7

593 53 32
                                    

Something New...

"good morning Piper. Gian remember?" kunot noong nag-angat ng tingin ang dalaga mula sa kinakain. Bumungad sakanya ang nakangiting mukha ng lalaking kagabi nya lang nakilala.

"yes of course. what can i do for you?" tanong nya dito kahit pa ang totoo ay ayaw nya itong kausapin. Nabwisit kasi sya sa pangingialam nito sakanya kagabi, na kung makapagsalita ay akala mo alam ang pinagdadaanan nya.

"do you mind if I sit with you for breakfast? Boring kasing kumain magisa eh" saglit muna syang nagisip saka tumango. Ayaw naman nyang maging bastos dito.

Agad-agad naman nitong nilagay ang hawak na tray sa mesa at nagumpisa ng kumain. Tahimik lang silang kumakain, ayaw nyang magstart ng conversation dahil baka hindi nanaman nya magustuhan ang sabihin nito pasungitan pa nya, magkaroon pa sya ng kaaway ng wala sa oras.

"so okay ka na ba?" biglang tanong nito ngumiti naman sya bago sumagot.

"yes I am, thank you for asking." pinakatitigan naman sya nito bago bumuntong hininga.

"no you're not but don't worry coz in no time you will." walang paligoy ligoy na saad nito sakanya. Naguumpisa ng kumunot ang noo nya.

"look, Gian. Thank you for your kind words but I really am okay." hindi na sumagot at nagkibit balikat naman ang lalaki.

Minadali na ni Piper ang pagkain pagkatapos ay nagexcuse na sya para bumalik sa kwarto, nakangiti lang naman na tumango ito sakanya bilang sagot.

Chinek na muna nya ang kanyang mga email at sinagot ang mga dapat sagutin bago naisipang lumabas at magpunta sa frontdesk. Gusto nyang mamasyal at baka may maisasuggest itong pwedeng puntahan.

Magiliw naman sya nitong inassist at binigyan pa ng brochure ng mga tourist spots na malapit sa resort, pinasamahan din sya sa isang staff papunta doon sa van na magseservice ng mga guests na gustong mamasyal. Nakangiti syang nagpasalamat at nagpaalam dito ng marating nila ang van.

Excited na sya sa mga pupuntahan nya ngayong araw, ang plano nya ay hindi sya uuwi hanggang hindi napapasyalan ang kahit 3 lang sa mga nandoon sa brochure na hawak nya.

Kaagad namang napawi ang ngiti ni Piper ng pagsakay nya sa van ay bumungad muli sakanya ang mukha ni Gian. Napatingin ito sakanya at ngumiti ng matamis.

"going around?" masayang tanong nito na tinanguan lang nya, umusog pa ito ng konti para bigyan sya ng pwesto at dahil wala na syang ibang maupuan ay tumabi nalang sya dito. Inabala nalang nya ang sarili sa cellphone.

"what do you do for a living Piper?"

"i am a wedding coordinator. You?" magalang nyang sagot.

"businessman." simpleng sagot nito, bigla naman naging curious sya dito.

"eh anong ginagawa mo dito?" hindi nya napigilang itanong, tinignan naman muna sya nito bago sumagot.

"same reason kung bakit ka nandito."

"at pano mo naman nasabing pareho tayo ng dahilan kung bakit nandito?" nakataas ang kilay na tanong nya.

"the way you cried last night, i just know. Yung mga sinabi ko sayo kagabi yun kasi ang mga gusto kong sabihin sa sarili ko. I know I sounded intrusive alam ko din na naiirita ka sakin but when I saw you crying last night I just knew that somehow we are on the same situation kaya i'd like to apologize kung may mga nasabi ako na hindi mo nagustuhan." sinserong sinsero ang boses nito dahil do'n ay parang natunaw naman ang lahat ng nararamdaman nyang inis para sa lalaki.

"okay, sorry din kung medyo natatarayan kita." inilahad nya ang kamay dito na malugod namang inabot ng lalaki.

"friends?"

"friends..."

Dahil sa nagkasundo na, napagdesiyunan nilang dalawa na sabay nalang silang mamasyal. Kung saan saan sya dinala ni Gian, kung anu-ano nadin ang napagkwentuhan nilang dalawa at habang natatapos ang araw mas nakikilala nya ito mas gumagaan na din ang loob nya dito.

"i really enjoyed your company Gian, thank you for today." nandito na sila sa labas ng kwarto nya, nag insist kasi ito na ihatid pa sya kahit na umaayaw sya.

"no, thank you Piper. See you again tomorrow?"

"sure. Goodnight."

"goodnight cheska."

Pumasok na sya sa loob ng nakangiti, no'n lang din nagsink in sakanya ang pangalan ginamit nito sakanya. Wala pang tumatawag sakanyang Cheska. Mas madalas syang tawagan sa first name nyang Piper, iiling iling nalang na nagayos na sya para matulog.

---

Piper waked up the next day feeling refreshed. Mukhang maganda ang naidulot ng pamamasyal at  pakikipag kaibigan nya isang katulad ni Gian na broken hearted ding gaya nya.

Gian is fun to be with, masyado itong masayahin na hindi mahuhulaan na may mabigat din palang pinagdadaanan and she's glad na pumayag syang makipag kaibigan dito.

Dumeretso sya sa resto para magbreakfast. Nakita nyang andoon na si Gian at tila may hinihintay, kaagad namang umaliwalas ang mukha nito ng makita sya.

"good morning Cheska. Sleep well?" pinaghila pa sya nito ng upuan bago bumalik sa pagkakaupo.

"morning, yes. Ikaw?"

"I did, kumuha na ako ng breakfast. Hinintay na kita para sabay na tayo. Let's eat." ngumiti sya dito at nagumpisa ng kumain.

Piper can't help but look at Gian, may magandang naidulot talaga ang pagbabakasyon nya dito atleast she's able to meet a new friend.

"alam kong gwapo ako but Cheska I can't eat properly kung ganyan ka makatitig." sinabayan pa nito ng kindat ang sinabi.

"not to mention na medyo feeler ka din." natatawang sagot nya dito na ikinatawa din ng binata.

Napagkasunduan nilang magpunta sa Magellan's Cross ngayong araw.

"what are you praying for?" bulong ni Gian mula sa likod nya. Sinulyapan nya ito saka matamis na ngumiti.

"na tulungan Nya tayong makamove on, at sana maghilom na ang mga sugat sa puso natin."

"i'm sure He'll hear your prayer. Mabait ka eh." tinawanan nya lang sinabi nito saka nagpatiuna nang lumabas.

"hanggang kelan ka dito?" maya-mayang tanong nya sa binata.

"i'll be here til next week. Kailangan ko na din bumalik sa trabaho eh."

"ah, mauuna ka palang umuwi sa akin. baka makalimutan mo na ako paguwi mo ng Manila ah." pabirong sabi nya, pinisil naman ni Gian ang magkabila nyang pisngi at pinanggigilan.

"imposible yun. kaibigan tayo di ba?" sinamaan nalang nya ito ng tingin habang hinihimas ang pisngi.

Napadaan sila sa isang simbahan at sakto namang may kinakasal doon, bigla nalang nawala ang ngiti sa mga labi nyang napatitig nalang sya sa altar kung nasaan ang kinakasal.

"i used to love weddings, iba kasi yung saya na nararamdaman ng mga tao sa araw na iyon nakakahawa tsaka parang punong puno lahat ng pagmamahal. Pero ngayon, hindi ko maiwasang malungkot. Kasalanan ba kung hindi ko magawang maging masaya para sakanya Gian? Mali ba kung hinihiling ko pa din na sana ako nalang  yung babaeng pakakasalan nya?" wala sa sariling sabi ni Piper habang walang kakurapkurap na nakatingin sa harap, napahinto nalang sya ng maramdaman ang kamay ni Gian na nakapatong sa balikat nya.

"mahal ko sya Gian, mahal na mahal ko pa din sya. Sana mawala na, sana bukas pag gising ko hindi na masakit, para magawa ko nang maging masaya para sakanya kasi deserve nya yun eh. Para maging masaya na din ako." yinakap nalang sya ng binata at hinagod hagod ang likod. Wala mang itong sinasabi pero sa paraan nito ng pagyakap ay pinaparamdam nya na naiintindihan nya ang dalaga.

"wag mong madaliin Cheska. Darating din yun." at sa sinabi nito tuluyan ng pumatak ang mga luha nya. Ang pinagkaibahan ngayon, umiiyak at nalulungkot sya pero alam nyang hindi sya nagiisa.









-
Salamat Gian! Laban Piper!
Sa mga nagtatanong kung sino si Gian check media above mga besh. =)

Lost & FoundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon