Prologue

66 11 1
                                    

Dedicated to:
elnalascano
BitchyIrish

....[ kumain ka na ba anak?]

Napangiti ako. Chat yon ng nanay nanayan ko sa RPW. Inangat ko ang cp ko at kusang tumipa ang aking mga daliri sa keyboard kong kulay pink.

....[ Opo naman po, mommy.. 😊 ]

Alam kong peke ang mundo ng RPW. Pero sa maniwala kayo at sa hindi... Minahal ko na ang nabuo kong pamilya dito.

.....[ Good girl.. Ano na gawa mo, baby?]

Katulad nito. Parang totoong nag aalala diba? Sya si Binibining Manunulat. Iyan ang pangalan nya sa RP ehh. Pero Mae daw sa real world.

.....[ Nakahiga lang po.. Kaw po ba?] Replay ko.

.....[ Nakaupo at nag-cp lang. Tagal mag ol ng daddy mo.]

.....[Mag ool din yun, mom... Wait Ka lang... 😊]

Matagal magreplay si mommy...kaya pinindot ko ang back icon sa cp ko. Iniscroll ang mga kachat at mas lumawak pa ngiti ko ng makita ko kung sino ang sunod na nag chat.

......[Hey, lil sis.]

Si kuya Dwaeyne Waynle. Anak anakan din ni Mommy.

.....[Hey kuya... Wassup?]

.....[I'm fine, lil sis. How about you, how's your day?..]

Yes. Englishero yang si kuya kaya naman napapa english na din si ako. Trying hard ang lola nyo. Haha. Pero isa yan sa personality na nagustuhan ko sa kanya. Nakaka misteryoso at astig.

Habang iniintay ang sagot ni kuya, pinindot ko ang back icon upang tingnan kung nakapag reply na din ang iba.

Si Mom.

.....[ Baby..... Online na daddy mo..😂 ]

.....[ Yiiieeeehh...... Se memmee nekekeleg.... 😂 ] pang gagaya ko sa mga pabebeng babae.

Masaya. Sobrang saya. Dahil kahit nasa online apps lang ang lahat ng ito ay damang dama ko ang presensya nila. Mag isa lang kasi ako palagi dito sa bahay. Si papa busy sa company. Ang mama ko naman ay matagal ng walang pakialam. May kapatid nga akong bunso kaso wala naman dito at busy sa school. Kaya naman, sobrang thankful ko ng makilala ko sila.

Napangiti ako ng todo ng mag pop up ang name na may NN na " Gwapo kong Ate ". Sya si Ate Kelly Woolf. Asawa ni kuya dito sa RP.

.....[ Bibi, ano, sasali ka ba?] tanong nya.

.....[ Yiiee.... Sige, sige. Sasali na ko, Ate.]

Ang tinutukoy nya ay ang Dark Phantom Gang (D.P.G) na isang GC para sa mga naghahanap ng adventure. Ito ay pribado na tanging ang mga miyembro lang ang nakakapasok. Mayroon itong mga rules at higit sa lahat ay ang I.D.

Agad agad namang lumabas ang logo ng D.P.G sa chat box ko. Ibig sabihin, ini-add na ako ni Ate. Pero may mga kelangan pang daanan bago makapasok sa main. Nagsagot ako ng mahabang Interview Sheet at nakipag war sa Training Room. Ang war na tinutukoy ko ay ang mga; flirt war, debate, trash talk, combat war and so on.

Matapos ang masinsinang pag sisiyasat ng mga officers ay nakapasa ako..

.....[ Welcome....] Bati ng isang member.

.....[ Yow, Raine..] Si Ate kelly.

.....[ Yiiieee... Thank you po. 😊 ] Reply ko.

Madami pang mga bumati at napaka saya nito.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Fb is life......

RPW  "Turns to Reality"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon