot ng paghagis na ginawa nya sa laptop kaya dali-daling nagpunta sa kwarto nya.

"por dios! iho what happened?" narinig nyang sabi ng mommy nya. Doon sya napaangat ng tingin at tinapunan ng masamang tingin ang mga magulang.

"leave me alone." malamig na saad nya sa mga ito, nagaalalang lumapit naman sakanya ang kanyang mommy pero tumayo at lumayo agad sya dito.

"Please. Leave me alone for now." sabi nya na hindi tinitignan ang mga ito, kinocontrol nya ang emosyon dahil baka sumabog sya sa harap ng mga ito kung ano pa ang masabi nya.

"Kiefer anak." tawag sakanya ng mommy nya.

"Please. Leave." buong tigas nyang sabi, don lang tila natigilan ang mga ito at saka na inikay ng daddy nya palabas ang kanyang mommy. Pagkasara ng mga ito ng pinto ay nagunahan nanaman sa pagpatak ang kanyang mga luha.

Hindi nya maintindihan. Gulong gulo sya. At si Ana. Wala na si Ana. Nawala ito ng masama ang loob sakanya. Nawala ito ng dahil sakanya. Kasalanan nya.







-
Nakaalala na sya. Paano na?

Update! Sensya na kung nainip kayo...

Salamat sa mga nagaabang padin. Mwah!!!

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon