Begin...
"What are you doing here this early Kief?" Nagulat na tanong ng dalaga, di kasi nya inaasahan na ang binata ang mapagbubuksan nya ng pinto. Wala pang alas-syete at wala naman silang usapan sa araw na iyon. Hindi na nga sya nito pinatulog magdamag dahil sa naging tagpo sa garden, tapos napaka-aga pa ay nandito na ito sa labas ng bahay.
"I just thought of having breakfast with you." Masayang sagot nito na tila walang nangyari kagabi, dumeretso na ito papasok at nagtuloy sa kusina. Saka lamang nya napansin na may mga dala ito.
"Well, Pip I know that I am handsome but I think you need to get going. Ako na bahala sa breakfast natin, magready kana para pagkatapos mo sabay na tayong kakain." Hindi nya mawari pero tanging tango nalang ang naging sagot nya dito at iniwan na sa kusina para magready na pumasok.
Nakaligo na sya at nagbibihis na ng manuot sa ilong nya ang masarap na amoy ng fried rice, biglang tumunog ang tyan nya kaya naman nagmamadali na nyang tinapos ang pag-aayos at bumaba para puntahan ang binata.
Naabutan nya si Kiefer na busy sa paghahain ng mga pagkain.
"Feel at home?" Agaw nya sa atensyon nito. Ngumiti naman ito sakanya at nilapitan sya.
"Sorry, mamaya mo na ako sermunan. Let's eat, I'll drop you off sa office." Pinaghila pa sya nito ng upuan.
"May sasakyan naman ako Kief." Sagot nya habang nilalantakan na ang bacon. She can't seem to remember kung kelan yung huling beses na kumain sya ng matinong almusal dito sa bahay.
"Oh is it not your coding today?" patay malisyang sagot lang sakanya ng binata.
"Oo nga pala, sige. Who am I to say no to a free ride?" Sagot nya at nagpatuloy na sa kinakain.
At katulad nga ng napagusapan, hinatid sya ni Kiefer papasok ng trabaho sa araw na iyon. Walang nagbanggit sa napag-usapan nila ng nakaraang gabi, tila nagkaroon sila ng tahimik na pagkakaunawaan na huwag nalang iyon ungkatin.
Mas maaga sya ng kaunti ngayong umaga kaya naman ay nagkaroon pa sya ng pagkakataon na mag kape bago magsimula sa trabaho, hindi kasi sya nagkakape sa bahay for her drinking coffee means she's ready to start her work kaya naman nakasanayan na nyang sa opisin iyon ginagawa.
"Good morning miss Piper, iba yata awra natin ngayong umaga miss ah?" Makahulugang komento sakanya ng sekretarya.
"I just had a good start this morning." Nakangiting sagot nya dito habang pinipirmahan ang mga papeles na dala nito.
Hindi naman na ito sumagot at magalang nalang na nagpaalam matapos nya iabot dito ang mga pinapirmahan.
May mga bago syang project na kailangan aprobahan, maliban pa iyon sa pagkontak nya sa flower arranger na nakausap nya para sa parents ni Kiefer. Mabuti nalang at naka-auto pilot ang mga empleyado nya, alam na ng mga ito ang mga gagawin, ang kailangan na lamang nyang gawin ay mag-approve.
Natapos ang pag-uusap nila ng kaibigang flower arranger at sobrang naeexcite sya sa magiging kinalabasan ng mga bulaklak na napili nila na hinalo nila sa mga hand-picked ng mommy ni Kiefer.
Nakatanggap sya ng message mula kay Simeona, nagyayaya itong maglunch at wala naman syang appointment sa oras na iyon kaya naman ay pinagbigyan na din nya ito. Bumalik na kasi ang focus ng kaibigan sa negosyo nito, habang inaalala nya kung gaano ang tyaga ng kaibigan para mapagsabay ang negosyo nya sa pag-aasikaso sa sarili nitong negosyo ay pakiramdam nya ay talagang napakaswerte nya. Hindi man sya maswerte sa pag-ibig maswerte naman sya sa kaibigan.
Dumeretso sya sa opisina ng kaibigan, nagrequest kasi ito na sya naman ang magpunta doon dahil mayroon pa daw itong meeting ng 1:30 ng hapon kaya hindi maaring lumayo sa opisina. Bumili nalang sya ng pagkain nila.
"Lunch na!" masayang pag-agaw nya sa atensyon nito dahil naabutan ng nakakunot pa ang noo nito na tutok na tutok sa computer. Tila napahinga pa nga ito ng maluwag ng makita sya.
"Hay salamat. Nagugutom na ako." Pasalampak itong umupo sa sofang naroroon habang sya ay inayos na ang mga pagkain sa mesa.
"Mukhang busying busy ka ah?" Komento nya dito, tumango naman ang kaibigan habang hinihilot ang sentido."Sinabi mo pa girl, late na nga ako umuwin kagabi maaga pa ako pumasok kanina. Ang dry na ng skin ko sa stress." Maarteng litanya nito kaya naman hindi nya naiwasang matawa dito, kaagad naman nabaling ang tingin sakanya ng kaibigan.
"I see, you look radiant. Hindi ka ata stress sa opisina?" may kahulugan ang tingin nito sakanya.
"Not much, sa isang project lang naman ako nakafocus ngayon cause yung ibang project is nadidistribute naman sa team." Simple lang nyang sagot.
"Hmmm.. I see, I heard may naghatid daw sayo kanina?" Nagulat sya sa tinuran ng kaibigan, napailing nalang sya ng maisip kung sino ang maaring nagkwento dito.
"Is he courting you na ba?" Tinusok tusok pa nito ang tagiliran nya.
"He's not, Simeona we are just friends. Bawal na ba iyon ngayon?" Parang wala lang na sagot nya rito, doon naman sumeryoso ang mukha ng kaibigan.
"Pwede naman, but not in your case. We all know na there's always something between the two of you. And kung ikaw kaibigan lang, how sure are you na ganoon lang din ang nararamdaman ni Kiefer?" Makahulugan nitong saad, di lamang nya iyon pinagtuunan ng pansin. Sinimulan na nya itong hainan ng pagkain sa plato.
They ate in silence mukhang nakaramdam naman ang kaibigan na ayaw nyang ipush ang topic nila kanina. Alam naman nya ang tinitukoy nito, hindi sya manhid para hindi maramdaman ang kakaibang koneksyon nila ni Kiefer pero hindi nya iyon pinapansin.
Si Simeona na ang nagligpit ng mga pinagkainan nilang dalawa sya naman ay naupo nalang sa sofa ilang saglit lang din ay kailangan na nyang bumalik ng opisina. Handa na syang ipikit ang mata ng tumunog ag cellphone nya tanda na may nagtext.
What time are you going home later? I'll pick you up sa bahay din ako uuwi eh.
Text message iyon galing kay Kiefer, kaagad naman nya iyong sinagot hindi naman sa umaabuso pero kung doon din naman ang uwi ng binata ay hindi na sya magiinarte dahil sa totoo lang ay ayaw nyang nagtataxi pauwi kapag ganitong coding siya.
"By the way, daanan kita mamaya girl. Di ba coding mo?" Narinig nyang sabi ng kaibigan.
"Ahm, wag na girl. Sasabay nalang ako kay Kiefer doon daw kasi sya sa bahay nya uuwi eh." Sagot nya dito na umani ng isang matinis na tili mula sa kaibigan.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig..."
Hindi na nya iyon pinansin at pinagwalang bahala nalang. Nagpaalam na din sya na babalik na ng opisina, kung anu-ano pang binilin nito sakanya bago sya pakawalan. Puro iling lang naman ang sagot nya.
Pagdating nya ng opisina ay sinalubong kaagad sya ng isa sakanyang mga coordinator, diniscuss nito ang magiging bagong project. Pagkatapos noon ay tuloy-tuloy na ang meeting nya, kailangan nya din kasing kausapin ang mga ito isa-isa para masiguro nyang maayos pa ang mga ito lalo pa at medyo matagal din syang nawala at nakakausap nya lang ang mga ito sa mga panahon na yun through video chat.
Saktong 6pm ng makatanggap sya ng tawag mula kay Kiefer na nandoon na ito sa parking. Hindi na nya pinaakyat ang binata dahil nakaready na din naman syang umuwi.
"Good night Miss Pip! Ingat po." Sagot sakanya ng mga coordinator nyang nandoon pa.
Tinawagan nya si Kiefer ng makababa sya, muntik pa syang mapalundag ng bumusina ito sa tapat nya saka tumatawang bumaba para pagbuksan sya ng pinto.
Muli syang nagulat at nagtatanong ang mga matang bumaling sa binata. Isang bouquet kasi ng sunflower ang bumulaga sakanya ng buksan nito ang pintuan ng passenger's seat.
"You're welcome." Nakangiti lang nitong sagot sakanya.
"Thank you." Tanging nasabi na lamang nya.
***
Haler beshies! New update... Enjoy!
Please follow me on my socials:
IG: missrhoj
Twitter: thenameisrhoj
BINABASA MO ANG
Lost & Found
Romance"wherever you may be, kahit na ayaw mo pa mahahanap at mahahanap kita."